Malungkot na humalukipkip ako sa kinauupuan. Nakaka-praning, wala akong ka-bonding. Wala na kasi si Nelly. Hindi na talaga pumapasok iyong babaeng iyon. Nag-drop na nang tuluyan. Mula kasi nang malaman sa kanila na buntis siya, pina-stop na siya.

Nangalumbaba ako sa armchair at nilingon si Asher. Busy talaga siya sa kung sino mang ka-text niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

"Hoy, Asher!" tawag ko sa kanya. "Me tanong ako."

"Shoot," sagot niya natuloy pa rin sa pagse-cellphone.

"Pano mo masasabing in love ka?" wala sa loob na tanong ko sa kanya.

Natigil sa pagta-type sa screen ng phone si Asher. "Luh, mare, anong tanong 'yan? Nag-aadik ka ba?"

"Pano nga? Sagutin mo na lang!"

"Hmn..." Napanguso siya. "Masasabi mong in love ka na kapag siguro dumating ka sa point na napapangiti ka kahit naghuhugas ka lang naman ng plato."

Sinimangutan ko siya.

Bumalik naman na siya sa pagse-cellphone. Mayamaya ay mahinang nagmumumura na siya. Hindi na yata ni-reply ng kung sino mang ka-text niya. 'Buti nga!

Pagdating ng teacher namin ay bumalik na ako sa upuan ko. Ang saklap lang dahil pinaglabas kami agad ni Ma'am ng lengthwise paper. Wala pa naman ako nun kaya kinailangan ko pang manlimos sa meron.

Ang aga-aga, long quiz agad. 'Tapos onti lang iyong may choices, pinakamarami ang enumeration at fill in the blanks ampota. 

Dumaan ang mga minuto. Duling na ako kakatitig sa manila paper na nakadikit sa blackboard pero wala talaga akong maisip na isagot sa mga tanong na nandoon. Napag-aralan ba talaga namin iyon?

Ang tahimik ng buong room habang naglo-long quiz. Siguro mga wala ring maisagot. Bigla ko tuloy na-miss si Nelly. Siya kasi iyong klase ng estudyante na maglilibot lang saglit sa buong room pero pagbalik ay may sagot na.

Napailing ako. Hindi rin pala uubra ang ganoon ngayon. Matinik si Ma'am, hindi siya umaalis sa harapan para bantayan kami.

"Walang lilingon sa katabi," parinig ni Ma'am sa nagbabantang boses. "Kapag nakatapos na, ibigay sa akin agad ang papel."

Sa true lang, ano bang trip ng teacher namin? Katatapos lang ng sembreak, quiz talaga agad? At long quiz pa, ah? Up to 50. Broken ba siya at kami ang pinag-iinitan niya?

Tagaktak na ang pawis ko. 20 minutes na lang at tapos na ang subject namin pero nasa number 10 pa rin ako hanggang ngayon. Ang hirap naman kasing manghula pag enumeration. Ang pakiramdam ko tuloy ngayon ay parang rereglahin ako ulit kahit katatapos ko lang.

"'Done, Ma'am." Tumayo si Isaiah na bitbit ang lengthwise paper niya. Siya ang pinakaunang natapos sa aming lahat sa room.

Naglakad siya patungo sa teacher namin at inabot ang papel niya. Hangang-hanga naman ang mga kaklase namin.

Pagkatanggap ng teacher namin sa papel ni Isaiah ay chineckan agad. Si Isaiah naman ay lumakad na pabalik sa upuan niya habang busy si Ma'am.

Pagkarating sa row kung saan ako nakaupo ay pasimple niya akong binato ng crumpled paper na maagap ko namang nasalo. Pagbuklat ko nito ay nagningning agad ang mga mata ko. Shet, may answers na ako!

Syempre di ko kinopya lahat ng sinulat ni Isaiah na sagot. Minalian ko iyong iba para hindi naman masyadong halata. Hindi rin ako nagpasa agad, hinintay ko na marami munang makatapos saka ko ipinasa ang papel ko.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon