Chapter 36; ASSURANCE

Start from the beginning
                                    

Let me take care of you Louie" tanging ang pagpikit ng mata ang nagawa ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko.

For the second time in my life, I''m sure, I want to stay beside him.

Peeep!! Peeeep!!
Hoy kung gusto niyong mag-date wag sa gitna ng kalsada!!

Napamulat ako sa lakas ng businang kumawala sa katahimikan.

"Tss." pakinig kong bulong ni Torren

Walang nagawa si Torren kung di ang magpatuloy sa pagda-drive habang ako ay hindi magawang lumingon sa kanya dahil sa kahihiyang nararamdaman ko.

"Hey sleepy head wake up!" nagising ako sa tapik sa balikat ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Papikit-pikit kong iminulat ang mga mata ko at hindi ako nagkamali, nasa loob na kami ng Park U.

Napa-atras ako sa front seat ng bigla na lang siyang lumapit sa'kin

"Don't get yourself frightened, I'll just take your seatbelt off." tipid siyang ngumiti pero bakas sang sobrang kasiyahan sa mukha niya. Ibang-iba sa pagkaka-kilala ko sa kanya.

Is that really possible? I have that kind of impact in him. Am I worth it?

Mabilis siyang lumabas at pinag-buksan ako ng pintuan. "Come on, I'll take you to your dorm" he pulls my left hand and immediately closed the door.

I can't help but to smile in his gestures. Maybe what I need to do is to cherish this moment and go with what I am feeling.

He's holding my hand tightly as we walk.

Students are starting to notice us, especially his fangirls.

Kung ano-anong palitan ng opinyon ang naririnig ko but I chose not to mind them.

"Are you suppose to hold my hand in public?" I asked him

He just shrugged his shoulders as an answer to my question.

I'm happy on where I am right now but I can't help to ask myself.

Am I suppose to be here?

Nawala ako sa pag-aagam-agam ko ng pitikin ako ng hambog na'to sa ilong.

"What was that for?" inis kong anas sa kanya

"Your spacing out, is that enough?" sagot niyang nakacrossed-arms.

Tsk. Kainis! Bakit ba ang irresistable niya.

"Whatever!!" I said as I tried to ignore his charm

Sa pagkakataong ito, I'm the one who's pulling him now.

Hindi ko alam kung ano bang ginagawa ko but I just can't help it.

Napatingin ako sa kanya ng bigla na lang siyang huminto sa paglakad

"What?!!" tanong ko

He just smile na nakapanglambot ng tuhod ko. God!! Anong meron sa kanya?

Nagpatuloy na lang ako sa paglakad habang hila-hila ang isang kamay niya bago pa maubus ang lakas ko sa kanya.

Napakagaan ng pakiramdam ko. Masaya lang. Hindi ko mapigilang mapangiti habang hawak hawak ang kamay niya.

Pero bigla na lang nawala ang magaang feeling ng bumungad sa harap namin ni hambog si Belle.

"T-Torren" mahinang sambit ni Belle na nakatitig sa mga mata ni hambog.

Nagbago ang expression ng mukha niya ng makita niya si Belle. Agad niya akong hinila pero mabilis naman siyang nahawakan ni Belle sa braso.

WHEN A MAFIA BOSS MEETS STUPID GIRLWhere stories live. Discover now