Kung puwede lang i-urong ang stool na kinauupuan ko palayo sa babaeng bagong dating, ginawa ko na.  Nakaramdam ako ng kaunting hiya na nadidikit siya sa akin ngayon.  Hindi pa ako naliligo.  Pero nagsipilyo naman kaya hindi naman siguro ako ganoon kabaho.  Palihim kong sininghot ang damit ko.  Wala naman akong naamoy kaya kahit naiilang nanatili akong nakaupo.

"I hope so," sagot ng babae. "I'm looking for Anna."

Napatingin sa akin si Ma'am Cuales at napatingin rin ako sa kanya.  Tapos, sabay naming binalingan ang magandang babae.  Nagpalipat-lipat naman ang tingin niya sa amin at nananatiling nakangiti kahit na may pagtataka kaming nakikita sa kanyang mga mata.

"I'm sorry but what for?" usisa ni Ma'am Cuales.  Sinulyapan niya na naman ako na may pagdududa sa kanyang mga mata. Parang nagsasabi ang mga 'yon na: What did you do now?

Sinimangutan ko na siya ng tuluyan.  Nakalimutan kong dapat akong magpakabait para hindi ma-grounded.  Namimintang ang mga tingin niya, eh.  

"Pasensiya na at hindi agad ako nagpakilala.  My only excuse is I'm excited to be here," masayang sabi ng babae.  "I'm Mrs. Orizaga, by the way. The mother of one of the freshmen."

Orizaga? Nanay 'to ni Cole?

Napasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Abala naman ito sa pakikipagkamay kay Ma'am Cuales.

Bakit ang babata ng mga magulang ng kaklase kong iyon? Katulad ng Daddy niya, mukhang nakatatandang kapatid lang din niya itong Mommy niya. Mukhang mas matanda pa si Ma'am Cuales tingnan kahit na pakiramdam ko mas matanda ang babaeng katabi ko kaysa sa dorm manager namin.

"I'm sorry but I don't have a girl with that surname," magalang na paghihinging paumanhin ng dorm manager. 

"Oh, no."  Tuluyan na ngang mahinang tumawa ang babae.  Tawang poise na poise pa rin. "My baby is not staying at your dorm.  And he is definitely not a girl.  My son's name is Cole Valentine."

Biglang nangislap ang mga mata ng dorm manager namin.  "Cole?  Cole of first year Topaz?"

"Yes," mabilis na sagot ng Mommy ni Cole. Mukhang natutuwa pa ito na kilala ng dorm manager ang anak niya. Nagtataka naman ako na kilala ni Ma'am si Cole.  Paano?

"I've been hearing a lot of good things about your son, Mrs. Orizaga.  He is making a lot of my girls crazy."

Napahagikhik ang bagong dating. "Please, call me Ezzie.  Mrs. Orizaga is just so terribly formal. Valentine must have gotten that from his father. That man has been turning my head for more than a decade now."

Nagtawanan ang dalawa samantalang wala naman akong masyadong maintindihan sa mga pinagsasabi nila.  Paanong binabaliw ni Cole ang mga kasama ko sa dorm?  At sino sa mga 'yon? Nagpop-up sa utak ko ang mukha ng roommate kong nagpaplano ng wedding gown para sa kasal nila ng kaklase ko. Hmmm. Oo nga, baliw nga si Hazel dahil doon.  May katotohanan nga siguro sa pinagsasabi ng dalawang ito.

"Anyway, as I've said, I'm looking for Anna.  I have to give her something on behalf of my son. Just a minute," at muling lumapit ang babae sa pinto. Mukhang may tinawag siya roon. Mayamaya ay may nakabuntot na rito nang bumalik sa counter.

I perked up when I saw who it was.  Si Igor!  Ngumiti rin siya sa akin bago muling nagseryoso ang mukha.  May hawak siyang gift basket na punong-puno ng snacks.  May bitbit rin siyang gift bag na kulay pink pero wala roon ang atensyon ko.  Nandoon sa gift basket.  May nasisilip akong mga snacks na paborito ko.  May orange na Pringles.  Bigla akong naglaway. 

Nag-sink-in sa akin ang sinabi ng Mommy ni Cole bago siya lumapit sa pinto kanina. Hinahanap niya si Anna kasi may pinapabigay si Cole.  Malakas ang kutob kong ako 'yon.  Ako lang naman ang nag-iisang Anna sa classroom namin.  Ako lang din naman siguro ang Anna na kilala ng lalaking iyon at nagdo-dorm. 

Kiss Me, Cole (Part 1) [IN EDITING ]Where stories live. Discover now