"Go Team Weld! Go Go Team Weld!" Ngumiti si Hannah, habang nabilaukan naman si Zedrick.
"Go Team Weld! Go Go Team Weld!" Cheer ko parin habang nagmamarcha.
Napangiti ako nang sumabay na saakin si Hannah at maya-maya lang ay gumaya na rin si Zedrick pagkatapos niyang umiling.
Si Sir Weld naman ay patuloy lang sa paglilead saamin, pero maya maya lang rin narinig namin ang pagsabay niya sa buo pero matono niyang boses. "Go Go Team Weld!" At muli niyang tinaga yung mga baging na nakaharang sa daan.
Nakarating kami sa piko ng bundok kasabay ng pagsikat ng araw.
Sumunod kami kay Sir sa gitna ng patag na tuktok. Tumigil siya sa paglalakad, at nagsalita. "Pwede niyo nang ibaba ang mga panggatong..."
Binagsak ni Zedrick ang hawak niyang mga kahoy na gumawa ng malakas na tunog.
Muntik ko na ring gawin yun at humilata sa damo.
"...ng dahan dahan." Dagdag ni Sir.
Kaya kahit gusto nang tumiwalag ng braso ko, dahandahan ko iyong inilapag na siya ring ginawa ni Hannah.
"Pwede na kayong magpahinga." Sabi ni Sir at sabay kami ni Hannah na ibinagsak ang katawan namin sa lupa, habang naghahabol ng hininga. "Pwera sayo Zed, 100 push ups."
"Po!" Gulat at may halong inis na sabi niya.
Tumingin si Sir sa direksyon niya.
"Yes Sir!" Malakas na sang-ayon niya at nagsimula nang mag-push up.
Tumingin kami kay Zedrick na nag-aalala. Grabe na nga yung pagod namin tapos hindi pa siya pwedeng magpahinga.
Naka-focus lang siya sa pag-pupush up habang patuloy ang pagtulo ng pawis sa buong katawan niya, pero nang mapansin niya kami natawa nalang siya saka ni-grit yung ipin niya.
Natapos din naman siya agad, ibinagsak yung katawan niya sa lupa. Tumihaya siya at tumingin sa taas. "Dabest talaga si Sir Weld!" Sabi niya saka tumawa.
Bumaling ako kay Sir Weld na nakatitig sa araw na kakasikat palang.
Humangin sa direksyon namin.
Nakakarefresh.
Sumabay sa imbay ng hangin ang mahaba at puting buhok ni Sir at ganun din ang suot niyang coat. Nakatayo siya sa dulo ng bangin at hawak ang tungkod niya.
"Beshy." Pagkuha ni Hannah sa atesyon ko. "Water, we need to refill our sweat."
Umupo ako at inabot yung baso. "Salamat." Nakangiting sabi ko.
"Welcome!"
Naubos ko yung isang baso at humingi pa ulit sakaniya.
Uhaw eh.
Pagkatapos kong inumin yung isang baso ay napatingin ako sa direksyon ni Sir Weld.
Bigla kasing parang may kung anong umilaw.
Nang lumingon ako sakaniya ay may isa nang magic circle sa harapan niya. Itinaas niya ang tungkod niya at inunday iyon sa iba't ibang direksyon na parang may sinusulat sa ere.
Napansin ko din na bahagyang nag-glow nang mablue-blue yung kinauupuan naming lupa.
Mablue-blue amp.
Nagkaroon din ng parang sphere na gawa sa blue light ang pumalibot sa lokasyon namin pero agad naman yung nawala.
Napansin ko ring may ilang mga ibon ang dumapo sa punong malapit saamin.
YOU ARE READING
Wiz'nth University
FantasyMaganda to pramis! Basahin mo na for clear skin! ~~~ Wiz'nth University is a prominent school and institution in Echt, the world of magic. Found in the heart of a country known for it's conventional magical artistry, The Great Kingdom of Czechteoun...
CHAPTER 17
Start from the beginning
