Chapter 4

193 4 0
                                    

Chapter 4

Nasundan pa nga ang mga pagkikita namin ni Sechan. Sa loob ng isang buwan ay dalawang beses kaming lumabas. Pero alam kong hindi sapat iyon para makuha ko ang tiwala niya.

Mahihirapan ako kung madalang ko lang siyang makikita. Twice a month isn't enough.

Kaya ang ginawa ko ay lumipat ako sa paaralang pinapasukan niya. Yes, I leveled up my ways.

Hindi naman tumutol sila Mommy at Daddy noong sinabi ko sa kanila na magtatransfer ako sa kabilang university. In fact, they were too busy to even care. They were too preoccupied with bundles of problems to even care of their daughter's education. But honestly, my new university was way better.

I didn't know how it happened pero wala pa akong isang linggo sa bagong eskwelahan ay kumalat na agad ang balitang boyfriend ko daw si Sechan.

Hindi ko pa sigurado kung mabuti ba iyon para sa plano ko.

"Amanda, nasa bistro daw kayo ni Sechan kahapon?" tanong ng isa kong kaklase na laging updated sa amin.

"Ah, oo. Doon kami naglunch," I answered her.

Gossips after gossips. The Russo really has a big name in this school. Ilang linggo na at kami pa din ang pinag-uusapan.

Daddy won in the election as a governor despite the many issues. Iyon lang ang tanging nagpagaan ng kalooban nila kahit papaano. Pero ang hindi pa din kami maaaring makampante dahil hindi tumitigil ang mga kalaban ni Daddy sa pag-atake sa kaniya.

Our business is still unstable. Pero ngayong linggo ay inaasahan ko na may mababago sa mangyayaring meeting sa pagitan ni Daddy at ng isa sa mga Russo.

Sa wakas, matapos ang ilang linggo kong pagkuha ng tiyempo ay nakausap ko na din sa wakas kahapon si Sechan tungkol sa tulong na hinihingi ko.

"You see, my dad has been stress the past months. He's struggling because of the non-basis issues that was being thrown at him. Even our hotels is struggling," madrama kong kwento kay Sechan noong isang araw na nagkausap kami.

"How about the other heads?" he asked.

Madrama akong bumuntog-hininga bago sumagot sa tanong niya.

"I don't really know. But our major problem is the investors. May mga nagpupull-out kasi ng mga investments nila dahil sa mga isyung ikinakabit kay Daddy kahit na wala naman iyong mga katotohanan."

"You believe in your dad so much, huh?"

"Of course! I swear, hindi niya magagawa ang mga ibinibintang sa kaniya. Taktika lang iyon ng mga kalaban niya para patalsikin siya sa pwesto at pabagsakin ang aming negosyo!" I said full of hope that he'll get what I'm trying to tell him.

"You know what, I wanna see if we can help. You know, we also have hotels and..." nahinto na sa mga sinabi niyang iyon ang naintindihan ko. Ang mga iba pa niyang sinasabi ay lumabo na sa pandinig ko sa labis na galak sa sinabi niya.

Finally!

Tutulungan niya kami!

"Really? Well, yeah. That's a great idea. Surely, daddy will be very happy to know that," I said as I tried not to sound too happy.

"Alright then, Miss Vicencio. I'll see what I can do," he said.

Ganoon nga ang nangyari kahapon. Ano mang araw ngayong linggong ito ay magkakaroon na ng meeting sa pagitan nila Daddy at ng mga Russo.

Malaki at matatag ang kumpanya nila. Ang mga umalis na investors sa amin ay paniguradong magugulat kapag nalaman kung sino ang tutulong sa amin.

Hindi ako papalya. I'll make sure of that.

Kaya minabuti ko na sakyan ang mga kumakalat na balita. Kapag tinatanong ako ay pahapyaw lang ang aking mga isinasagot.

Alam ko, mali iyon. Wala naman kaming relasyon ni Sechan Russo gaya ng uniisip ng iba. Pero kung mas makabubuting ganoon ang nasa isip ng mga tao ay hahayaan at sasakyan ko iyon.

And true enough, ever since the news broke, dumalang na ang mga babaeng nakapaligid kay Sechan.

"Miss Vicencio, need anything?" tanong ni Sechan ng sundan ko siya sa isang coffee shop sa labas ng school.

May usapan kaming magkikita ngayon para mapag-usapan kung ano ang nangyari sa meeting ng Daddy ko sa kumpanya nila. Sa sobrang sabik kong makibalita ay tanging sa paghahanap lang sa kanya natuon ang pansin ko.

Nakita ko na ang bag niya sa lamesa kaya lumapit na ako doon para ilagay din ang bag ko.

"Oh, Mark nandito ka din pala?" gulat kong tanong sa katabi ko sa klase na bigla na lang itong bumangon mula sa pagkakahiga sa upuan.

Mali ba ang lamesang nilapitan ko?

"Hi, Amanda. Oo, kasama ko si Sechan," sagot ni Mark. Kung ganoon at tama naman pala ang nilapitan ko.

"May usapan nga din kami dito. Nasaan pala siya?"

"Nandiyan lang iyon. Akala ko mamaya ka pa kaya nakipagkwentuhan pa ko, nahiga lang ng umalis siya. Nagulat ka ba?" tanong ni Mark.

Masaya naman siyang kakwentuhan at kausap sa klase pero ngayon ay wala akong ibang gustong marinig kung hindi ang tungkol sa naging meeting.

"Hindi naman. Hanapin ko lang si Sechan, Mark," I said to dismiss our conversation.

"Sige, sige lang!" mabilis naman niyang tugon.

Hindi naman ako nahirapang hanapin si Sechan. Maliit lang ang café pero may mga divider.

Naabutan ko siyang may kausap na magandang babae. Hindi ko siya gaanong kilala pero sikat siya sa mga estudyante. Madalas daw itong kuhanin tuwing may imomodelo sa eskwelahan. Hindi maman nakakapagtaka dahil talagang maganda siya.

Hindi ko masyadong narinig ang pinag-uusapan nila ni Sechan pero nakita kong may librong nahulog.

"Sec, you're here na pala. Ano 'yung nahulog?" I asked. Confidently calling him with the way his close friends would do so.

I don't know. Maybe I want to pretend that we're something or that we are someone very close in front of the girl.

Please, even for a while, wala muna sanang ibang babae na makalapit sa kaniya. I don't want him to unconsciously fall out of my goal.

Forgive me but I need to be mindful and aggressive.

"Ay, yung libro pala," I said as if I didn't realize that ahead.

I was successful in stealing Sechan away with the beautiful girl but I want to make sure.

I left the girl my words signaling her to back off.

"Miss Vicencio..." panimula ni Sechan ng makaupo na kami.

Honestly, I don't like it when he calls me that way. Yes, sometimes he would call me by my first name pero mabibilang lang sa mga daliri ang mga beses na iyon.

Kaya hindi ako pwedeng magkamali. I don't think he's considering me as a close friend. It is more like we are business partners.

But technically, yes, we kinda just a business partner.

"Sec, ano ang balita?"

There I go again. I will teach myself to be used in calling him with his name or nickname as if we are really close.

Mataman akong nakinig sa mga ibinabalita niyang impormasyon. Masaya ako na natutupad ang mga plinano ko. Sigurado akong masaya din ang mga magulang ko!

"Thank you for your help, Sec!" I exclaimed in happiness.

...

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now