Chapter 12

0 0 0
                                    

Lumipas na ang ilang linggo at naka balik naman kami sa dati ni Atom. Hindi lang talaga maiiwasan na kulitin nya ko minsan para tawagan daw si Severus dahil na mimiss nya ito. Sobrang attachment ang na developed ni Atom sa ilang araw na kasama nya si Severus.

"Atom, please wag na makulit anak. Si tito Sev may sarili yung buhay. Hindi natin siya pwedeng guluhin okay? Kung talagang gusto mo mag golf sige sasabihin natin sa Mama Sese mo dahil siya naman ang may alam sa mga ganon ganon!" nauubos na ang pasensya ko sa kakulitan ng batang to. Manang mana.

"But mom, I promised Tito Sev that we will be going to a gold club together." Naka ngusong sabi pa nito.

Alam kong kanina pa ito inip na inip sa pag hihintay sakin. Saktong may business meeting si Sese at sinama nya si mama. Habang si Riley naman ay final exam nila ngayon. Kung kaya't ako ang sumundo kay Atom at dinala muna siya dito sa flower shop.

"Anaak, sakit na ulo ni mommy please. Drop this topic." malungkot naman itong tumango. Bigla naman tuloy akong naawa dito.
"I promise, pag ka balik ni Mama Sese mo we will try it." Sunod sunod naman itong tumango kahit pa nanunulis ang nguso nito. Bumuntong hininga na lang ako.
"Wait mo ko dito ha, aayusin ko lang sa labas tapos uuwi na tayo."

Halos fifteen minutes na kong nag a arrange ng mga bulaklak ng biglang sinabi sakin na may nag hahanap daw sa akin at kay Atom.

Gulat na gulat naman ako ng makita ko si Severus na prenteng naka upo dito.

"Sev! What are you doing here? Bibili ka ba ng bulaklak?" takang tanong ko." Tumayo naman ito at sinalubong ako ngunit bago pa ito maka sagot sa tanong ko ay agad namang sumigaw si Atom na tumatakbo papalapit sa amin.

"Tito Sev!!!"

"Hey buddy. Long time no see." Natatawang sabi ni Sev habang kinakarga si Atom.

"Wait. Atom did you call your tito Sev?" Naiinis na tanong ko kung kaya't nag sumiksik si Atom kay Sev para hindi mapagalitan.

"Hey, it's okay. It's okay. Wala naman akong ginagawa nung tumawag si Atom." pag tatanggol agad ni Severus dito.

"Atom, bumaba ka jan mag uusap tayo. Sev, I'm really sorry sa ginawa ni Atom. Na abala ka pa namin." Sabi ko kay Atom na lalo lang humigit ang yakap kay Severus.

"Sity, it's fine. Sa totoo lang matagal ko na kayong gustong ayain ni Atom. Na unahan lang ako. So para hindi ka na mahiya you owe me a dinner."

"Mom, I'm sorry. Please forgive me. Can we go now?" nag papa cute pang sabi nito.

"Hay nako anak." Napa buntong hininga na lang ako.

"Go Sity. We will wait here." natatawang sabi ni Sev kaya't wala akong magawa kundi ang mag ayos na para makaalis.

Dahil may dala din akong sasakyan ay nag convoy na lang kami papuntang mall.
Nag iinit ang pisngi ko habang iniisip na hawak namin ni Severus si Atom sa mag ka bilang kamay at para kaming isang pamilya.

"Are you okay Sity? Namumula ka." nag aalalang tanong ni Sev ng tumingin ito sa akin.

"My, what's wrong?" agad akong umiling ng dalawang pares na ng mga mata ang naka tingin sa akin ngayon.

"Ha? Ahm, hindi. Medyo mainit kasi. Hayst. Sira ata ang aircon nila?" nag punas pa ko ng imaginary na pawis sa noo. Nag ka tinginan naman si Atom at Sev at parehas na nag kibit balikat.

Kumain muna kami saglit bago muling nag aya si Atom sa arcade.

Sinamahan ni Sev si Atom sa lahat ng larong gusto nito. Mapa basketball, bowling, gun firing at Kung ano ano pa. Pasalamat na lang ako dahil marunong naman mag alaga si Severus ng batang may hemophilia dahil sa anak ni maam Sachi. Kung kaya't kitang kita ko kung paano alagaan at ingatan ni Severus si Atom kahit pa anong laro ang laruin nila.

Nang mapagod ang dalawa ay tumigil din sila at nag aya ng lumabas.

"Mom, super happy ko ngayon!" masiglang sabi ni Atom.

"Ay halata nga anak. Halos nakalimutan nyo na ko eh." Pairap na sabi ko sa kanilang dalawa na parehas lamang nilang tinawanan. Tignan mo tong dalawang to.

"Basang basa kayo ng pawis pareho. Bumili muna tayo ng shirt nyo."

"Okay Siti." pag sangayon ni Sev. Nang makarating kami sa stall ay agad akong namili para sa kanilang dalawa.

"Wait nyo na lang ako ditong dalawa ako na ang pipili. Mag punas muna kayo ng pawis." sabi ko at nag madaling mag hanap ng ka kasya sa kanila. Nang maka balik ako ay nakita ko sila naka upo at nag tatawanan.

"Sev, ito na yung sayo. Ako na ang bahala kay Atom."

"Thanks Sity." naka ngiti ng sabi nito.
"Kayo na muna ni Atom sa fitiing room."

Nang matapos ko na palitan si Atom ay pinapasok ko na Si Severus.

"Ah, wait Sev. Basang basa ka pa. Halika muna rito." sabi ko sabay punas sa likod nitong pawis na pawis ngunit umaalingasaw pa din ang pabangong gamit nito. Ano ba tong lalaking to? Pawis pero ang bango pa din.

"Thanks Mommy Sity."nang aasar na sabi pa sakin ni Sev. Na sure akong ikinapula ng pisngi ko. Hindi na ko naka sagot ng pumasok na ulit ito sa fitting room.

pag kalabas nito ay tsaka lang napansin ni Atom na parehas sila ng kinuha kong Polo. Checkered iyon na 3/4 polo. Tuwang tuwa naman si Atom dahil sabi nya first time nya daw na may kaparehas ng damit.

"Excuse me maam, Family set po pala ang na avail nyong polo. Ito po yung para sa mommy." sabay abot sakin nito ng pang babaeng 3/4 Polo.

"Wow!!! Mommy wear it." Sabi ni Atom.

"Hindi na anak hindi naman pawis si mommy. Iuuwi ko na lang to."

"But mommy please." nag mamakaawa pa siya.

"Sity, just wear it. Mukhang Bagay naman sayo yan. Sige na." pangungulit din sa akin ni Severus.
Sa huli ay wala akong nagawa sa kakulitan ng dalawa kaya't heto kaming tatlo pinag titinginan ng mga tao.

"Ay ang cute naman ng family na yun oh. Naka family shirt." rinig ko pang sabi ng iba habang palabas kami ng mall.

"They thought we're a family." naka ngising sabi ni Sev sa akin.

"Sorry for that."

"No, it's okay. Actually I like that." Gulat na napalingon naman ako sa kanya at nakita kong naka ngisi ito sa akin.

"Mom, buhat po. I'm tired." Naka taas kamay na sabi ni Atom. Laking pasalamat ko ng mag salita ito dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi ni Sev.

"Ako na Sitty." agad namang kinarga ni Severus si Atom.

"I'm so happy Tito Sev. Thank you." Inaantok na sabi ni Atom bago siya ibaba ni Sev sa backseat ng sasakyan ko. Napa ngiti naman ito at hinalikan ang noo. Nag uumapaw sa galak ang puso ko sa pinapakita ni Sev na kabutihan kay Atom.

"Good night buddy!" Sabi pa nito bago ako harapin.

"Thanks Sitty. Ihatid ko na kayo, convoy ulit." naka ngiting sabi nito sa akin.

"No, Sev, thank you. Hindi nya naabutan ang Papa nya kung kaya't hinahanap hanap nya ang pag mamahal nito. Salamat talaga Sev." Sabi ko dito.

"No worries Sity. For Atom. Just call me if you need anything. Mabait na bata si Atom Sity. You raised him well."
Naluluha ako sa saya dahil sa sinabi ni Severus. Hindi araw araw na makaka rinig ka ng papuri sa pagiging isang mabuting ina.

"Thank you! Ingat sa pag uwi. Huwag mo na kaming ihatid."

"No I insist. Hindi ako mapapakali hangga't di ko nakikitang nakaka uwi kayo."

Wala na kong nagawa kundi ang pumayag. Nang maka rating naman kami sa bahay ay akmang bubuhatin pa nya si Atom.

"Huwag na Sev, ako na. Salamat sa pag hatid." sabi ko at mabilis na hinalikan ang pisngi niya. Gulat na napa tulala si Sev sa ginawa ko. Tila lalabas sa lalamunan ko ang puso ko sa sobrang pag kabog nito. Agad naman na akong bumalik sa sasakyan para maipasok sa loob ng garahe. Bago ako tuluyang pumasok ay bumusina muna ako ng isang beses na ikinagulat ni Severus. Di ko mapigilan ang matawa sa itsura nitong hindi pa nakaka bawi sa ginawa ko.

SerenityWhere stories live. Discover now