Chapter 4

79 6 5
                                    

CHAPTER 4
Saving Mr.Cute Nerd

BELLA POV

Arghhh... nakakainis na ang babaeng ito, bat sa dinamidami pa ng ibu-bully nya bat'si Mr.Cute Nerd pa. Di ko gusto si Mr.Cute Nerd, naaawa lang ako sakanya okay? Mabuti na at magkaliwanagan tayo pero kyahh bat ba ang cute-cute nya sa paningin ko?!

Aha!alam ko na!

Baka GINAYUMA nya ako

O_O

Oh god! Oh my god! Waahhhh mangkukulam kaya sya? Pero di naman totoo ang mangkukulam diba? Nababaliw na ako....

"Alam mo Nerd? Mali ka ng kinalaban kaya sa susunod tumingintingin ka sa dinadaanan mo at nakakabunggo ka, do you know how expensive this uniform is? Arghh.... Nakakainit ka ng ulo"galit na saad ni Maggie

"Hoy Maggie, anong expensive ang sinasabi mo? Para sabihin ko sayo pare-pareho lang tayo ng uniform, well expensive nga pero wag mong ipagmalaki na parang MAS expensive yang uniform mo kasi pareho lang tayo"sabat ni Carmel, kahit kailan ang hilig makisali ng babaeng toh sa gulo kaya nade-detention eh, pero okay narin yun dahil kung hindi man nya yung sabihin ako rin naman ang magsasabi.

"Wag ka ngang makisali dito Carmel palibhasa tomboy kasi"mapangasar na saad ni Maggie.

Oh yeah, as I said she's not the typical type of a queen bee or b-tch, as you can observe hindi sya conyo magsalita gaya nung ibang nababasa.

"Gusto mo ng suntok"saad ni Carmel at susuntukin na sana si Maggie pero agad namin syang pinigilan ni Rihanna.

"Oh~susuntukin mo talaga si queen? What a shame"singit ni Chloe kaya napataas naman ang kilay ni Rihanna, hate na hate nya kasi si Chloe I don't know why pero siguro dahil nilalandi ni Chloe si Mark na kapatid nya, di ako sure.

"Bakit? Gusto mo bang ikaw nalang ang suntukin ni Carmel? "Taas kilay na tanong ni Rihanna pero ngumiti lang si Chloe

"Oh my dear future sister-in-law, how are you? You look beautiful as ever"ngiting saad ni Chloe at akmang yayakapin sana si Rihanna pero agad itong umiwas kaya yung hangin ang nayakap nya.

"Tsk, wag mo nga akong tawaging future sister-in-law dahil kahit kailan di kita magiging sister-in-law"sigaw ni Rihanna, kita ko naman ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Chloe

Minsan nakakaawa rin ang tatlong b-tches na toh, pero kasalanan rin naman nila kung sana di ganyan ang attitude nila naku.... masaya sana.

Napatingin naman ako kay Mr.Cute Nerd, nakatayo na ito at nakatingin samin, pagtingin ko sakanya ay sakto ring napatingin sya sa pwesto ko.

*Tug dug tug dug tug dug*

Sh-t bat ganito ang puso ko, it always beat fast whenever I look at Mr.Cute Nerd, don't tell me may sakit ako sa puso? no! Hindi pwede healthy kaya ako.

Nginitian ko sya at nahihiya naman syang napaiwas ng tingin making him more cuter than ever, nanggigigil ako sakanya.

"Hoy sumosobbra na talaga kayo ah! diko na papalampasin pa toh, okay lang yung pagtawag mo sakin ng tomboy pero yung pagtawag mo ng bakla kay Rihanna hindi na, like what the h-ll tignan mo nga ang mukha ng kaibigan ko! Mukha ba tong bakla? Ang ganda ganda nga nito tapos sasabihin mong bakla bigwasan kita dyan eh"napatingin ako kay Carmel ng bigla syang sumigaw

Did I heard it right? Tinawag nilang bakla si Rihanna, what the---hindi kaya sya mukhang bakla, ang ganda nga nya eh, cute yung mga mata nya.

"Tumigil na kayo"sabat ko sakanila dahilan para makuha ko ang atensyon nila, marami naring nanonood samin kaya kailangan na niyong matapos

Stalking Mr.Nerd[Complete]Where stories live. Discover now