Napabuntong hininga si nanay. Kay lalim lalim ng buntong hi inga niya.

Pinunasan ko ang mga kamay ko atsaka lumapit sa kanya. Niyakap ko siya sa likod.

"Nanay, huwag po kayong mag-alala. Hmmp?"

Umiling iling si nanay. Nagtutupi siya ng mga kurtina na tinahi niya. Idedeliver na iyan ni JR mamaya.

"Hindi mo naman maiaalis sa akin ang mag-alala, anak. Sa t'wing magtitinda ka nga sa gabi ay hindi ako mapakali iyan pa kaya."

Tumabi na ako sa kanya. Kinuha ko ang mga kamay niya at hinawakan.

"Nanay, iingatan ko po ang sarili ko. Atsaka malapit lang naman po sa atin ang papasukan ko. Sa kabilang poblacion II lang 'nay. Kaya huwag ka ng mag-alala. Okay."

"Reina, anak, huwag mo naman sagarin masyado sarili mo. Hindi naman tayo naghihirap. Sapat na sa amin iyang ginagawa mo. Magpahinga ka naman."

Ngumiti ako kay nanay. Hinaplos ko ang mukha niya. Napabuntong hininga.

"'Nay, kailangan natin mag-ipon. Si JR mag fo-fourth year college na. Malapit ng matapos. Si Riza mag-co-college na rin. Kapag nakapag-tapos si JR hihinto na ako sa pagtitinda sa gabi. Promise ko 'yan," saad ko at tinaas pa ang kanang kamay. Nanunumpa sa kanya.

Niyakap ako ni nanay. May mga binulong pa siya sa akin bago ako binitiwan. Tumango ako at naghanda para mamayang gabi.

 

******

Nang sumapit ang alas kuatro y medya ay naghanda na ako. Hindi naman sinabi ni mamang security guard kung ano ang susuotin kaya nag maong na lamang ako at puting Tshirt.

Inilabas ko ang kaisa isa kung sapatos. Nabili ko pa 'to noong grumaduate si JR ng grade 12.

Matagal-tagal na rin 'to sa'kin. Hindi pa naman sira pero nag-iiba na ang kulay dahil sa pagkaluma.

Hindi rin naman ako masyadong lumalabas kaya hindi ko talaga ito nagagamit ng matagal.

Iyon na ang pinares ko sa suot. Saktong alas singko ay umalis na ako sa bahay.

Si Riza lang mag isa sa bahay dahil si JR at nanay nag deliver ng mga tinahi niya.

"Riza! Alis na ako. Isarado mo ang pinto. Pauwi na 'yun sina nanay!"

"Sige, ate. Ingat ka at goodluck."

Nakangiti akong umalis ng bahay.

Alas singko kuwarenta y singko nang dumating ako sa club. Andoon na si mamang security guard at may mangilang ngilan na ring mga empleyado sa club ang dumarating.

"Boss," tawag ko sa kanya.

Lumingon agad siya akin. Pinapalapit niya sa kanya.

"Mabuti ang maaga kang naparito. Nandito may ari ng club. Halika at sasamahan kita sa kanya."

Sumunod ako kay mamang security guard. Malawak pala ang loob ng club. Ang daming mga lamesa at upuan.

Marami din mga ilaw sa itaas.

Mga waitresses at waiters na ang naghahanda. Inaayos na nila ang mga tables ang chairs. Ang ilang ay nagwawalis at nag-ma-mop ng sahig.

"Ma'am, ito po iyong sinasabi ko sa inyo na mag-a-apply."

Pinakilala ako ni manong guard sa babaeng nakaupo sa may counter area ng club. Umiinom siya ng alak.

Base sa nakikita ko mukhang nasa mga early forties pa ang may ari. Hindi mahahalata dahil slim siya at naka make up.

Mukha siyang bata tignan sa itsura niya.

"Good evening, po," bati ko sa kanya.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Sinusuring mabuti.

"Waitress ba talaga a-apply-an mo?"

"Opo."

Binigay ko sa kanya ang bio data na dala ko. Tinanggap niya lang ito pero hindi na tinignan.

May tinawag siya sa isa sa mga waitress na nag aayos ng mga lamesa. Agad itong lumapit sa amin.

"Tina, samahan mo sa locker room at bigyan mo ng uniporme," utos niya kay Tina.

"T-Tanggap na po ba ako, ma'am?" Tanong ko.

Tumango lang siya at wala na ibang sinabi.

"Salamat po," saad ko. Bago ako sumama kay Tina sa locker room.

 

 

*****

Update every Friday.

Enjoy reading. Keep safe.

^_^

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora