Part 11

1 0 0
                                    

"O gising ka pa?"nakapokus ako sa tinatapos kung assignment niya at assignment ko, napatingin ako sa orasan naku 3:45 na pala ng umaga.

"Tinatapos ko pa kasi itong mga assignment at journal eh"tugon ko habang patuloy na nakatingin sa monitor.

Sa loob ng dalawang linggo matapos ang tagpong nakita ko ang babae ni papa sa office, mula noon nasa labas na rin kami lagi kasama si Ernest kaya di ko na nakikita sila. At ito, itong kasama ko sa bahay madalas napapainom noong isang beses kasama ang mga kaibigan, minsan kaklase tapos itong huling mga nagtratrabaho sa office na kung saan siya nagOOJT. Madalas ding absent sa klase, hinahayaan ko lang.

"Alam mo matulog ka na 6:00am di ba ang pasok mo aba hindi ka ba matutulog?"

"Sandali na lang mga isang oras please"

"Hmmm bahala ka"narinig kong nilapag niya ang baso ng pinaginuman sa lababo at ayon pumasok ulit sa kuwarto.

Gusto ko ng matulog pero kailangan matapos ito.

----------------------------------------------------------------------

"Ernest natapos mo na ba accomplishment report mo?"kausap ko ito sa kabilang linya actually tumawag din siya dahil may pinatatanong siya kay Sir Ryan.

"Hindi pa eh, paano ako makakatapos daming utos dito"pabulong nitong sabi.

"Ah ganoon ba sige gawan na kita kasi sinasabayan ko sa pinatype sa akin na report ang accomplishment report ko"

"Hala nakakahiya naman hehehe"

"Drama ka?"

"Hala hindi to naman sige salamat teka baba ko na magsosort pa ako ng files."

"Okay-okay galingan  mo diyan hehehehe"

"Ikaw din usap na lang tayo mamaya"

Kaming tatlong magkakasama sa company ni papa ang madalas magkasama, magkausap at magkabonding.

Fishballs sa kanto kuwentuhan, pansitan sa kanto kuwentuhan habang naglalakad papuntang sakayang, pati sa loob ng jeep kuwentuhan. Masaya na rin ako dahil daming kong nalalaman sa kanila, nakakalabas din ako ng sama ng loob at binibigyan din nila ako ng payo.

Isang buwan na.........

Nung nakaraan dalawang linggo na nakuwento ko sa inyo lasing lang ngayong for two weeks di nauwi. Nakikita ko naman sa school kaso kapag lalapitan ko at tatanungin agad din naalis kasama ang mga tropa niya.

Nagtetext at natawag pero di sinasagot.

Nakita ko lang sa social media, "Reunion with La Familia, kain na po tayo"nakatag siya at nakita ko naman sa ibang pics na naroon siya. Kasama naman pala ang kamag-anak.

Pero bakit di nauwi?

Bakit ang cold lalo?

-Baby Nat, kung may kasalanan ako sayo sorry po. Sana po maging okay tayo, i'm trying  to reach you pero bakit parang pakiramdam ko ang layo mo sa akin. Sana naman sabihin mo kung may ginagawa akong masama sayo or kung ayaw mo na sa akin. Nahihirapan akong mag-isip pero pinilipit ko ang sarili ko na gumalaw dahil malapit na rin tayong makatapos. Kumusta pala ang pag-aaral mo, kumusta OJT mo? Sana soon makausap na kita.

Chat ko sa kanya.

Alam mo yung pakiramdam na gusto mong umiyak kaso pagod ka, nanghihina ka dahil di ka rin makakain tapos dami mong kailangan gawin. Halos gabi-gabi na ito, tangi ko na lang nagagawa ay tumutulala sa isang tabi patay ang ilaw, nilalamok at hinahayaang lumipas ang oras. Gusto kong gumalaw at isipin ang mga dapat tapusin pero nawawala ako at natutulala na lang.

Isama mo ako saan ka man tutungo.Where stories live. Discover now