10

64 24 0
                                    

" Kamusta ka na pala? Ayos lang ba ang likod mo?"



Tanong ni Celestine. Hinila niya ako para kumain. Hindi naman ako nakatanggi, breaktime na din naman iyon at natapos na kaming lahat na mag practice para sa Regionals.


" Oo, ginamot naman ako ng mga kasamahan ko, kaya ayos na. Ikaw?" Tanong ko dito. May ilan din namang narito na players, sila Julia mamaya pa ata kakain dito, hihintayin ko na din pala sila.



" Maayos naman ako, nga pala, boyfriend mo ba yung nanuntok noong isang araw?" Takang tanong niya. Tumango ako at saka uminom ng tubig.



" Oo, nag selos lang kaya ganon, baka nakaistorbo kami sa inyo noong araw na yon." Nahihiyang sambit ko, sila na kasi ata ang naglalaro ng mangyari yon, hindi na ata nila natuloy, nakakahiya naman.



Ngumiti siya at saka umiling iling.



" Hmm, nag selos talaga iyon, hinawakan ka ba naman ng ibang lalaki, pero ayos na kayo?" Tanong niya.


" Oo, pinayagan niya nga akong dito na muna makitulog e." Nangunot naman ang noo niya sa sinabi ko.



" Bakit?"



" Kailangan kasi siya sa business nila, kaya hindi niya din ako masusundo araw araw." Namilog ang kaniyang bibig.


Maingay din ang ibang mga players sa kabilang mga lamesa, nagku kwentuhan din sana gaya namin ni Celestine.


" Ang mga kasama mo pala? Bakit wala sila?" Tanong niyang muli, tinignan ko naman ang aking telepono para itext na din silang kumain na dito.



" Mamaya pa daw sila, baka may ginagawa pa, iyong mga kasama mo din pala? Nasaan?" Tanong ko.


Tumalikod siya at saka tinuro ang lamesa kung nasaan ang mga kasama niya, nakaisang long table sila at nagku kwentuhan din, hindi naman nila napansin ang pagturo ni Celestine kaya hindi sila lumingon saamin.



" Ilang taon ka na pala? Ang tangkad mo." Puri ko dito, ngumiti siya at saka pinunasan ang kaniyang bibig ng matapos na siyang kumain.



" 23." Dahan dahan akong tumango.


Nakalingon ang iba sa aming likuran, kaya naman agad nangunot ang aking noo, pati nga rin si Celestine ay nakatulala sa kung sinong taong pumasok dito sa kainan namin.


" Alison." Agad akong lumingon para tignan, agad naman akong napatayo ng makitang si Genesis iyon.


Attractive ha? Napupukaw niya ang atensiyon ng ibang tao dahil sa itsura niya, halatang bagong ligo dahil basa pa ng kaunti ang ibang hibla ng kaniyang buhok, at saka naka tshirt ito ng black na hapit na hapit sa kaniyang katawan.


" Genesis? Kakain ka na din?" Tanong ko dito, agad siyang tumango, wala naman siyang kasama.



Tumango ako.



" Nasaan ang pagkain mo?"



" Can you help me?" Tumawa ako bago nagpaalam kay Celestine na sasamahan muna si Genesis na kumuha ng pagkain niya.


Kumuha siya ng tray, at saka siya pumunta sa bawat section ng pagkain na narito. Nasa likod niya lang ako at nakamasid.


" Kumain ka na ba?" Tanong niya at nilingon ako.



" Oo, tapos na. Mamili ka lang diyan, dito na muna ako sa likod mo."



Nangunot muna ang noo niya bago siya humarap muli sa mga pagkaing nasa harapan niya.


It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon