"W--what did you just call me?!"



"Red-headed bitch," poker-face kong sabi.



"..."



"Y--you! Fine let's play! What do you want?" Sabi niya na halata mong galit na galit na. Kung wala lang kami dito sa military ground, malamang nahila niya na ang buhok ko sa sobrang galit. Well, kung wala kami dito malamang nasapak ko na siya...



"It's up to you." sabi ko habang humihikab. Yeah! I'm bored and she's boring to play with!



Hindi ko na pinansin ang mga tingin nila, lalo na ang tingin ng captain nila sa'kin. Kung makatingin siya parang kakainin niya na ako ng buhay! Geez!



Binaling ko na lang ang atensyon kay Fey na lalong pumapangit sa sobrang galit. Nginisian ko na lang siya. Bakit ba? Ang sarap kayang mang-inis ng mga bitch na katulad niya!



"Oh! Piliin mo kung saan ka magaling ahh!" seryoso kong sabi na kinatigil nila.



"T--this girl is weird!" isip-isip ni Captain Wood habang nakatitig sa seryosong mukha ni Heavenhell.



"How dare you say that! But fine!" Ngumisi lang siya sa'kin. 



"Follow me!" Sabi nito kaya sinundan ko na lang siya sa pupuntahan kuno namin.




Sa personality ng babaeng 'to ay may ideya na ako kung anong laro ang pipiliin niya. Hinayaan ko na lang siya at mas minabuti na tignan ang buong military training ground. 



Hindi maitatanggi na sobrang laki nito at mahahalata mo na pinagtuunan ng pansin ang arkitektura ng mga facilities. May building nga akong nakita na sa tingin ko ay medical clinic nila kung saan doon nananatili ang mga medical soldiers ng military department.



May malaki ding field kung saan sila tumatakbo araw-araw. Sa kaliwang banda naman ay ang mga pang-obstacle race nila para ma-train ang katawan ng mga estudyante. Gosh! Kumpleto lahat ng facilities ng school na 'to at nakaka-inggit na nandito sila araw-araw. I also want to be here!!!



Pero alam ko na hindi 'yon pwede dahil baka makarating ang balita sa mga Caventry. Hangga't hindi pa ako sigurado na hindi papalpak ang plano ko ay 'di muna ako gagawa ng malaking bagay na ikaka-agaw ng atensyon nila.



"We're here!"



Napatingin ako kay red-headed nang marinig ko ang boses niya. Hindi nga ako nagkamali dahil kasalukuyan kaming nasa shooting range kung saan pasimpleng nagningning ang mga mata ko nang makakita ng iba't-ibang klase ng baril. Ang mga baril dito ay halos kaparehas lang ng nasa Earth kaya sa tingin ko ay pareho lang din ang pangalan na binigay nila.



"Bakit maraming tao dito?"


"Oo nga no! Ohh! Si Captain Marlon kasama si Fey nandito rin!"


"Pero sino yung magandang babaeng kasama nila? Girlfriend ni Captain?"


"Baka nga! Pero teka? Hindi naman sila sweet sa isa't-isa ehh!"


"Ano ka ba? Syempre! Sa ugali ni Captain sa tingin mo ipapakita niya yung pagiging sweet niya?"


"Tama! Tama! Pero anong ginagawa nila dito?"



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now