36

25 12 0
                                    

" Julia."

Tawag ko kay Julia isang araw bago ang Regionals namin.

" Bakit?" Tanong naman niya.

" Kasalanan ko ba itong lahat? Ako ba ang may gawa ng gulong ito?" Tulala ako habang nakatingin kay Julia. Nagkibit balikat lang si Julia sa sinabi ko. Agad akong humarap sa kaniya at saka ako nagsalita muli.

" Sa nakalipas na buwan, alam kong may mali ako, hindi ko lang maamin sa sarili ko, pero alam kong mali, alam kong hindi tama ang ginagawa ko, alam kong may kasalanan ako, at damay dito si Genesis at Dion." Paguumpisa ko ng aking gustong sabihin.

Hindi naman siya kumikibo, ayos lang naman saakin dahil gusto kong makinig lang siya, at ayos ako doon. Kailangan ko ng mapagsasabihan nito para mailabas ko ang aking nararamdaman.

" Alison-"

" Kasalanan ko, kasalanan kong hindi ako nagisip muna bago ako nagdesisyon. Nagpabulag ako, nagpasilaw ako. Kasalanan ko na kung bakit hindi ko muna inisip ang magiging resulta nitong ginagawa ko habang patagal nang patagal at palalim nang palalim ang sitwasyon naming tatlo." Pagpapaliwanag ko. Nakatunganga lang ako sa kaniyang harapan, panay lang siya buntong hininga at saka ngumingiti ng mapait saakin.

" Alison, huwag kang magisip ng ganiyan, may dahilan kaya nasa ganiyan kang sitwasyon, baka sinusubukan ka lang." Paliwanag naman niya. Tumingin ako kay Julia. Hindi ko na masabi pa sa iba ang nasa isip ko, siguro kay Julia nalang muna, hindi ko alam kung nahihiya ba akong sabihin itong sitwasyon ko sa iba ko pang kasamahan o talagang ayaw ko lang sabihin dahil baka mahusgahan nila ako.

Hinagod ni Julia ang aking likuran.

" Julia, mahal ko na si Genesis. Wala na kay Dion. Nawala sa isang iglap lang. Nawala sa isang tingin, hawak,yakap, at iba pa saakin ni Genesis. Iyong limang taong pinagsamahan namin ni Dion, nawala, Julia. Dahil kay Genesis. Hindi ko alam kung paano nangyari, kung anong ginawa ko, at ni Genesis para makalimutan kong may karelasyon pala akong iba." Sinasabunutan ko na ang sarili kong buhok dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nahihirapan na talaga ako.

Bakit noong dumating si Genesis parang gumulo lahat? Gumulo ang sitwasyon, pero sumaya ako. Sumaya ako sa paraang mali? Tama ba iyon? Sumasaya ako sa ibang lalaki, habang hindi alam ni Dion? Tinatago ko ang ginagawa namin ni Genesis. Pangangaliwa ba ito? Dapat ko na bang hiwalayan si Dion? Kasi masaya na ako kay Genesis? Kasi sa kaniya na ako sumasaya? Nadala lang ba ako ng spark? Kilig? Kaya nagustuhan ko si Genesis? Paano naman yung pinagsamahan namin ni Dion? Limang taon? Sinayang ko lang ng ilang buwan, habang kasama ko si Genesis para sa Regionals. Anong gagawin ko? Mamimili ba ako sa kanilang dalawa sa huli? Iiwan ko ba silang pareho? O mamimili ako at pipiliin ko kung sino ang taong magpapasaya sa akin sa mga susunod na araw, o taon? Sino sa kanila? Si Dion ba na matagal ko nang kilala? Na kasintahan ko na sa loob ng limang taon? O si Genesis na nakilala at nakasama ko lang sa Regionals at nakilala bilang barkada ni Dion?

Argh!

" Alison, kung ako ang tatanungin mo, kailangan mong mamili. Dalawa sila. At hindi pwedeng pagsabayin silang dalawa, alam mo namang bawal iyon, hindi ba? Kailangan mong piliin kung sino ang alam mong masayang kasama. Iyong alam mong makakasama mo sa lahat ng unos at problema na kahaharapin niyo balang araw, iyong hindi ka iiwan, lolokohin, at papaiyakin, Alison. Iyon nalang ang ilagay mo sa isip mo, habang namimili ang puso mo kung sino ang nararapat para sa kaniya." Mahabang litanya ni Julia. Tumingin ako sa kaniya. Tumango naman ako sa sinabi niya at saka ngumiti.

Nagsuot siya ng tsinelas niya at kinuha niya ang telepono niya.

" Salamat, Julia."

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon