Mukhang problema ito...

—————————

Mag a-alas kwatro ng hapon kami natapos sa pag aayos ng mga tent at mga gamit namin. Naihanda na rin ang mga mesa para sa pag hahanda ng dinner namin.

Natapos na rin ang mga kalalakihan sa pag aayos ng mga gagamitin para sa bonfire mamaya.

Ngayon ay nag tutulungan kaming maghati at maghanda ng kakainin namin mamayang dinner.

Kasama ko ngayon si Tanaka, Remiko at Kureno sa pag babalat at pag hahati ng mga gulay para sa gagawing soup.

Sina Takumi, Ukai, Sachi at Chi naman ay nakatoka naman sa pag lilinis ng mga bangus at sila rin ang mag iihaw nito.

Sina Kurumi, Kei, Yuki at Kenjie naman ang bahala sa pag punta sa grocery store na malapit sa camping site namin dahil nakalimutang bumili ng mga utensils na pang kain ang mga ito. Naisama lang si Kenjie dahil para daw may 'lalaki' daw na mag babantay sa kanila.

As if I know naman, na sinadya naman talaga nilang dalhin si Kenjie dahil mag papapansin lang ang mga ito.

Hindi ko mapigilang mairita pag na aalala ko yung pag papapansin mg mga ito.

" Hoshi, kalmahan mo lang. Baka malamog mo na yung patatas." Natatawang sabi ni Tanaka sa akin.

Bigla kong napansin ang hawak kong patatas na mukhang malapit na malamog sa pag huhugas ko.

" May problema ba, Hoshi?" Nag aalalang tanong ni Remiko sa akin.

" Ah! Wala naman. May iniisip lang ako." Atsaka ko na binitawan ang hawak kong patatas at kinuha ko naman ang isang patatas na dapat hugasan.

" First time mo bang mag camping sa ganitong lugar Hoshi?" Tanong sa akin ni Kureno atsaka kinuha nito ang  patatas na kaninang  hawak ko. Maingat na hinati naman nito ang patatas.

" Oo. Sa katunayan nga, ngayon lang ako nakapag camping sa buong buhay ko. Nakakatuwa pa, first time kong mag camping lalo na dito pa sa Japan."

" Kung ganoon, kailangan mong mas mag enjoy at sulitin ang 2 araw ng camping natin. Kasi mag kakaroon na tayo ng hell week simula next week." Ang sabi ni Tanaka habang nag babalat ito ng patatas at ang mga patatas na binabalatan nito ay ibinibigay sa akin at hinuhugasan ko, atsaka hahatiin naman ni Kureno ang mga patatas.

Habang si Remiko naman ay tamang nuod lang dahil hindi ito marunong mag hati o mag balat dahil hindi ito sanay.

" Oo nga pala, next week na pala ang exam at mag uumpisa na pala tayong mag handa para sa cultural festival."

Kailangan kong mag aral para sa Japanese literature at sa mathematics.

" First time mong mag camping dito sa Japan diba? Kung ganoon, dapat mong malaman na kapag mag ka- camping sa gubat o bundok ay napakalamig ang lugar sa gabi. Kaya mamaya, kailangan mong mag handa ng Jacket para hindi ka ganoong lamigin." Ang sabi naman sakin ni Kureno.

Buti pala ay nakapag dala ako ng sweater.

Maya maya ay biglang tinawag naman nila Ukai at Takumi si Tanaka para mag patulong ang mga ito sa pag gawa ng apoy para sa pag iihaw.

" Hoshi, pwede bang ikaw na muna ang magbalat ng mga natitirang patatas? Kailangan ko munang tulungan yung mga yon sa pag gawa ng apoy. Wala na atang ma-aasahan sa isang anak mayaman na katulad nina Takumi at Ukai."

Tumango naman ako at maingat na kinuha ang peeler sa kamay nito at ang patatas na hawak nito.

" Oo naman.  At mukha ngang mas kailangan ka nga nila doon." Atsaka natatawa kong tinignan sila Ukai at Takumi na parang namomoblema nga sa pag gawa ng apoy. Ang mga kasama namang mga babae ng mga ito ay abala sa pag lilinis mg isda.

I became a living Godजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें