18

37 24 0
                                    

" Ano iyon?"

Tanong ni Genesis ng makalapit siya at tawagin ni Julia. Agad naman akong umiwas ng tingin, alam naman nilang hindi kami naguusap niyan, bakit saakin pa nila ipapatanong?


" Saan daw tayo pupunta sabi ni-"


" Julia, doon naroon sila Azrafel o, doon muna ako a?" Paalam ko. Agad naman akong nakita ni Azrafel kaya naman lumapit siya saakin at sinalubong ako.

Nginitian ko siya at saka siya tinapik sa braso.


" Azrafel, sa iyo nalang ako makikiupo mamaya ha?, may iba na din kasing kasama ang mga team mates ko." Paliwanag ko, hawak ko sa aking gilid ang aking bag na lagi kong dala sa pag alis namin.

Lumingon si Azrafel sa mga kasamahan namin na ngayon ay excited ng sumakay sa bus namin ulit.


" Sige, wala din naman akong kasama. Doon ka nalang saakin."


*


" Hindi naman sinabi ni Genesis na kasama pala si Levence."


Hindi ako nagpapakita kay Levence ng makababa siya ng kotse nila. Kahit ako din naman ay hindi alam na makakasama namin siya, na kay Genesis siya ngayon at hawak ang mga braso nito.



" Hayaan mo na, ganito, huwag mo akong papakawalan ha? Kapag tatawagin niya ako, ilayo mo ako." Pag papaalala ko sa kaniya. Nag thumbs up naman siya sa sinabi ko at saka ngumiti.

Bumalik din lang naman kami sa arcade, mas gusto daw nila ditong sayangin ang oras naming lahat, kaya sakop nanaman namin ang buong arcade.


" Love, where's Alison? Kanina ko pa siya hindi makita, hindi ba siya sumama sa inyo?" Rinig kong sambit ni Levence sa hindi kalayuan, dalawa kami ni Julia na nakaupo sa sulok dahil hinihintay namin si Azrafel na bumili ng pagkain namin.

Nagtakip ako ng mukha ng napunta ang mata ni Levence sa pwesto namin.


" Alison!" Tawag niya.

Ngumiti nalang ako at saka kumaway, si Julia naman ay kinurot ang aking tagiliran.


" Hi, Levence."


" Kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala." Sambit niya. Umupo siya at saka si Genesis sa aking harapan.

Ngumiti si Levence at hinawakan ang aking kamay.

" Sinabi nila saakin na nagkasakit ka daw? Kaya may dinala ako sa iyo, nasa sasakyan, ibibigay ko nalang mamaya." Ngumiti ako sa sinabi niyang iyon, bakit napaka bait naman nitong ni Levence, hindi naman pero ayaw sa kaniya ni Genesis.

" Salamat, Levence, hindi mo naman na kailangang gawin iyon." Nahihiyang sambit ko.


Nakarating na si Azrafel, may isang upuan pa naman malapit saakin kaya naman doon na siya umupo.

" Babalik pa ba ako? Gusto niyo din ba? Ako na ang bahala." Tanong ni Azrafel kina Levence at Genesis.

Nag igting naman ang panga ni Genesis kay Azrafel at saka tumango.

" Sure bro, thanks."

" Thank you." Sambit naman ni Levence.

" Alison, pwede ba kitang makausap? May alam akong tahimik na lugar dito, saglit lang tayo." Tumingin ako kay Julia na ngayon ay busy ng kumakain, kinalabit ko siya ng palihim sa ilalim ng mesa, kumalabit din naman siya pabalik, kaya alam kong pumapayag siya.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon