Chapter 27

35 2 0
                                    

Chapter 27
Meet the Parents

AIDEN POV

'I love you too, Aiden'

'I love you too, Aiden'

'I love you too, Aiden'

'I love you too, Aiden' 

Sh-t! hindi talaga ako makapaniwala, akala ko panaginip lang ang lahat pero hindi. Pero... h-hinalikan ba talaga ako ni Bella? ang isang Bella Adair na almost perfect na sa lahat ng bagay? God! siguro panaginip lang toh, yes tama! panaginip lang talaga toh.

I try to pinch myself to know wether this is real or not

Pinch!

"Ouch"napahawak ako sa parte ng kamay ko kung saan ako kumurot

Masakit....

Biglang lumaki ang mata ko ng ma-realied kong totoo nga ang lahat ng toh. Buti at nasa bahay na ako ngayon dito sa loob ng kwarto ko kung hindi siguradong pagtatawanan na ako ng mga taong makakakita sakin. I look like an idiot right now... hindi ko mapigilang mapatili ng konti ng maalala ko kung pano ako halikan ni Bella kanina.

Sobrang lambot ng labi nya, at para itong lasang strawberry? bat ang tamis ng labi nya? ganun ba talaga kapag nagki-kiss ang dalawang taong nagmamahalan?

Hindi ko talaga makalimutan yun, at sigurado akong sobrang nakakatawa ang itsura ko sa mga oras na yun. After that kiss ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, basta ang alam ko nalang ay nasa bahay na ako at nakatulala parin. Ang nakakatawa dun ay bat parang ako yung umaastang parang babae? pati sa paghalik mas marunong pa si Bella kaysa sakin, nakakahiya talaga....

Nakatitig lang ako sa kisame at nag-iisip hanggang sa diko namalayang nakatulog na pala ako.

***

THE NEXT DAY

Kasalukuyan ako ngayong nagwawalis sa labas ng bahay namin tutal linggo naman ngayon at walang pasok. Di muna ako pumunta sa simbahan dahil mamaya ay susunduin ako ni Bella para ipakilala sa parents nya.

Grabe kinakabahan ako, magugustuhan kaya nila ako kahit mahirap lang kami? Pano kung ayaw nila sakin? Ano nang gagawin namin ni Bella? Ang gusto ba nilang maging boyfriend ng anak nila ay mayaman at gwapo? pero mahirap lang ako at.... cute

Aaminin ko na hindi ako ganun kagwapo, pero ang sabi ni nanany gwapo daw ako kapag tinanggal ko yung eyeglass ko. Kapag kasi naka-eyeglass ako nagmumukha akong matalino.

"Huy kuya! anong tinutunganga mo dyan? aba bilisan mong magwalis at tulungan mo si nanay sa paglalaba"gulat akong napatingin sa kapatid ko ng bigla nalang syang sumulpot.

"Ano ba Aliyah nanggugulat ka naman"gulat na saad ko

"Eh kanina ka pa po kasi nakatunganga dyan eh, ano bang iniisip mo kuya? "

"Wala, atsaka kung makapag-utos ka akala mo naman may ginagawa ka eh puro cellphone lang naman ang inaatupag mo ikaw nga ang pumunta kay nanay at tulungan syang maglaba"saad ko, kung makapagutos kasi toh akala mo naman ang dami nyang ginagawa, wala naman parang senyorita.

"Bakit ba? Hmpp—dyan ka na nga"mataray na saad nya bago umalis

Hays...

3 HOURS PASS... 

Tatlong oras na ang lumipas at handa na ako, kinakabahan na talaga ako ngayon dahil makikilala ko na talaga ang parents ni Bella. Hindi ako sigurado kung magugustuhan nila ako basta ang gagawin ko nalang ay ipakita sakanila kung gano ko kamahal si Bella.

Stalking Mr.Nerd[Complete]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant