Chapter 10 - Dinner

0 0 0
                                    

Napipilitang tumayo ako para mag handa sa dinner na napag ka sunduan ni Atom at Severus.

"Mom, bakit po ikaw nakasimangot?" medyo may accent pa na sabi ni Atom.

"Hay nako anak. I know you know why." Sabi ko dito. Prenteng prente naman ito habang nanunuod at pinag mamasdan ang aking kilos.

"Mom, it's just a dinner." bagot na sabi nito.

"Why don't you get ready?" Sabi ko dito. Dahil bago ako pumunta sa dinner ay ihahatid ko si Atom sa kwarto nila Aida para may kasama siya habang wala ako.

Naligo na ako at napag pasyahang mag suot na lang ng dilaw na summer dress at mag apply ng lip stick.
Pag kalabas ko ng banyo ay nagulat na lang ako ng nag hahalak hakan na si Atom at Severus sa sofa.

"Oh mom tito Sev is here. Are you ready?" tanong nito. Habang titig na titig lang naman si Severus sa akin. Inirapan ko na lang ito at kinuha na ang gamit ni Atom.

"Let's go." Nauna ng lumabas si Atom at Severus habang pina patay nya ang mga ilaw at sinarado ang pinto. Kalong kalong na ni Severus si Atom habang walang ang bunganga ni Atom kaka salita.

"Atom, bakit naman nag pa buhat ka pa kaya mo naman mag lakad?" tanong ko dito habang nag lalakad kami papunta sa hotel room ni Aida.

"It's okay mom, Tito Sev is strong." sabi nito. Napangisi naman si Severus na kanina pa ko hindi binubwisit. Himala.

"Dito na tayo." Sabi ko kay Severus ng nasa tapat na kami ng kwarto ni Aida.
Makailang katok lang ay pinag buksan na kami ni Aida. Mayroon agad itong nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Iwan ko muna sayo tong binata ko." Sabi ko.

"Good Evening sir Severus." Sabi ni Aida at hindi ako pinansin. Tignan mo tong babaeng to.

"Good Evening Aida, iwan muna naman si Atom. Hindi naman kami mag tatagal." nakangiting sabi ni Severus dito.

"Ay, okay lang sir, kahit po bukas nyo na balikan si Atom." naka ngising sabi nito sa amin. Natawa lang naman si Severus dito.

"Aida nga!" saway ko dito. Na ikinatawa ni Severus at Aida.

"Oh siya! Lumarga na kayo ng makarami. Akin na yang si Atom at kanina pa nag hihintay si Andrew sa loob." Sabi pa nito.

"Behave Atom ha. Yung rules." paalala ko dito.

"Yes mom." Sabi nito. Lumapit naman ako para ma halikan ko na si Atom habang kalong pa din siya ni Severus. Narinig kong tumikhim si Severus, at tsaka binababa si Atom.

"Tito Sev, remember what I told you." seryosong sabi ni Atom kay Severus na nag pa kunot ng noo ko.

"Noted sir." natatawang sabi ni Severus.

"Bye mom! Bye Tito Sev!" Sabi ni Atom at nag mamadalimg pumasok sa loob.

"Let's go?" tanong ni Severus. Tumango naman ako bago nag paalam kay Aida.

"Enjoy!" malanding sabi pa ni Aida. Napailing na lang ako sa kalokohan nito.

Dinala ako ni Severus sa isa sa mga kainan sa labas ng kanyang hotel. Hindi ko inaasahang kumakain ito sa isang ordinaryong kainan.

"Okay lang ba sayo dito?" nag aalangang tanong sakin nito.

"Oo naman. Hindi naman ako mayaman e." nakakunot noong sagot ko dito.

Pag ka pasok namin sa kainan ay may pa ilan ilang kumakain, lumapit sa amin ang isang may katandaang babae.

"Naku Sev, pasok ka. Hindi naman kayo nag pasabing pupunta kayo." Sabi nito kay Severus.

SerenityWhere stories live. Discover now