02

96 42 1
                                    

" Saan ka pupunta, Dion?"

Medyo nagaalinlangan kong tanong kay Dion. Nakaayos kasi siya at maganda ang porma. Naamoy ko din ang paborito niyang pabango.

" Inaya ako nila Genesis na mamasyal, ayaw mo bang sumama?" Tanong niya. Dapat kanina niya pa pala sinabi, nakabihis na siya lahat lahat, ako naman ay andito lang sa sofa at nakahiga. Kung hindi ko pa siya nakita, hindi ko pa malalaman.

Sumimangot ako.

" Saan daw ba?"

" Sa bahay nila, naghanda sila dahil nga nanalo sila sa game, change your clothes, we're going." Agad akong napatayo sa aking pagkakahiga at saka ako dire diretsong pumasok ng kwarto at saka mabilisang nag ayos.

Nakaligo naman na ako kanina, kaya magbibihis nalang ako.

" Hanggang anong oras daw tayo doon? Gusto kong pumunta kila mama." Sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko habang palabas kami ng condo niya. Sumakay kami sa kotse niya at saka niya pinaandar.

Habang nasa byahe ay pasulyap sulyap lang siya saakin .

" Kung magagabihan tayo, sa susunod na araw ka nalang bumisita." Tumango ako, at saka isinandal ang aking sarili sa upuang katabi niya.

*

" Hi Alison!"

Bati saakin ng girlfriend nung Genesis. Agad akong kumaway sa kaniya at ngumiti.

" Hello, Levence, kasama ka rin pala ni Genesis." Mahinahong sambit ko dito, naka puff dress lang siya at naka hawak ng purse. Napaka simple.

Ngumiti siya at saka hinapit ang braso ng nobyo niya bago humarap saamin si Genesis. Nagkamayan sila ni Dion at saka siya ngumiti sa akin. Ngumiti ako pabalik.

" Feel free, Alison, you can talk to Levence, para hindi ka makaramdam ng hiya." Natawa ako sa sinabi niya. Ramdam kong hinigit ni Dion ang aking beywang.

Tumingin ako kay Genesis at saka ngumiti.

" Ayos lang, ang ganda pala ng bahay niyo." Puri ko dito.

" I'll just greet them, i'll be back, wait for me." Tumango ako.

Hinalikan niya muna ako bago siya umalis sa table kung nasaan ako nakaupo pati narin si Levence.

" Ilang years na kayo ni Dion?" Tanong ni Levence habang lumilipat ng upuan palapit saakin. Umayos aki ng upo at saka ako humarap sa kaniya para makipag kwentuhan.

" 5 years and counting, kayo ni Genesis?" Ngumiti ito.

" 4 years na din, 5 years na kami next month." Napabilog ang aking bibig dahil doon. Kumuha siya ng wine glass at saka naglagay doon ng red wine, ibinigay niya saakin ang isa.

Kahit na nahihiya ay inabot ko iyon at saka paunti unting ininom. Baka kasi malasing ako dito.

" Paano kayo nagkakilala ni Dion, kung ganoon?" Tanong niyang muli. Napangiti ako ng maalala kung paano nga kami nagka kilala.

" Magkaibigan ang mga magulang namin, naging magkaibigan muna kami bago kami tumagal ng ganito." Paliwanag ko. Ngumiti siya bago uminom ng kaniyang wine. Agad din anong sumunod.

Nakita ko si Dion na nasa ibang table na at umiinom na din. Pati si Genesis naroon din, so iniwan nila kami ditong dalawa?

" Kayo ba? Paano kayo nagkakilala?" Tanong ko.

" Pareho tayo, her mom and my mom are bestfriends. Actually, yung pinsan niya naman talaga ang gusto ko noon, kaya lang, siya ang lumalapit saakin, ang bagsak, sa kaniya ako nahulog ng ganito." Tumawa kami sa sinabi niya. Nag cheers pa nga kami ng mga wine glasses namin.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon