Chapter 38

162 5 0
                                    

Chapter 38

Hindi agad ako nakapagsalita. Nakangiti si Natasha at nasa tabi siya ni Jeremiah. Ang akala ko ba ay nagtapos na ang relasyon nilang dalawa?

Don't tell me nagkabalikan na sila?!

Muntik ko ng makalimutan kung paano ang magsalita.

"Amanda, you look so beautiful."

Hindi pa din ako nakakapagsalita hanggang sa lumapit na sa akin si Natasha at nakipagbeso.

"T-Thanks... ikaw din," wala sa sarili kong tugon.

How can she be this okay after break up? I don't think that's possible. Mukhang mahal na mahal niya si Jeremiah at kung naghiwalay na nga sila ay imposibleng kaya niya pang maging ganito kasaya. So, that only means na nagkabalikan na nga sila.

"My goodness, I thought I wouldn't be able to make it here. I'm so happy to see you again, Amanda," ani Natasha.

I want to think that she's just faking her attitude. But no, she looks very sincere and happy.

"Mabuti at nakarating ka. Jeremiah told me you went in Canada," sabi ko ng mabawasan na ang pagkabigla.

Tumingin muna siya kay Jeremiah bago sumagot sa akin ng nakangiti.

"Yup, I visited my parents but my work is here so I need to go back immediately," kumapit siya sa braso ko.

Wala na akong masabi kaya tumango na lang ako. However, she looks like she has a lot to say.

"Sad nga, e. But, that's okay. Maybe I'll go back after a month if my leave would be approved," aniya. "Oh, Paulo, sorry I got too excited seeing Amanda I forgot to greet you," lumapit siya kay Paulo na nasa tabi ko lang at humalik sa pisngi nito.

"Ah, I'm used to it. You're just like that too whenever you're with Jeremy, honey," pabirong sagot ni Paulo.

Oh! So, magkakilala din pala silang dalawa. Kung ganoon magkakilala din si Jeremiah at Paulo?

"You jealous guy!" Natatawa ding sagot ni Natasha.

Habang magka-usap silang dalawa ay tumingin ako sa banda ni Jeremiah. Nakita kong kausap niya ang isang sikat na late night host pero mukhang hindi pa din maganda ang mood niya.

"I didn't know you to are friends," si Natasha.

Nabalik ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Paulo. "Ah, yep. Actually, kanina lang talaga kaming dalawa nagkausap but we're seeing each other in El Tempo."

"Oh! That's so nice. Do you know that she's friend with Jeremy, too?"

Halatang nagulat si Paulo sa sinabi ni Natasha. "Really? What a small world. I didn't know. Like I said, ngayon lang din kami nagkakilala. But I hope she'll give me a chance to know her more," sagot ni Paulo. Si Natasha ang kausap niya pero sa akin siya nakatingin.

Pareho nilang hinihintay ang sagot ko.

"Of course, why not?" sagot ko naman.

I don't have many friends so having a new one is great.

"Excuse me, everyone," napatingin kami sa nagsalita sa mababang stage.

In-announce niya na maari ng magsimulang bumili ng mga paintings at ipinaliwanag din niya na ang seventy-five percent ng kikitain ay mapupunta sa iba't ibang organizations.

Not bad, these paintings cost fortunes. Alam kong marami nga itong matutulungan.

"Nat, excuse us. We'll just take a look with the paintings. We haven't looked around, yet," sabi ni Paulo kay Natasha pagkatapos ng announcement.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now