"2 free throws plus ball position para sa RTU! Jaydee you may shoot your first ball now" sabi ng referee napatingin naman silang lahat sa akin na nakaupo parin ngayon.

"Coach may time out ka pa diba? I call out muna need ng mapalitan yung tela ni jaydee sa paa ngayon" nagulat naman ako nang biglang magsalita si Kuya abbiel na ngayon ay nakatingin lang nang diretso sa paa ko.

Hindi ko napansin na hindi ko na pala suot yung isa kong sapatos at bumungad na ngayon yung duguang paa ko na napapalibutan ng tela. Nagpito na at agad na akong binuhat nila kuya abbie papuntang upuan , kumuha na sila ng tela at mabilis nang kinuha yung tela sa paa ko at pinalitan ng bago.

"Jaydee? Kaya mo pa ba? Mukhang bumuka na yung tahi mo sa paa , masakit to sobra pag nilagyan pa ng tela. Please ipaubaya mo na to sa amin kung hindi mo na talaga kaya." tanong sa akin ni kuya abbie at nag aalalang tumingin naman sa akin itong mga teammates ko nang may labis na pag aalala.

"Kuya abbie wrap it up na , malapit na matapos yung time out pati yung laro lalaban ako hanggang dulo! Di ba pangarap nating magchampion? Ito na yun Kuya nararamdaman ko na yun sa International League! Mananalo tayo ngayon pangako ko yan!" Sabi ko sa kanya , maluha luhang binalot niya nang mabilisan yung paa ko ngayon , ramdam ko yung sakit at kirot pero 10 seconds nalang ang natitira at matatapos na ang laban.

Napatayo na ako , hindi ko pwedeng indahin to ngayon na mag pi free throw na ako , nakatayo na ako sa line at pumito na yung ref. Tinignan ko nalang yung ring at mabilis na itinapon yung bola at salamat naman ay pumasok iyun. Sa pangalawang hagis ko ng bola ay nag bounce bounce pa siya sa ring pero kinalaunan ay pumasok din. Wala na kaming time out ngunit nasa amin ang ball position , 107-110 in favor of them , si gabb na ang nasa labas at naghahanap ng pwede mapasahan.

Dalawa na ngayon ang nakabantay sa akin at nahihirapan na akong magpatakbo takbo at linlangin sila.

10

Pinasa na kay Kuya brei yung bola at pinasa niya rin kaagad kay Kuya abbiel.

9

Na double team siya kaya napilitan siyang itapon yun kay gabb at ipinasa sa akin kaagad.

8

7

6

Hawak hawak ko na yung bola at ngayon ay tatlong tao na ang nakabantay sa akin.

5

4

Natatakot akong ipasa yung bola baka kasi maagaw ng kalaban.

3

its now or never na jaydee!

2

Shoot it ayan ang naririnig kong sigaw ng mga tao ngayon , mahina kong hinawi ang isang kalaban ko saka nag step back at nag shoot ng 3 points shot.

1

Isang malakas na pito naman ang narinig ko pa bago  yung buzzer at yung hiyawan ng mga tao.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now