#MusicLover

9.5K 218 39
                                    

Ash POV

"Here's to never growing up~"

"Nice one Ash. Kita nalang tayo sa room." Sabi ni... Sino nga ba to? Nakalimutan ko. Hayaan mo na nga. Di naman sya importante dito eh.

"Geh." Sagot ko nalang habang nililigpit ang gitara ko.

"Ash! Tara na!" Sigaw ni Ren. Kabanda slash kaibigan ko yan. Saan naman kaya pupunta tong taong to?

"Saan tayo?" Tanong ko habang papalapit sa kanya. Sm na naman siguro. San pa ba? Eh yan lang ang matinong pinupuntahan kapag walang klase.

"Wala daw si maam. Tara sa tambayan." Bago pa ako umangal, hinila na nya ako palabas ng gate habang wala pang time. Tsk. Wala si maam? First day eh. Tsk.

Habang naglalakad kami sa daan papunta sa park, nakasalubong namin sina Vince, Franz at Six. Kabanda ko rin sila. Pero wag nyo silang masyadong pansinin. Hindi naman sila lead eh, cameo lang yan.

"Sama kami." Hindi pa kami nakasagot ay hinila na nila kami. Uso manghila? Try ko rin yan mamaya. Tsk.

Oo nga pala nakalimutan kong magpakilala...

Ashecka Ice Gil. Mas kilala bilang Ash. Opo, babae po ako. Hindi lang halata kasi may pagka boyish ako. Pinanganak ako sa New York. Wala akong lahi whatsoever. Nagkataon lang talaga na nandun si mama ng time na yun.

"Tayo na pala ang magpaparticipate sa COC no?" Tanong ni Ren. Oo nga pala no? Pero ayokong magparticipate dyan. Wala naman akong mapapala dyan eh. Trip to korea? Sus. May condo na ako dun.

"Grabe. Since first year gusto ko na talagang sumali dun. Kaya nga sumali ako sa banda eh." Sabi naman ni Vince.

Equinox ang pangalan ng banda namin. Sikat kami sa school. Pinapakanta kami kapag may mga program o activities. Wala yatang battle of the bands na hindi namin napapanalunan.

"Wala namang kwenta yan eh." Sabi ni Franz. Agree ako sa kanya. Totoo naman eh. Katulad nga ng sinabi ko kanina, may condo na ako sa korea.

Dun kasi ako nag-se-stay pag summer. Wala lang gusto ko lang dun. Nandun yung EXO eh bakit ba? Die hard kaya ako ni Kai.

Teka anong oras na ba? Sht. 1:30 na. Kailangan ko pang pumuna sa Galaxy. Hindi po ako weirdo. Ang galaxy na ibig sabihin ko ay isang restaurant. Wag ako ang tanungin nyo kung bakit ganyan ang pangalan. Wala akong kinalaman dyan.

"Dude, pupunta pa pala ako sa galaxy. Pinapatawag ako ni founder." Sabi ko sa kanila. Sinabi pa nila na sasamahan nila ako pero nah, I'm good.

Sumakay ako ng jeep papunta sa galaxy. Lol. Ang weird talaga pakinggan nun. Haha. May kotse naman ako kaso nandun sa bahay sayang kasi ang gas. Well, its not that wala akong pang-gas, its just that, oh forget it, bakit ko ba to ineexplain sa inyo. Basta trip ko mag jeep. Yun na yun tapos.

Bumaba ako sa galaxy tapos pumasok agad ako. Tapos pumunta ako sa office ni Kuya Kris. Sya ang may ari ng galaxy. At sya rin ang manager ng Equinox. Oo may manager kami. Hindi kame related ah. Kuya lang talaga tawag ko sa kanya.

"Ash, nandito ka na pala. Umupo ka." Sabi ni Kuya Kris. Tulad ng sabi nya, umupo ako. Kapagod kayang tumayo. Teka, ano ba tong kailangan ni kuya?

"May nagpapabigay sayo." Sabi nya tapos may nilabas na case ng gitara. Kinuha ko iyon tapos binuksan.

"Whoa! Seriously kuya?! Wow. Sino naman ang nagpapabigay nito?" This is so cool. It's from Abbey Dawn! Ang shop ni Avril Lavigne!

"Basta. May letter dyan sa loob ng case. Pwede ka nang umalis." Sabi ni kuya ng may ngiti sa mga labi. Gwapo ni kuya. Kaso taken na yan eh. Sayang nga.

Nagpasalamat ako kay kuya tapos umalis na ako ng galaxy. Maaga pa naman eh, at since tinatamad na akong pumasok, naglakad nalang ako pauwi. Di naman kalayuan eh.

Hmm, ano nga pala yung sabi ni kuya kanina?

"..May letter dyan sa loob ng case..."

Sa loob ng case? Binuksan ko ang case ng gitara at may nakita nga akong letter. Kanino naman kaya galing to?

Kay mama? Eh kung sa kanya nga, pwede namang sa bahay nalang. Ganun din kay papa. Fans? Heh. Asa ako. Ang mahal kaya nito. Tsaka di naman ako sikat talaga. Secret Admirer? Pwede. O baka naman kay kuya Kris talaga galing to? Pero bakit naman nya ako bibigyan ng regalo, eh matagal pa birthday ko.

Haay. Mabasa na nga lang tong letter..

To: Ashecka Ice Gil

Congratulations. You have been---

Aray! Sabay kaming napaupo sa sahig ng babaeng nakabangga sakin. Kainis ka ah. Tumayo sya at kinuha ang skateboard nya tapos umalis na.

"Sorry ah?!" Sarkastiko kong sigaw sa kanya pero parang wala lang syang narinig at nagpatuloy lang sya sa pag-se-skateboard nya.

Maaksidente ka sana!

Inabot ko ang sulat na nalaglag kanina at binasa ito habang nakaupo parin sa kalsada.

You have been choosen to become a leader of this years Clash of Clans. Blah blah blah~

Say what now?!

-*-*-

V O T E
C O M M E N T
-K♥

Clash of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon