"Sa tingin mo papayag ang headmaster kapag nagpaalam kang hiramin 'yon? It's coincidental." Nalukot naman ang mukha ng dalawa.

"Ang bobo mo pala Fei, confidential ata ang tinutukoy mo," natatawang sabi ni Mira.

"Halos pareho na rin 'yon, daming arte. Hiramin niyo lang naman at tingnan ang laman, saglit lang naman 'di ba?" Gusto ko rin makita ang nakalagay doon.

Malay mo false information ang nakasulat doon, aba hindi ako papayag. Ang ganda ganda ng earth e. Pero siyempre aside sa nga pangit na nangyayari sa earth, paano pa magiging maganda 'yon kung pangit?

Kasalanan naman 'yon ng mga tao.

"Oo nga, saglit lang naman," sabi ni Mira.

"Paano kung mahuli tayo?"

"Edi sisihin natin si Fei, sabihin natin siya ang mastemind." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mira.

"You have kapal face 'no? Nag-suggest lang ako, kayo pa rin ang magdi-decide," wika ko.

Sa 'kin ba naman isisi. Outsider pa naman ako, kapag ako sinipa ng head master nila palabas edi lagot siya kay Kreyos! Alam kong hindi niya hahayaan ang cute na katulad kong itapon na lang ng gan'on gan'on.

"So when natin gagawin 'yon?" tanong ni Mira.

Tingnan mo. Gusto rin naman gawin.

"Kailan ba wala si head master?" Nanahimik ang dalawa at nag-isip.

Hindi ko na need mag-isip, tinatamad ako.

"Every saturday, why?" Gulat kaming napatingin sa babaeng bagong dating.

"Ginulat mo kami," natatawa mong sabi ni Lana.

"Why are you talking about head master?" Umupo siya sa tabi ni Mira at ngumiti.

Muntik na akong matawa ng makita ang mukha nilang dalawa. Nagdadalawang-isip sila kung sasabihin nila o hindi.

"Balak nilang kunin ang librong may title na earth sa office ni head master," sabi ko.

Nanlaki ang mata nilang dalawa at natagpuan ko na lang ang sarili ko na naka-kulong sa isang kahon.

Yep, kinulong nila 'ko kung saang  kahpon.

"Wala wala! Binibiro ka lang ni Fiera hehehe." Boses ni Mira ang una kong narinig na nag-salita.

"Oo, alam mo naman si Fei masyadong mapagbiro."

"Ahh!" Inis akong bumangon ng matumba ako dahil gumulong bigla ang kahon kung nasaan ako.

Mga piste! Pagbabayaran n'yo talaga 'to!

Napaangat ako ng tingin ng may mag bukas ng box.

"Are you okay?" tanong ni Nana at binuhat ako.

Tiningnan ko naman ng masama ang dalawa na ngayon at nakanguso. Ang sama ng mga ugali ng mga 'to, parang 'di mga kaibigan.

"Papasukin niyo ang office ni headmaster para kunin ang libro, what's with that book?" Nginuso ako ng dalawa kaya sa 'kin tumingin si Nana.

"Tungkol sa earth," nakasimangot na sabi ko.

"What's earth?"

"Kunin niyo nga ang libro para malaman niyo," wika ko.

"You're going with us!" Sabay sabay na sigaw nila na ikina-atras ko.

Mga kupal! Akala ba nila sasama ako?!

"SHH! Ingat kayo sa mga eye watcher." Nakasimangot ako habang buhat buhat ni Lana.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Where stories live. Discover now