Chapter 5 - Mine

0 0 0
                                    

Ngayon ang araw ng mas malaking event para sa mga batang may hemophilia. Ang auction. Kasama pa din ang mga batang may hemophilia sa event na to dahil mayroon silang presentation. Kakanta sila bilang pasasalamat sa lahat ng taong pupunta, mag do-donate o mag bi- bid sa auction.
Maagang nangulit si Atom para mag prepare para sa event.

"Ay anak gabi pa po ang event." Sabi ko dito. Nanlumo naman ito sa aking sinabi.

"But we need to sleep at night mommy." nakakunot noong sabi nito habang kumakamot sa ulo na tila ba hindi nya ako maintindihan.

"You mean you don't want to go tonight?" tanong ko. Agad naman itong napasimagot.

"I want!" natawa naman ako dito inilapag ko na dito ang kanyang pagkain, agad naman nya itong nilantakan at nakalimutan na ata ang event.

"Mommy needs to go to work today. Pero babalik ako ng tanghali para makapag ayos na sa event later." Sabi ko dito. tumango tango naman ito habang ngumunguya.

"I'm so excited. Oh there's Ate Ry! Ate Ryyyy! Come, let's eat." Naka ngiting sabi ni Atom sa bagong dating na si Rylie.

"Good morning Ate Sity." nakangiting bati nito sa akin.

"Good morning Ry! Over time ka ngayon ha." Sabi ko dito. Matagal ko naman na tong nasabi sa kanya para maayos nya ang schedule nya.

"Yes ate. Wala naman po ako pasok mamaya. Hihiram nga po pala ako ng susuotin sayo mamaya ha." Sabi nito habang pinapapak ang Nutella.

"Sure. Basta ikaw!"

Agad akong naligo at pumunta sa flower shop. Naabutan ko dun si Gracie na may pinipirmahan para sa mga finances.

"Good morning Sity! Naka ngiting bati ni Gracie.

"Good morning Gracie! I miss you so much! Buti at pumasok ka today." may pinag dadaanan si Gracie ngayon kaya di ko siya masisi kung hindi siya madalas nandito.

Mabilis kong inasikaso ang mga bulaklak na gagamitin mamaya para sa event. Dahil ako ang naka toka sa mga kailangang suppliers ay ang flower na din namin ang kinuha ko.

"Sity, sige na you may go. Baka ma-late ka." Sabi ni Gracie.

"Okay ka na ba dito? Kaya?" nag aalalang tanong ko.

"Oo naman. Hello buntis lang ako pero kaya ko!" natatawang sabi nito. Napailing na lang ako dito.

"Oh basta andito naman Jun at Daisy para alalayan ka. Mag ingat ka buntis!" Sabi ko dito at kinuha na ang mga gamit ko para umalis.

Maaga pasado alas kwatro ng umalis ako ng bahay. Kailangan kong maging maaga para siguraduhing dumating ang mga suppliers. Pinadala ko na lang ang susuotin ko mamaya. Formal event ito kaya kailangan na naka long dres or long gown ang mga babae at naka tuxedo naman ang mga lalaki.

"Sity! All set na. You should change at do your make up." Si Aida na pusturang pustura na sa kanyang red spaghetti strap long gown. Lahat ng organizer katulad namin ay napag pasyahang mag suot ng Red para irepresent ang kulay ng dugo. Maya maya pa ay nakita ko na din si Pia at Carmi kaya naman napanatag na kong lumabas ng hall para tawagan sina Rylie at Atom.
Sakto naman na pag labas ko ay nakasalubong ko na ito.

"Ate! Kanina pa kita tinetext." Sabi ni Rylie. Nakataas naman ang dalawang kamay ni Atom para mag karga sa akin. Agad ko naman itong kinarga at inaya na ang dalawa sa loob para umupo.

"Are you excited?" tanong ko kay Atom na gwapong gwapo sa suot niyang Black tuxedo. My little man.

"Yes mom, but I'm also nervous." naka ngusong sabi nito. Binaba ko naman ito ng makarating na kami sa kanilang designated table.

SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon