Chapter 41: Betrayal

ابدأ من البداية
                                    

Ikinumpas ng shaman ang kaniyang dalawang pirasong maliit na bilog na bell at tuluyan na ngang natigil sa pagsisigaw ang Hari. Ilang minutong natahimik ang paligid. Tumayo ang Hari sa utos ng shaman at sumunod naman itong lumabas kasama nito na parang manikang walang buhay na sunud-sunuran.  

Disha's POV

Gabi na at tulog na ang mga kasama ko. Ako na lamang ang naiwang gising dahil nais ko sanang makausap ang Shaman. Magpapasama ako sa kaniya para makausap ko na ang Hari. Hindi kasi ako mapakali, para bang may kung nong bumabagabag sa akin. Kanina pa nga ako pabalik-balik sa paglalakad. Ang tagal naman kasi ng isang iyon umuwi. 

"Kamahalan, ba't gising ka pa?" napaigtad pa ako sa gulat nang biglang may boses na sa aking likuran. Si Hyun lang pala. 

"Eh ikaw? Akala ko ba matutulog ka na?" tanong ko naman. Tinignan niya lamang ako at sabay talikod niya. Aba bastos! Humph! Pasalamat ka kailangan din kita. 

May isang napaka-importanteng bagay lamang kasi siyang ibinunyag patungkol sa mga nangyayari sa kaharian. Isang bagay na kailangan ko para pakatotohanan ang lahat na may nangyayaring pag-aaklas sa loob ng palasyo, kaya kailangan ko siyang iharap. Maliban doon siya ang naging mata ko habang naghahanda kami sa pag-uwi. Siya rin ang tumutulong sa akin para ihatid sa mahal kong Prinsipe ang mga pagkaing niluluto ko. 

Nagpapasalamat din ako sa kaniya pero hindi ko pa rin siya pinagkakatiwalaan dahil sa ginawa niya. Alam kong may tinatago pa itong lihim. 

Sumunod ako sa kaniyang likuran upang mahabol ko ito. Bumaba ako ng hagdan nang hindi ko sinasadyang maapakan ang dulo ng kasuotan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon, paano na ang bata? Napatili ako at hinintay ang pagbagsak ko. 

Ilang segundo akong naghintay at wala akong naramdamang sakit. Napadilat na lamang ako at nagpag-alaman kong nasalo pala ako ni Hyun. 

Napakurap-kurap pa ako at huminga nang nalalim na parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Napangiti na lamang ako. Naalala ko tuloy noon nung unang beses ko siyang nakita sa palasyo bilang panauhin, nasalo niya rin ako dati. 

"Hindi ka pa ba tatayo? Ang bigat mo, Kamahalan." reklamo niya. Napangiwi na lamang ako. Kung dati mabait ka ngayon may sungay ka na. 

"Psh! Alam ko." tumayo na ako at sabay una ko sa kaniya. Tumalikod ako sa kaniya at pinagmasdan na lamang ang buwan sa kalangitan. 

Ngumiti ako sa buwan. May pagkakataon pa kaya ako na masilayan ko ang ganda ng buwan? Kung sakaling makauwi na ako at matigil na ang lahat ng ito? Kung kaya ko lang pahintuin ang oras at ibalik sa ayos ang lahat. 

Napasinghap ako. 

"A-Anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong. Bigla na lamang kasing may yumakap sa akin mula sa aking likuran. 

"Nais ko lamang maranasan ang ganito. Maaari ko bang hawakan ang iyong tiyan, Kamahalan? Nais ko lamang malaman kung anong pakiramdam nang isang ama at nasasabik sa pagsilang ng kaniyang anak." saad niya na may lungkot sa boses niya. Hindi ko alam psro kusa na lamang akong tumango na siya namang ikinasaya niya. 

Lumuhod ito at kitang-kita ko pa ang labi nito na may abot tainga ang ngiti. Ibang klase din ang isang ito eh kanina lamang ang sungit-sungit. Pinagmasdan ko lamang siya habang unti-unti ng lumalapat ang kamay niya sa aking tiyan. Marahan niyang hinaplos ang aking tiyan na parang batang paslit sa kasabikan. Nagulat tuloy ako nang kusang gumalaw ang kamay ko at sabay haplos sa kaniyang buhok. 

"ANONG KATAKSILAN ITO?!"

Napahawak ako kay Hyun dahil sa gulat. Napakurap-kurap pa ako nang malaman kung sino ang sumigaw. 

Win Back The Crownحيث تعيش القصص. اكتشف الآن