Part 3

1 0 0
                                    

Pumutok ang balita na magkakaroon daw ng pag-aalsa laban ng administrasyon ninyo.

Nakahanda na ang hukbong sandatahan upang dumipensa sa anuman posibleng maganap.

Ilang buwan na ako..............nakatapos na ako ng isang semester.

Good thing nakakaraos, pero hangga't maaari walang komunikasyon kahit kanino.

"Clint?"lumingon ako, si Aling Maria pala.

"Po manang?"napatayo ako, naglalaba kasi ako dito sa may poso, ginawa ko ng gabi para walang makasabay na ibang borders.

"Gabing-gabi na ah teka di ba kakauwi mo lang galing eskuwela aba baka magkasakit ka nyan?"

"Hehehe ayos lang po manang nasasanay na po"

"Nga pala may naririnig akong tawanan ng isang gabi sa kuwarto mo at parang may kausap ka may bisita ka ba?"

Ay naloka na kainis kasi yung madaldal na multong kausap ko.

"Wa-wala po hehehehe nakikinig po kasi ako ng radio eh naeexcite po ako sa usapan tungkol sa lovelife alam nyo naman virgin at nbsb ako hehehehe kaya ayon po sorry po ehehehe hihinaan ko na lang po"

"Ah ganoon ba at mag-iingat ka nga pala wag kang mapapaabot ng alas-sunse dito"

"Bakit po manang?"

"Hala ilang buwan ka na ba dito, jusko tong bata na ito, may nagpapakita daw na maligno dito hay naku baka masapian ka"

"Sanay na po ako sa maligno"

"Huh nakakakita ka?"

"Hindi po ako bulag"joke....

"Uhmmm ibig kong sabihin alam nyo naman kuwento ng buhay ko di ba may maligno hehehehe charot sige po patapos na rin po ako"

"O siya ako ay manonood pa ng teleserye"

"Okay po"

Umupo na ulit ako para tapusin ang labada ko.

"Maligno daw hahahahahaha"oo meron nga dito si Manong Kalbo, pero duwende ito na mataba hahahaha.

"Hayaan nyo na po manong kalbo ganoon po talaga kapag hindi sanay o hindi nakakakita"

"Kaya nga gustong-gusto kita eh di ka natatakot sa amin"

"Hmmm manong matagal na po akong takot at mas takot akong hindi makatapos ng pag-aaral"

"Ang sipag mo namang bata."

"Wala po akong mapagpipilian manong kailangan po eh"

"Teka anak ano to?"naramdaman ko ang paghawak niya sa likuran ko, isang habang peklat iyon alam nyo na kung saan galing.

"Kay papa po galing manong."

"Kalupit naman pala ng ama mo sa iyo ano?"

"Hmmmm wag na po nating pag-usapan manong"

"Gusto mo ba saktan ko din"

"Huwag na po okay lang ako chill lang tayo"

"Hoy baliw sinong kausap mo diyan?"Andito na naman po si Nathaniel kulogo.

"Sarili ko baliw nga di ba?"

"Aba sumasagot ka pa ah"

"Malamang tinatanong mo eh"

"Gago! Baklang baliw!"

Sinto-sinto pero kapag walang assignment sa akin nalapit ang impakto, guwapo nga at may maganda katawan boklats naman.

Isama mo ako saan ka man tutungo.Where stories live. Discover now