"Okay, my lady!" determinadong sabi ni Trider na kinangiti ko. Sinong mag-aakala na ang killing machine  na papatay ng maraming tao sa hinaharap ay mukha ng aso ngayon? I mean, sa asta niya ngayon ay mukha siya cute pet na loyal sa amo niya. Geez!





"Alright! I'll be on your care from now on!" nakangiti kong sabi na kinatango niya. Why is he so cute? His character traits are weird!





Napailing na lang ako at tumingin sa bintana ng kotse. Pagabi na rin ngayon kaya bukas na lahat ng mga street lights sa mga kalsada. Maging ang mga ilaw sa mga nagtataasang building ay kakaibang liwanag din ang binibigay sa mga tulad kong stressed sa buhay. 



Damn! Sigurado akong pag-uwi ko ay maghaharap na naman kami ng daddy ni Heavenhell. Syempre hindi naman madaling magpasok ng tao sa pamilyang may mafia background. Lalo na't personal bodyguard ang ibibigay kong posisyon kay Trider. Kaya siguradong kailangan niya munang sumabak sa training para malaman ang potensyal niya sa pakikipaglaban.





Pagkarating namin sa main gate ng mansyon ay agad ko ng binigyan ng task si Pira. Kailangan niyang ayusin ang mga papeles ni Trider dahil sigurado akong hahanapin yun ni dad at sa itsura ngayon ng lalaking 'to ay sigurado akong wala siyang kahit na anong I.D o certificate na magpapatunay na siya si Trider Pierce at kung saan man siya galing. Hayys! This is so stressful!





"Trider let's go! All you have to do is follow me and avoid looking to anyone, okay?" paalala ko sa kaniya



"Okay" maikli niyang tugon. Napangiti na lang ako sa pagiging masunurin niya. Buti na lang at madaling kausap ang kasalukuyang Trider kaysa sa nababasa ko sa nobela. Geez!






Taas-noo akong naglakad papasok ng mansyon. Nang makita ako ng ibang mga mafia members ng pamilyang Caventry na naka-assign sa security ng mansyon ay sabay-sabay silang yumuko bilang paggalang. 



Pasimple kong tinignan ang mga naglalakihang baril na hawak nila at hindi ko maiwasang ma-excite! God knows how I want to hold it, but I need to be a low-key person for now!






Tinanguan ko na lang ang mga tauhan ng Caventry at hindi na pinansin ang mga tingin nila kay Trider na animo'y sinusuri kung kalaban ba siya o kakampi. Isa rin sa dahilan kung bakit pinapaiwas ko si Trider na tumingin sa mga 'to ay dahil sa salitang "pride" bilang isang mafia. 



These guys are so dangerous! Iba't-ibang life and death situation na ang mga na-engkwentro nila kaya ayoko na makalaban sila ni Trider nang ganito kaaga lalo pa at makakasama sila ni Trider sa training kapag nagkataon.





Nang makapasok na kami sa loob ng mansyon ay ang mga maid naman ang bumati sa'kin. Kita rin sa mga mata nila ang pagtataka kung sino ang lalaking nasa likod ko at diretso lang ang tingin. Sa aura kasi nitong si Trider ay hindi mo maiiwasang mapansin na isa siyang young master ng mayamang pamilya. Well he WAS a young master, but now he's mine. Bwahahaha! P--pfft! Ehem! Ehem!





"Where's dad?" tanong ko sa isang maid na mukhang nakakita ng artista sa sobrang pula ng mukha niya. Hindi naman obvious na kinikilig siya sa itsura ni Trider no? Tsk! Ang landi ng maid na 'to sarap ibaon ehh...





"A--ahmm... Na--nasa library, my lady." utal-utal niyang sabi habang nakatingin kay Trider. Seryoso?





"Sinong kausap mo? Ako o siya?" Tinignan ko nang masama ang maid na mukhang natauhan na rin sa wakas.





"F--forgive me, my lady!" nakayuko nitong sabi.






"Okay! Pero next time huwag masyadong malandi ahh?" nakangisi kong sabi na lalo niyang kinapula sa hiya o sa galit? Well I don't care! Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Trider sa likod ko kaya nakakunot-noo ko siyang tinignan na kasalukuyan ng naka-poker face ngayon. Geez! Bilib din ako sa bilis niyang magpalit ng ekspresyon ahh!





"Let's go!" sabi ko na lang at umakyat sa second floor ng masyon.






Dito kasi sa Caventry's palace ay may malaking library na naglalaman ng mga libro na mula pa sa sinaunang panahon. Syempre dahil sa iba ang mundo na 'to sa Earth ay iba rin ang history na meron dito. 



Mula sa mga lugar at mga tao ay kakaiba sa kabilang mundo. Geez! Kung sa teknolohiya naman ang pag-uusapan ay hindi nahuhuli ang mundo ng nobela na tinawag na Pangaea. That's right! Pangaea ang pinangalan ng author dito. 




So, pagdating nga sa teknolohiya ay masasabi ko na moderno na rin meron dito. Ang kaso lang ay medyo weird ang pagkaka-imbento ng mga tao na magtataka ka kung bakit wala pa yon sa Atlante. Isang magandang halimbawa ang mga CCTV at USB flash drives na hindi pa nai-imbento. 



Mapapaisip ka kung bakit meron nang mga camera na ginagamit sa paggawa ng pelikula, pero hindi nila naisip ang paggawa ng mga surveillance camera para sa security? Are they idiots or what? But that's the point. This world is so weird and the novel is weirder! Malalaman niyo rin kung ano pa ang mga wirdong meron ang istoryang 'to sa hinaharap...






Napatigil ako sa paglalakad nang mapagtanto na nasa harap na pala kami ng pinto ng library. Napalunok na lang ako nang mapansin kung gaano kataas ang pinto na dinaig pa ang main door ng mansyon. 



Mabilis akong kumatok at nang wala akong marinig ay napagdesisyunan ko na lang na pumasok kasama si Trider. Ayon sa maid ay nandito si Lord Caventry kaya mas maigi na pasukin ko na lang dahil sa laki ng library ay sigurado akong kahit sumigaw ka pa sa labas ay hindi ka maririnig dito sa loob.




"Why are you here Athanasia?" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang malamig na tono sa likod namin. 



Shit! Balak niya yatang patayin ako sa gulat?! Kalmado akong tumingin sa daddy ni Heavenhell na may hawak na libro ngayon. Seryoso siyang nakatingin sa'kin at kay Trider na kasama ko.





"I want you to meet him, father."





"So what about Trider that you personally looking for me?"






"Wait, what?"





"Hello sir, nice to meet you again..."





______________________________________


Dem's note: May mga errors kaya paki-intindi na lang. Thank you!

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now