Chapter 41

173 6 0
                                    

Chapter 41

Dahan-dahan... kasabay ng paglingon niya sa akin ay ang panghihina ng mga tuhod ko ngayong nakikita ko na ng mabuti ang sakit sa kaniyang mga mata.

Kung ganoon nga...

"K-Kamukha ko siya," agad na pumiyok ang boses niya.

Bumuhos ang panibagong bugso ng mga luha ko. A-Alam na niya...

Para akong tinutusok ng ilang ulit dahil sa sakit na nakapaloob sa boses niya ng sinabi niya ang mga salitang iyon. Para akong sinasakal sa hirap huminga.

Ngayon ko lang napagtanto kung gaano talga kalaki ang kasalanan ko sa mag-ama. Ngayon lang na nakikita ko na sa mga mata niya ang bigat at sakit.

"Patawad... patawarin mo ako, Amanda."

Natulala ako.

A-anong ibig niyang sabihin? Ako dapat ang humihingi ng tawad sa kaniya ngayon!

Bumagsak siya sa harapan ko. Halos matumba ako ng makita ko siyang nakaluhod sa harapan ko! Agad akong lumapit at bumaba din sa harapan niya. Umiiyak siya!

A-Anong... gagawin ko?!

Ngayon ko lang siya nakitang umiyak at ganito kahina.

"A-Ano bang ginagawa mo?! A-Ako dapat ang humihingi ng tawad sa iyo. I'm sorry, f-for not telling you about... about our s-son."

"I'm sorry... I'm so sorry, Jeremiah. K-Kasalanan ko," I cried but he cried harder.

Maraming beses kong inisip kung ano kaya ang maaaring maging reaksyon ni Jeremiah sa oras na malaman niya na may anak kami. Afterall, hindi niya in-expect iyon. It was supposed to be just a one night stand... it was. A one night stand.

Natakot akong kapag nalaman niya na nabuo si Jerico ay magalit siya. I even thought before that I was doing him a favor. Because I didn't gave him the responsibility to father Jerico. That I did not took away his life as a bachelor. Naisip ko din na wala naman akong kasalanan kahit hindi ko sinabi sa kaniya na may anak na kami dahil ako naman ang naghirap sa pag-aalaga at tumanggap ng maagang responsibilidad.

But no..

I was wrong. Maling-mali.

Mali na hinusgahan ko agad kung ano ang magiging reaksyon niya. Mali na pinangunahan ko ang mga posibleng mangyari. At mali na hindi ko agad ibinigay sa kaniya ang karapatan na maging ama kay Jerico.

Sa lahat ng mga eksenang naisip ko, kahit kelan hindi ko naisip na magiging ganito siya ka-emosyonal. Ni hindi na siya makapagsalita, patuloy lang sa pagbagsak ang mga luha niya sa harapan ko.

Gusto ko siyang yakapin ngunit maging ako ay nanghihina din.

Akala ko ay mas nakakatakot kung magagalit siya. Mas nakakatakot pala ang makita siyang nagkakaganito. Mas hindi ko kaya...

Lumapit pa ako sa kanya at niyakap siya. Hindi ko alam na ganito niya kabigat dadalhin ang sitwasyon.

"Tumayo ka na... mag-uusap tayo," wika ko yabang yakap siya.

Hinintay kong tumigil sa panginginig ang balikat niya. Nang tumigil na siya sa pag-iyak ay siya na mismo ang nagkusang tumayo.

Magkaharap kami ngayon ng upuan.

"Jerico Amson... that's his name," I spoke first.

He nodded and whispered Jerico's name. Mahina lang ang pagkakabigkas niya sa pangalan ng anak namin pero gusto kong tandaan iyon. The first time he ever utter our son's name.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now