Ayokong pang bumalik kaya napag isipan ko nalang na makituloy muna kena Tyco ngayon

─𔘓⁩────

"At bat ka andito?" tanong sakin ng kapatid ni Tyco

"Crush- ay este Ate Aeri, now is not the time para magsungit ka basta kailangan ko kausapin si Tyco" Sabi ko kaya napailing nalang siya at pinapasok ako.

Nakita ko si Tyco na naghuhugas ng pinggan.

"Elixir, narinig kita kaya sa salas ka na muna mag intay. Tatapusin ko lang toh" Utos ni Tyco kaya umupo nalang ako sa sofa at katabi ko si Ate Aeri.

Nag-intay ako ng mga ilang oras at maya-maya ay lumabas na si Tyco habang may dalang ice cream.

"Tara sa kwarto" sabi ni Tyco habang seryosong nakatingin sakin kaya napatayo ako

"HOY ANO YAN HA?!" Biglang napasigaw si Aeri at napatawa si Tyco

"Ate.. alam kong busy ka pero pag may time ka po, pakilinis ng utak" sabay ngiti sa nakatatandang kapatid

"Tsk" yun nalang ang nasabi ni Aeri sabay umirap at umupo ulet habang pinipindot ang screen ng phone niya

Napatawa nalang ako sabay iling. Patuloy kaming lumakad papunta sa kwarto ni Tyco. Pinapasok niya ako at nakita kong sobrang linis nito.

"Pre, mukhang nilinis mo na kwarto mo ah. Di katulad nung last na punta ko dito. Sobrang kalat mo" pang-aasar ko at napa-tawa nalang ito

"Syempre nahiya ako sayo dahil balita ko dito ka raw makikitulog" sabi ni Tyco at tumawa ulit kaya napairap nalang ako

"Bakit ka nga pala dito makikitulog?" tanong nito kaya naalala ko kung bakit ako pumunta dito.

Inilabas ko ang phone ko at headset. Mabuti at naka voice record ako kanina para iparinig kay Tyco yung Creepy lullaby song na narinig ko.

"Ano yan?"

"Basta pakinggan mo nalang. Ang rami mong tanong" Sabi ko kaya kinuha nito ang headset at sinuot

Ni-play ko yung voice record at tiningnan ang reaction nito. Biglang kumunot ang noo nito at tumingin sakin. Narinig niya na ba? Narinig niya kaya?

"Elixir...wala akong marinig.." sabi nito at nagulat ako

"Naka-full volume na toh ah. Sure ka talagang wala kang marinig?" Tanong ko kaya sumimangot ito at umiling

"Ulitin mo nga" Utos ni Tyco kaya inulit ko pero napabuntong hininga lang ito

"Naririnig ko lang ay puro glitch sounds at narinig ko rin na parang may kinakausap ka na babae na dadalhin mo sa hospital. Baka naman may sira na yang headset mo" Sabi nito kaya ako na mismo ang nagcheck kung narecord ba yung lullaby song

Bat wala yung Lullaby?? Pero boses ko lang ang naririnig na parang may kinakausap ako.

"Ano ba yung kanta at bakit takot na takot ka?" Tanong nito sakin.

"Hush little darling pero creepy version" sabi ko

"Pano naging creepy yun?" tanong ulit ni Tyco

"Yung lyrics, parang about sa pagtakas at pagpatay ewan ko. Ang naalala ko ito yung lyrics" kumuha ako ng papel at sinulat ang narinig ko sabay binigay kay Tyco.

"luh.." aniya habang nagbabasa

Hush little darling don't you cry
Mama's gonna sing you a lullaby
If you want to escape don't even try
Don't disobey or you will die ❞

"what the actual fck?"

"Binanggit rin niya pangalan ko kanina. Sabi niya sakin 'tulungan moko... Elixir'. Naniniwala ka ba sakin? Hindi yan enough proof pero naniniwala ka ba sakin?" Tanong ko at tumango ito habang binabasa ulet ang sinulat ko

Di ko parin talaga makalimutan yung babae na nakita ko.. sana makatulog parin ako

TO BE CONTINUED..
─𔘓⁩────

A/N: sorry sa slow update. Sadyang mabagal ako magtype sori na. Di rin ako maalam mag edit sensya na. STREAM LO$ER= LO♡ER MAMAYA!

🖋: [08. 17. 21]

LULLABY Where stories live. Discover now