Chapter Three

172 12 4
                                    

I woke up with a feeling dizzy. I sat straight at kinusot ko ang mga mata ko. Nang tuluyang imulat ang mga ito, tumambad ang hindi pamilyar na kuwarto sa akin. Oo nga pala, wala ako sa bahay ko. Bumaling ako sa tabi para tingnan ang cellphone ko, pero mukha ng natutulog na lakaki ang bumungad sa akin. Doon ko ring naalala lahat ng nangyari sa amin kagabi.

"Oh my gee!" sigaw ko. Kilala ko siya! Siya iyong lalaki kahapon, si Giovanni!

"W-What?" he murmured, looking dazed. Mukhang malakas rin ang epekto ng alak sa kaniya.

"Oh my gosh, don't tell me– nag-sex tayo kagabi?!" halos pasigaw nang tanong ko.

"Yeah? I think so..."

"Shit!" natulala ako. Tiningnan ko ang katawan ko at tama nga ang iniisip ko. Wala kaming suot at tanging kumot lang ang nagsisilbing takip sa mga katawan namin. Napasabunot ako sa sarili kong buhok.

"Tanga! Boba! You're so stupid, Ell!" I told myself.

Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Royce? Royce... Oh, right, he's with somebody else. My chest tightened with that thought. Unti-unti akong napaiyak.

"Hey, hey! Why are you crying?" Gio asked, I replied by shaking my head. "Is it about what happened last night? Sorry, engaged ka na pala. I didn't mean any harm. Sorry." He looks so apologetic and was caressing my back.

"It's not about that. Si Royce kasi..."

"If it's not about that, tungkol saan pala?"

"H-He cheated on me. Again!"

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Wala na akong pakialam sa iisipin ng lalaking katabi ko ngayon. Gusto ko lang talagang mailabas ang mga hinanakit ko. I really thought Royce changed his way, but here he is again. Palagi na lang niya akong niloloko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang boses ng babae nang tumawag ako sa kaniya kagabi.

"What do you mean when you said he cheated again? Ilang beses ka na ba niyang niloloko?" Gio asked.

"Bakit ba tinatanong ko 'yan? May magagawa ka ba?"

"Wala, pero kung palagi siyang nagloloko, why settle with him?"

Napabuntonghininga ako. "Since may nangyari sa atin, hindi na siguro magiging masama kung magsabi ako sa 'yo. Just don't tattle."

"I'm not nosy."

"Well, Royce is my boyfriend. Ilang taon na rin kami, at sa ilang taong iyon ay hindi lang siya isang beses nagkaroon ng affair."

"Why don't you break up with him?"

"Sa totoo lang, gusto ko na ring kumalas. Ang hirap malagay sa ganitong sitwasyon, pero ang dami na naming nabuong alaala. I don't want to restart again kasi sobrang hirap n'on."

Matagal siyang hindi nagsalita kaya bago pa man ako may masabing iba, hinanap ko na ang damit ko ang isinuot iyon. Siguro ay maliligo na lang ako sa sarili kong cabin. Akmang aalis na ako nang pigilan ako ni Gio sa pamamagitan ng paghila sa pulsuhan ko.

"Wait! I have an offer," he said.

Na-curious naman ako. "What kind of offer?"

"Cheat on him, with me."

"Are you crazy? I would never do such a thing. Hindi ako gan'on."

"Think about it. Magagantihan mo siya, and you'll get to enjoy."

"No. Hindi ako mag-e-enjoy, knowing that I'm cheating on my boyfriend."

"We had sex. You already cheated. What's the difference?"

Umiling ako. "Iba 'yon. Hindi ko na uulitin. Pasensiya ka na, pero tatanggihan ko ang offer mo."

Iwiniksi ko ang kamay niya at tumakbo papalabas. Ang bigat-bigat ng loob ko habang naglalakad pabalik sa cabin. I can't believe I had sex with a stranger. I cheated. Paano pala kung magkaroon ng bunga ang pagtataksil ko? Tatanggapin pa rin ba ako ni Royce?

Nang makarating sa cabin, hinanap ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Mabuti na lang at hindi ang babae niya ang sumagot. Naiiyak ako, pero pinipigilan ko lang.

"Love?" tawag ko sa kabilang linya.

"Hmm? Bakit?" I'm not sure, pero I heard him grunting and muffling moans.

"Kailan ka darating?"

Ilang segundo pa bago siya makasagot. "Two weeks from now? Oo, dalawang linggo pa siguro."

"What? Bakit ang tagal naman yata? Hindi ba puwedeng ngayon o bukas na?"

Kagaya kanina, parang pinipigilan niyang umungol. "May inaasikaso akong trabaho."

"May inaasikasong trabaho o may babaeng tinatrabaho?"

"Ano na naman 'to, Ell?"

"May babae ka na naman ba?"

"W-Wala! 'Tang ina, saan mo ba kinukuha ang mga sinasabi mo? Naririnig mo ba ang sarili mo? Sinabi ko nang hindi na ako nambababae, 'di ba?"

"Bakit hindi ka makasunod?"

"Dahil nga may trabaho pa ako! Fiance lang kita, pero hindi sa 'yo umiikot ang mundo ko."

Nanghina ako sa sagot niya. Parang ang baba ng tingin niya sa akin base sa tono ng pananalita niya. Alam kong nagsisinungaling siya, pero kapag kinompronta ko siya, ako rin lang ang aawayin niya.

"Royce naman," I whispered. "Bakit naman ganiyan ka magsalita? Para namang wala akong halaga sa 'yo."

I heard a soft moan from a woman before he talked. "Wala akong oras sa mga drama mo. Busy akong tao at kung puwede sana, hayaan mong ako ang tatawag sa 'yo."

Pinatay na niya ang tawag at kahit anong pilit ko ay hindi ko na siya ma-contact ulit. Dumausdos ako paupo at napayakap sa sariling katawan. Bakit ko ba hinahayaang itrato ako ng ganito ng lalaking iyon?

Nilinis ko ang sarili ko kahit na parang hinang-hina ako. Pagkatapos ay nahiga ako at napatulala na lang. Is he fucking his other woman while talking to me on the phone? Gan'on na ba talaga siya kasama?

Bigla kong naalala ang offer ni Gio kanina. And I can't believe I am considering that option. Kapag ginawa ko ba iyon, maiintindihan ko na ang rason ng hilig sa pambababae ni Royce?

I cleared my head first, and sorted everything. Nang makapag-isip-isip ay saka ako tumayo at lumabas. Ngayon, narito na ako sa tapat ng pinto niya. Ilang beses akong kumatok, at sobrang lakas din ng tibok ng puso ko. Ilang saglit pa bago niya ako pagbuksan. Nakatapis lang siya ng tuwalya at basa pa ang katawan niya.

"What brought you back here?" he asked.

"About your offer, payag na ako pero may mga kondisyon ako."

Tumabi siya at mas niluwagan ang pinto. "Come in. Let's negotiate."

Ellaine's Escapade (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon