Naguluhan ako.
Muli siyang nagdagdag ng isa pang panggatong sa bubuhatin ko.
Napanganga nalang yung inner self ko.
"Kinaya mong gumawa ng defensive magic force, kahapon, kung ganoon kaya mo naring gumawa ng binding magic force."
Lalo akong naguluhan. Nagtinginan ulit kami ni Alum.
"May tatlong hakbang na kailangan mong tungtungan upang makahawak ka na ng wand, at magamit iyon para sa mas malawak na teyurya." Paliwanag ni Sir at humarap saakin. "Opensang pwersa, isang klase ng magic force, na sa tingin ko ay maka-ilang beses mo nang nagawa. Ito ang pinaka madaling gawin, ngunit ang pinaka mapanganib. Hindi lang sa ibang tao, kundi maging sa taong nagsasagawa nito, kadalasan itong lumalabas kasabay ng malakas na bugso ng damdamin. Pangalawa, naman ay ang depensang pwersa na nagagamit bilang mekanismo ng tulad nating wizard sa oras ng panganib. Ang pwersang pagbibigkis ay isa sa mga resulta ng dalawang iyon."
Kusang nag-tilt ang ulo ko, sa sinabi ni Sir.
Napansin ko ang pag-galaw ng isang panggatong at muntikan nang mag-collapse yung tumpok.
Nang akma kong aalalayan yung panggatong ay may kung anong enerhiya ang bumalot sa tumpok at hindi na yun tuluyang gumuho.
Nanlaki yung mata ko at dahan-dahang tumingin kay Sir.
"You are learning faster than I thought." Ngumiti si Sir, pero agad yung nawala. "Ngayon buhatin mo na iyan at mahuhuli ka na." Sabi niya at iniwan ako.
"Sir naman eh." Bulong ko.
Napatingin ako sa tumpok ng kahoy na nasa harapan ko at ngumiti.
Hindi ko na kailangan ng tali.
_____
Ugh.
A-ambigat.
Wala pa kami sa kalahati ng paglalakad, pero pakiramdam ko titiklop na ng kusa yung mga tuhod ko.
Hindi ko pa naman naisama si Alum. Paano makailang beses ko nang pinaghahampas yun kanina, kulang na nga lang ibato ko para magising, pero wa epek parin. Paniguradong naghihilik pa yung isang yun.
Hayy! Wala tuloy akong cheer leader.
Nasa unahan na namin si Sir at tinatabas yung mga baging na humaharang sa daan. Habang nasa hulihan naman ako. Mabagal silang naglalakad more than usual, at alam kong ginagawa nila yun parahindi ako maiwan.
So sweet diba?
Pero di pang diabetes, kasi kong super sweet sila edi sana sila nagbuhat nito.
Ugh.
Inayos ko yung pagkakahawak sa panggatong dahil medyo dumudulas na sa kamay ko.
"Go Samara!" Rinig kong boses ni Alum.
Kaya napatigil ako at napalingon.
Wala naman siya, at wala namang kung sino sa paligid.
Napa-iling ako, nasanay lang ata talaga akong may nag-chicheer saakin.
Sino pa bang ibang nag-chicheer saakin, mukhang wala sa mood yung dalawa kong teammates.
Wala akong choice.
Hayaan mo na, uso naman self support sa 21st Century.
"Go Samara!" Buong lakas loob na cheer ko at nagsimulang mag marcha. "Go Go Samara!"
Napatingin tuloy sina Hannah at Zedrick.
Ay! Ang selfish ko pala masiyado.
Wala rin kasi dito sina Fe at Nemo, kaya kailangan din ng dalawang to ng emotional support.
YOU ARE READING
Wiz'nth University
FantasyMaganda to pramis! Basahin mo na for clear skin! ~~~ Wiz'nth University is a prominent school and institution in Echt, the world of magic. Found in the heart of a country known for it's conventional magical artistry, The Great Kingdom of Czechteoun...
CHAPTER 17
Start from the beginning
