28

39 20 0
                                    

" Kung ayos lang naman sa inyo, iyong mga laging nakaka score sa practice, tuturuan nila kayo."

Sambit ng Head sa mga players na minsan lang makapag score sa laro. Payag din naman kami, tulungan naman kami dapat, hindi din naman big deal saakin kung magtuturo kami ng ibang players at kalaban din namin.

" Ayos lang po, Head. Para naman po mas mag improve din ang teams namin bago ang Regionals." Nakangiting sambit ng isang babae, tingin ko, leader siya ng team nila, nasa likod niya ang mga team mates niya, kulay Red naman ang headbands nila.

" Sa inyo, Alison? Julia? Pia? Krisha? Sam? Ayos ba kayo doon?" Tumango tango naman kami, ngumiti ako sa mga teams na tuturuan namin.

" Yes, Head. Handa naman po kaming tumulong." Tumango naman sila. Sila Julia, sa ibang team, mag isa ko naman sa isang team din, ayos lang naman sa akin na mag isa ko, kaya ko namang magturo ng mag isa.

Nagtama ang tingin namin ni Genesis, magtuturo din ata sila mamaya sa mga basketball players.

" Alison, babantayan nalang kita, sasama ako kung saang team ka."

" Okay."

Kinuha ko ang mga gamit ko, at saka nagpaalam kina Coach na mag start na ako sa kabilang teams. Nakaset naman na ang net at ayos na, ihahati ko nalang sa dalawang grupo ang team na ito para maayos ang laro nila.

" Maghati nalang siguro kayo, doon sa kabilang net ang ibang players, dito naman sa kabila ang iba." Tumango ang iba, at saka pumwesto na. Ang isang babae naman ay nakapameywang lang at saka nakatingin saakin. Nginitian ko siya at  tinuro ang pwesto niya.

Nanlaki ang mata ko ng kumusilap siya bago siya pumwesto.

" Ikaw nalang muna ang mag serve." Turo ko sa babaeng nasa pinakalikod naka pwesto. Tinira niya naman kaagad, napunta sa kabila, nasalo ng babaeng mahaba ang buhok at saka niya ito tinira pabalik sa kabilang set, hindi naman nasalo ng kabila kaya naman nagkaroon ng puntos ang nasa kaliwang bahagi ng net.

" 1 point na kayo, pumwesto kayo kung saan babagsak ang bola, kailangan niyong maging alerto." Nakatingin ang babaeng kumusilap kanina kay Genesis, lumingon naman ako sa kanila.

Umiwas ako ng tingin nang mapagtantong nakatingin din pabalik si Genesis.

" Kulang kayo ng isa, ayos lang ba na papasok ako?" Tanong ko doon sa babaeng mukhang mabait. Tumingin muna siya sa babaeng masungit na ito na nakatingin parin kay Genesis. Tumango nalang siya.

" Sige, Alison. Dito ka na." Nagulat ako ng alam niya ang pangalan ko. Kita ko naman ang likod ng uniporme ng babaeng nakatingin na iyon kay Genesis.

Del Mundo.

" Mine!" Sigaw ni Del Mundo, kinuha niya naman at saka inihagis sa kabilang set. Nakuha naman kaagad kaya naman saakin dumiretso ang bola, tinira ko ng malakas kaya hindi agad nila nasalo, nagkaroon kami kaagad ng score. Tuwang tuwa naman ang babaeng pumayag na pumasok ako sa laro nila.

Si Del Mundo naman ay masama ang tingin saakin.

" Bilisan niyo lang ang kilos ninyo, para mahabol niyo ang bola." Sigaw ko sa kabila. Nag thumbs up naman sila saakin, ngumiti naman ako, ang bait naman ng mga kasama ni Del Mundo, bakit siya hindi?

Parang kanina pa nag iinit ang mata saakin, kapag nakakatira ako ay halos hindi niya matanggap sa sarili niya.

" Serve mo, Del Mundo." Sambit ko sa malamig na boses. Lumabas muna ako ng court, silang dalawa muna ang naglaro sa kanila, tatlo naman sila sa kabilang set.

Sinerve niya ang bola, nakuha naman ng kabila, tinira ng malakas ni Del Mundo pabalik kaya naman hindi nakuha ng kabila. Bakit ba hindi sila makapag focus? At maging alerto?

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon