Mabuti na lang at isa akong Caventry dahil takot ko lang mag-train ulit no! Sa tanan ng buhay ko puro training lang ang ginagawa ko. Gusto ko namang magpahinga aber! Lalabas na sana ako ng library nang marinig kong magsalita si Lord Caventry na kinatigil ko.




"Hindi na kita tatanungin sa mga binabalak mong gawin, Athanasia pero isa lang ang masasabi ko. Mag-iingat ka sa mga pinapasok mong gulo." seryosong sabi nito na kinangisi ko na lang nang patago.




"I don't understand what you mean, but I'll keep that in mind. Thank you and good night, father." pa-inosente kong sabi bago tuluyang lumabas ng library.




Nakakunot-noo akong bumalik sa kwarto sa mga narinig. Sinong binalaan niya? Ako? Tsk! Sa mundong 'to ako lang ang may alam ng mga gulong mangyayari sa hinaharap kaya kahit hindi niya ako pagsabihan ay alam ko ang ginagawa ko. 



At hindi ako natutuwa sa tuwing may mga hindi naman importanteng tao sa'kin ang magbibigay kuno ng payo na akala mo alam nila ang lahat. Tsk! Mas matutuwa pa ako kung mananahimik na lang siya sa isang tabi at huwag akong ipatawag pa sa mga susunod na araw. Hayys!





Chillax self! May pasok ka pa bukas. Damn! Muntik ko nang makalimutan na bukas nga pala ay kailangan kong pumunta sa A.I.A na siyang kasalukuyang school nitong si Heavenhell. 



Bakit naman kasi nag-aaral pa rin siya kung kaya naman niyang grumaduate ng sobrang aga? Pero syempre bilang weak sa pamilya ay ito lang ang sa naiisip niyang maging ambag niya. Ang makapagbigay ng achievements pagdating sa intelligence na natatanging meron siya.






Pero bakit kaya hindi nila naisipan na bigyan ng posisyon itong si Heavenhell sa mafia? Sa talino nitong character na 'to ay siguradong tataas ang ranggo ng Caventry sa mafia organization. Like duh? 



Magaling si Heavenhell sa computers at napakatalino nito na pwede siyang maging analyst o kaya battle stategist, so bakit? Masyado ba nilang minamaliit itong si Heavenhell at sa tingin nila wala siyang kwenta? O dahil sa mahina siya kaya wala siyang lugar sa mafia world?





Tsk! Kung ganoon man ang rason nila pwes ang tatanga nila! Sa Earth bibihira lang yung may mga mala-out of this world brain na gugustuhing makuha ng mga tao. Kapag may utak kang ganito ay posibleng makamit mo ang gusto mong makuha. 



Tulad na lamang ng mga CEOs, politicians, lawyers, developers, innovators at marami pang iba, lahat sila ay utak ang ginagamit. Mapa-scammer at con-artists ay talino nila ang ginagamit para makapanloko ng mga tao. Mapabuti man o masamang rason ay masasabi mo kung gaano ka-importante na matalino ka dahil konting mali mo lang ay posibleng magdala ito ng malaking problema sa inyo.





Para sa'kin ay pangalawa lamang ang resources sa pinaka-importante sa tao. Yes! With resources ay mas mapapabilis ang pagkamit mo sa pangarap mo, pero kung wala ka namang talino na magagamit mo para lumago ay wala ring kwenta ang pinaghirapan mo. 



Ganoon din sa mafia, kailangan may matalinong tao na gagabay sa buong organisasyon para maiwasan ang pagkamatay ng mga tauhan mo.





Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now