Part 4

1 0 0
                                    

Ang distansya never makakahilom ng anuman isyu.

"Ano kaya ang ibig sabihin nito?"tanong ko sa sarili ko habang nagbabasa sa diyaryo, kasi naman bakit napunta ako dito eh ang pinababasa sa amin mga kalagayang pangnegosyo.

"Sabagay ano nga ba ang nadudulot ng distansya sa isang problema?"binaba ko ang diyaryo na tabloid para magtimpla ng kape ng marinig ko ang paggalaw ng upuan.

"2:43 na ah gising ka pa?"si Nathaniel pala though di na ako nagulat kung sinuman o anuman ang nagsanhi ng paggalaw ng upuan.

"Okay lang kailangan kong matapos ang mga binabasa ko at saka off ko work mamaya kaya pwede akong matulog ng mahaba after matapos ang mga assignment ko"

Kinuha ko rin ang mug niya para timplahan siya ng kape, di ko na tinanong hahaha hayaan mo siya lagi namang puyat yan kakalaro ng mobile games.

"Sipag mo talaga no?"

Matapos magtimpla ay inabot ko na ang kape sa kanya at naupo na rin ako.

"Para naman may choice ako?"

"Meron naman?"humigop na ito ng kapeng tinimpla ko ako naman nakatingin maging sa paggalaw ng mug, tapos napuna ko din ang adam's apple niya, tapos yung muskels niya na mesherep este yung muscles niya parang lumaki yung sa dibdib at gumanda din ang shoulders niya pati sa arms, uhmmm hubad kaya siya para makita ko abs niya galing eh dagdag inspirasyon hahahahahaha.

"Hoy!makatitig huh pinagnanasaan mo ako no?"parang may pumitik sa akin at doon nagising sa kalandian.

"Hala adik"landi mo kasi Clint,kinuha ko ang diyaryo at saka muling nagbasa, nagnote na rin ako ng mga nakita kong sagot sa assignment namin.

"May plano ka na ba after natin makagraduate at saka huh ang bilis next semester third year na tayo?"

Masaya ako pero naiiyak kasi akala ko babagsak ako sa finals namin hindi ko talaga siya natutukan dahil pinaaga ang shift ko at extended din kasi maraming umalis na crew dahil ang iba graduate na at iba lumipat ng ibang work. Pero tiniis ko two-weeks din bago nakarecover dahil siyempre ang mga bago kailangan munang matrain bago tuluyang pabayaan.

Then one-time sa hindi inaasahang pagkakataon isang matandang lalake ang nakatayo sa tinutuluyan ko. "Animal ka andito ka lang pala"wala akong lakas para gumalaw lalo na noong hinawakan niya ako ng mahigpit at saka puwersahang pinasasakay ng kotse. "Pa ayaw ko please"isang malutong na sampal ang dumapo sa aking pisngi, sa sakit napahawak ako dito at napaiyak sa sakit at hiya marami na ring tao sa paligid. "Anong pinagmamalaki mo? Yung trabaho sa fast-food na iyon puta ka umuwi ka hayop na baklang ito wala kang mapapala kasi malas ka dapat sa loob ka lang ng bahay para di ka nagkakalat ng kamalasan"biglang nagflash sa harapan ko si manong kalbo, napapakagat labi at at napapailing ako dahil may hawak siyang palakol sa sandali na iyon. Hinahanap daw ako ni papa at kahit ang mga kapatid nito ay tanong ng tanong bakit daw wala ako, saan ako nagpunta, anong nangyari sa akin binabanatan daw siya ng mga ito dahil daw sa pananakit sa akin mula noon maging si mama sinasaktan niya akala kasi ni papa nagsusumbong ito sa partido ni papa. Mabuti na lang at dumating si Aling Maria may kasamang mga tanod at sinamahan ako ni Nathaniel papasok sa bahay.

Nahiya akong lumabas kaya mas maaga akong naalis ng bahay yung babangon pa lang sila para di ako makita tumatambay na lang ako sa locker namin at sa gabi late na rin akong umuuwi para di nila ako makita dahil sobrang hiya ko. Ilang araw din iyon...

Nagulat din ako dahil makalipas ang ilang araw dumating din sina mama, Carlo at Clarisse sa store kasama nila si tita Mercy isa sa kapatid ni papa. Laking gulat nila sa laki ng pagbabago ko mas payat, para daw zombie, daming nagbago sa akin....

Kinamusta nila ako, siyempre nagsabi naman ako ng mga nangyayari sa akin at paano ko binubuhay ako sarili ko. Naiyak na lang din ako na maiyak si mama sa narinig niya yinakap niya ako at humingi ng sorry ganoon din ang mga kapatid ko.

Binuhay ni mama ang ATM ko at saka monthly maghuhulog ganoon din sina tita,sa totoo nga lang daw naawa sila sa akin hindi rin nila lubos maisip kung bakit ba ganoon kagalit si papa sa akin samantalang naalala ni tita noong pinanganak ako nag-iba daw si kuya yung light at happiness ni kuya nila, though barumbado noon si papa ayon sa kuwento nila pero noong dumating ako ang saya daw ni papa ilang taon din kasi bago nabuntis si mama.

May binulong noon ang mga multo sa bahay sa akin pero hindi ko iyong masasabi kay mama.

"Work and stay alive"sagot kay Nathaniel.

"Hindi ka ba babalik sa pamilya mo?"

"Gusto ko pero hindi ko na ata kayang kasama si papa"

Natahimik lang ito.

"Hindi ka pa ba inaantok?"tanong ko rito.

"Hindi pa naman gusto mo sabay na lang tayong matulog."

"Hmmmm tinatapos ko pa ito eh"

"Mauna ka ng matulog okay lang ako"dugtong ko.

"Samahan na lang kita ayaw kong mag-isa ka rito"napatingin ako rito at saka nagmake-face kaloka, tapos nagbukas ito ng phone saka naglaro.

"Maglalaro ka lang eh ewan sayo"

"Oo maglalaro ako habang binabantayan ko girlfriend ko"hay naku ito na naman itong baliw na ito.

"Girlfriend mo multo baka kamo may inaabangan ka lang na chat sa jowa mo kaya di ka pa natutulog"

"Hindi no andito girlfriend ko no"

Napalingon ako sa paligid baka nakakakita na din ito ng multo sabagay may nakita akong multo na babae na kay ganda niya parang model laki din ng dede.

"Sira ulo"bulong ko at balik sa binabasa ko.

Ay wait may naalala ako. Bigla kong kinuha sa notebook ko, palibhasa may pera ako sa atm galing kina mama at tita kaya walang pakialam sa suweldo hahaha.

"Hala nakalimutan kong palitan kainis"yung monologue mo sa harap ng sira mong kasama sa bahay.

"Gusto mo samahan kita?"yung nagsasalita siya habang nakasandal at nakafocus sa phone niya at dinig na dinig ko ang music ng nilalaro niya.

"Wag na baka tulog ka pa kapag umalis ako at maaga yun mahirap pumila kasi maaga pa lang marami ng tao"

"Eh di gisingin mo ako"

"Huh eh kakatok ako makakabulabog pa ako ng ibang kasama natin dito"

"Eh di matulog ka sa tabi ko"

"Nyek may sarili akong kuwarto no"

"Dami mo naman sinasabi eh di doon ako matutulog sa kuwarto mo"

"Ewan ko sayo Nathaniel Martin D. Conner baka gusto mong pasabugin ako ng mga taga-hanga mo kapag nalaman nilang natulog tayo sa iisang room obsess pa naman sayo ang mga iyon"

"Baliw mas obsess ako sayo"

Napayuko na lang ako bumalik sa pagbabasa napakagaling talaga mangbalik ng pang-aasar tong kologo na to.

"Ewan ko sayo para kang ano"naramdaman ko na lang ang pagtayo nya tapos na sigurong maglaro at bumalik sa kuwarto niya.

Good thing at least makakafocus na ulit ako sa ginagawa ko.

Bakit kaya ang pabango kapag endorse ng sikat na celebrity kahit hindi maganda ang performance mabenta? Feeling ba ng mga bumibili magiging kasing bango at ganda sila ng celebrity na iyon? Eh anong pakialam mo sa parte na yun? Shunga yan kaya course ko kailangan kong malaman ang mga ganoong factor para kapag halimbawa ako naman ang nasa posisyon ng gagawa ng mga product at magbebenta alam ko paano makukuha ang puso ng madla di ba?

-Sige monologue kang mag-isa.

"Hoy tara na matulog na tayo"putik napatingin kaagad ako sa kulogo, loko talaga to may dalang unan at kumot kaloka ka kulogo.

"Hay naku napaka mo no sa Friday pa ako pupunta ng banko atat ka ba?"

"Eh di practice na hanggang Friday morning di ba?"

Suko na lang ako kakainis!

(Next)

Isama mo ako saan ka man tutungo.Where stories live. Discover now