"Venven, why do I feel that you don't want to see me? I'm sad!" Kunwaring malungkot na sabi niya habang nakahawak sa dibdib nito na animo'y nasasaktan. 



"Ge--geez! This guy is really crazy! Sa ginagawa niya ngayon hindi na ako magtataka kung nasa headline kami ng balita mamaya."





"It's not like that, Clive..." napatigil ako sa pagsasalita nang ma-realize ang tinawag sa kaniya. Maging siya ay nagulat lalo na yung ibang nakarinig sa sinabi ko. 



Gosh! I'm dead! Isa sa mga rules ng mga Lucretius na hindi sila pwedeng tawagin sa first name nila dahil para sa kanila ay kawalan yon ng galang. Weird man pero yun ang totoo! Sa nobelang 'to maraming weird na rules at mga pangyayari na hanggang ngayon ay hindi ko malaman kung anong utak meron ang author ng istoryang 'to?!





"I--I'm sorry, Young master Lucretius for calling you that. I hope you forgive me." kalmado kong sabi kahit na sa totoo ay kinakabahan ako ng konti.





Paano kung bigla akong barilin neto, edi tapos na ang istoryang 'to diba? Nanatili akong nakayuko nang hindi siya magsalita. Don't tell me he's going to kill me?! Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang kamay nitong papalapit sa'kin. 



Balak niya yata akong sakalin? Geez! Napatigil lang ako sa pag-iisip nang hawakan niya ang baba ko at marahang inangat kaya ang ending ay nagkatitigan kaming dalawa. Sh*t! Bakit nakangiti 'tong hinayupak na 'to?!





"Clive huh? I like that, Venven..." malamig nitong bulong sa'kin na kinalunok ko. Feeling ko kasi isa yung death threat sa lamig ng boses niya! Sa sobrang lamig, gininaw ako ehh!





"Ahh... Young master----" naputol ang sasabihin ko nang samaan niya ako ng tingin. Tsk! I'm in trouble!





"C--Clive, mauuna na kami..." nakangiti kong sabi na kinangiti niya rin. Damn! That smile can kill a thousand girls! He is such a demon!





"Alright, take care Venven! See you soon." sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko. Hayys! Mas mabuti kung hindi na tayo magkikita!





"Bye." pilit-ngiti kong sabi at kumaway sa kaniya.






Mabilis kong hinila si Trider palabas ng boutique. Baka mamaya may pahabol pang tanong si Clive tungkol dito kay Trider at hindi 'yon magiging maganda para sa plano ko. I really need to be careful in the future! 



Kailangan hangga't maaari ay iwasan ko muna ang mga character na masyadong importante sa takbo ng nobela dahil baka kapag nangialam ako ng sobra ay may mangyaring hindi maganda.





"I want you to be my personal bodyguard, Trider... Do you agree?" tanong ko sa kaniya habang nakasakay kami sa passenger seat ng kotse.





Naramdaman ko ang pagtingin ni Pira sa amin sa salamin pero hindi ko siya pinansin. Alam ko na hindi siya sang-ayon sa mga sinabi ko dahil sino ba naman ang nasa matinong utak ang magbibigay ng trabaho sa taong napulot mo lang sa tabi diba? Normal lang ang reaksyon niya bilang personal maid ko ay kaligtasan ko ang prayoridad niya.





Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now