Part 5

1 0 0
                                    

Tanghali na ng matapos kami sa banko, and happy na rin kasi nag-announce na wala kaming pasok dahil may emergency meeting at busy ang mga prof namin dahil may bisita daw next week kailangan matapos ang mga ginagawa nila kaya nagpadala na lang ng gawain sa mga email namin.

Ito kaming dalawa naglalakad na dalawa sa mall naghahanap ng makakainan.

"Tara dito na lang"hinawakan niya ako sa kamay at saka hinila.

Napatingin ako sa pangalan ng kainan at hindi ito fast-food kagaya ng pinapasukan ko at mukhang mahal dito.

"Hindi ba pwede sa iba na lang, sa food court mahal ata dito eh"sabi ko sa kanya kakatapos lang siyang kausapin noong babae at nagsabi na siya ng table for 2 rito tapos umalis ang babae siguro papaayos na yung uupuan namin.

"Okay dito masarap ang pagkain ako na bahala"

"Ano ka ba nakakahiya lagi mo na lang akong nililibre"pero biglang namula ang mukha ko at nakaramdam ako ng init sa loob ko. Hinila niya ako sa tabi ko and he look at me with a smile on his face then...............kiniss niya ako sa forehead.

"Baliw ka"mahina kong sabi sa kanya pero di ko maitingin ang mata ko sa kanyang mata, kakahiya.

"Hey!"biglang may tumawag sa aming babae.

"Hey Trizhia!"bati niyang pabalik.

Ang ganda noon babae, napayuko ako at saka inalis yung hawak ng kamay ni Nathaniel.

"Kakain din ba kayo dito?"

"Yes"

"Si-sino siya Nat?"

Shit bakit!

Inakbayan ako ni Nathaniel buset mas lalo akong nahiya siyempre ang daming tao no.

"Boyfriend ko at kaschoolmate ko din siya sa university"alam mo yung hindi bumubuka bibig mo pero nakakapagsalita ka (anong ginagawa mo kulogo!)

"Wow really kaya pala hindi ka na pumayag sa set-up ni tita at mama well good for you"

"Thanks o sige ka tinatawag na kami pasok na kami"

Nilagpasan naming yung babaeng kausap niya hindi ko madescribe kung anong expression ng mukha niya di ko kasi matignan sa hiya ko.

"Anong ginawa mo?"tanong ko kaagad sa kanya pagkaupo naming.

"Hi mga sir ito po ang menu"napaalis ang tingin ko sa kanya at natingin sa waiter kinuha ko na rin ang inaabot niyang menu.

"Tawagin nyo na lang po ako kapag ready na kayong umorder"ngumiti lang ako at saka umalis na ito.

"Sumagot ka kulogo"balik ko sa kanya pagkaalis ng waiter.

Natatakpan ng menu ang kanyang mukha, kainis.

"Ayaw ko sa babaeng iyong and unfortunately nakita ko siya and sakto andiyan ka kaya gumawa ako ng paraan until now kasi nagtetext pa rin yun sa akin natawag pa nga minsan."sagot nito.

"User"pagalit kong bigkas noon pero sa mahinang boses lang saktong kami lang ang makakarinig.

"No I'm not!"sagot nito feeling ko napatingin ang ibang nasa restaurant sa amin ang lakas kasi ng boses niya then maririnig din ang malakas na paglapat ng menu sa mesa.

"Hoy umayos ka nga galit agad?"

"Eh sinabihan mo ako ng user eh"

"Eh anong tawag mo sa ginawa mo sa akin kanina para makaiwas ko doon sa girl?"

"At baka paano kung totohanan na?"

Totohanan na alin?

"Huh? Alam mo gutom lang yan order na tayo?"napacross-arms ito at sumandal sa upuan.

Isama mo ako saan ka man tutungo.Where stories live. Discover now