Chapter 6 - Meeting

0 0 0
                                    

Nanlumo ako ng hindi ko makuha ang painting ni Atom. Nag patuloy ang bidding at marami pang mga paintings ng mga bata ang nabenta maging ang mga Painting na gawa ng kaibigan ni Miss Sachi na sikat na painters ay talagang pinag agawan din.

Kukunin ko yong painting na yun! Ipinapangako ko, maisasabit ko din yun sa bahay!" Sabi ko sa sarili ko. Agad kong hinanap ang lalaking bumili nito. Hindi naman mahirap hanapin ito dahil umaapaw ang kagwapuhan nito. Nakita nya itong sumisimsim ng alak sa Bar Counter. Hiya ng hiya siya pero gusto nya talaga ang painting ng anak nya.

"Ahm, Hi!" Sabi nya sa lalaki.
_

Sev's....

"Ahm, Hi!" narinig kong sabi ng isang babae. Napalingon ako dito upang ma bato sa nakita ko. Yung chix nakita ko sa resto! Kung maganda siya noon mas maganda siya ngayon. She's smoking hot wearing her gown Na fit na fit sa katawan nito. Napalunok naman ako sa naisip ko. Behave Severus!

"Yes how may I help you?" Sabi ko dito. May hinala na kong type ako nito at naalala nya ko mula doon sa titigan namin sa resto. Kung ayain man ako nito ay di na ko mag papa kipot pa.

"Ikaw yung nanalo sa bidding ng Painting? Yung may title na "mom"." nahihiyang sabi nito. Shet. Shy type.

"Ako nga." seryosong sabi ko dito.

"Ahm ano, pwede bang bilin ko sayo?" Determinadong sabi nito sakin. Medyo namilog pa ang mapupungay nitong mga mata habang kaunting nakaawang ang mga labi nito sa pag hihintay ng sagot ko. Damn! Akala ko ako ang gusto nya. Yung painting pala. Nainis naman ako dito lalo na't mukhang di na nya ako naaalala.

"Why would I do that?" masungit kong tanong di ko mapigilang mapataas ang kilay ko. Unang kita ko pa lang sa Painting na yun ay nagustuhan ko na agad. Hindi naman siya sobrang ganda katulad ng mga Painting ng propesyonal na painter napaka ganda naman ng meaning nito. Naalala ko ang aking namayapang ina sa Painting at paliwanag nya kaya naman talagang nag pa taasan ang ng bid.

"Kasi I really want that painting." Sabi pa nito. Napangisi naman ako sa aking naisip. Siya na mismo ang lumapit sa akin kaya't susunggaban ko na ang pag kakataon na ito.

"I will give that painting to you. In one condition." Sabi ko dito. Napakunot naman ang noo nito na mukhang nag tataka.

"Anything Mr.."

"Severus, just call me Sev or you can call me mine." Napangisi akong makita ko ang pamumula ng tenga at pisngi nito. Napaawang naman ang bibig nito sa pag ka bigla at ng makabawi ay tumikhim ito at nag salita.
"Mr. Severus, anything just please ibenta mo na sakin ang painting."

"Let's have a date." Kita ko naman ang pag laki ng mata nya sa aking sinabi. Halos mamula na din ang leeg nito.

"I'm married." Sabi nito at itinaas pa ang kamay na may singsing. Napamura na lang ako sa isip. Tangina naman. Bago pa ko makapag react ay agad na lumapit ang isang bata na may kasamang isang babae.

"Mommy." tawag nito sa kaharap kong babae. Shet may anak na din. Pero teka. Namumukaan ko ang batang ito.

"Mom it's okay, mag pe-paint na lang po ako ng iba." Sabi ng bata dito. Naalala ko na! Siya yung nag paint nung binili ko at kung di ako nag kakamali single daw ang nanay nya. Nag diwang naman ang aking isip. Napa ngisi ako.

"Dada!" sigaw ni Wilson papalapit sa akin. Nakipag fist bump pa ito sa akin. Kasunod naman nito ang kanyang Mommy.

"Sevee!" Sabi ni Sachi at agad na humalik sa pisngi ko.

"Thank you so much. Ready ka na sa Performance mo?" Naka nagising tanong nito. Na patingin naman ako sa babaeng kausap ko lang kanina. Napansin naman ni Sachi ito.

"Oh my gosh Serenity! I'm sorry di kita napansin." Agad na hinila ni Sachi si Serenity para mag tanong dito ng tungkol sa event. Habang nawala ang atensyon ni Serenity ay agad akong umupo at lumebel sa anak nito.

"Hey, buddy!" tawag ko sa bata. Nabaling naman agad sa akin ang tingin nito.

"Hi Sir!" matabang na bati nito.

"I love your painting that's why I bought it. You're amazing." Sabi ko dito. Tipid na ngumiti ito sa akin.

"Thank you sir, I really appreciate it." Sabi nito halata pa din dito na hindi pa ito palagay sa akin kaya't tipid lang ito kung sumagot.

"What's your name buddy?" tanong ko pa dito.

"My name is Atom. How about you?" balik na tanong nito.

"You can call me Tito Sev. You know I also have a strong ang loving mom. She's my super hero." Sabi ko dito. Napa tingin naman ito sa akin at mukhang naging interesado sa aking sinabi.

"You too? You think our mothers are superheroes?" nanlalaking tanong nito sakin. Napa tawa naman ako sa reaksyon nito.

"Of course! I call mine super mom!" pag mamalaki ko pa dito. Napangiti naman ito sakin.

"Woah, same!" galak na sabi nito. Tuwang tuwa naman ako dahil nakuha ko na ang loob nito.

"Your mom and dad, are they together?" mahinang tanong ko dito takot na marinig ng nanay nya at baka ilayo sa akin ang anak nya.

"No, my Mama Sese told me that my mom is single." napangisi ako ng tuluyan.

"Excuse me, Atom come here. Give tita Sachi a kiss." Sabi ni Serenity. Agad namang lumapit si ang bata kay Sachi para humalik sa pisngi nito. Tumayo na ko kaya't napa tingin sa akin si Sachi.

"Ah Serenity I suppose you already met Severus. My best friend." Naka ngiting sabi ni Sachi. Napa tango naman ito.

"Siya yung naka bili ng Painting ni Atom." Sabi ni Serenity.

"Ah yah! May potential si Atom, I suggest I-enroll mo siya sa Art class." Naka ngiting sabi ni Sachi dito. Napa tango naman si Serenity.

"Maam Sachi excuse me, kailangan na po si Sir Sev sa stage." pag singit ng isang babaeng naka Red na long gown din.

Kaya ko to! Help me. Lord!

SerenityOnde histórias criam vida. Descubra agora