Camping trip 1

11 1 0
                                    

Nakarating kami sa aming destinasyon kung saan kami mag ka-camping kasama ang mga kaibigan ni Kenjie, Prinsesa Remiko at ang mga kaibigan ng ate ni Kureno.

Ang ate ni Kureno ang may plano tungkol sa camping na ito at inaya lang si Kureno dahil hindi papayagan ang ate nito na sumama sa camping ng magka kaibigan kung hindi kasama ang kapatid.

Nasa tabi ko si Remiko na ngayon ay nakakapit sa braso ko. Mukhang hindi ito komportable dahil sa ngayon lang ito nakakalayo sa border ng Inari shrine. Medyo dulo na kasi ang lugar na ito at mukhang hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa lugar na ito. Ganun rin siguro si Remiko.

Napatingin ako kay Kenjie kung saan ay kalmado lang itong nakikipag usap sa mga kaibigan nito.

Mukhang wala namang nararamdamang kakaiba si Kenjie...

Baka guni-guni ko lang?

Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar.

" Dito ba tayo magsta-stay ng buong gabi?" Tanong ni Remiko sa akin.

Tumango naman ako.

" Mukha nga." Sagot ko.

Nilapitan naman kami ng ate ni Kureno.

" Ako nga pala si Kurumi, ang Ate ni Kureno. Pero wag niyo na akong tawaging ate ha? Isang taon lang naman ang itinanda ko sa inyo."

" Ako naman si Hoshi." Pag papakilala ko.
" Ako naman si Remiko."

"Sino sa inyo ang girlfriend ng kapatid ko?" Nakangiting tanong ng ate ni Kureno sa amin.

Sabay kaming napa-iling ni Remiko.

" Ahhh... Si Shun lang po ang nag iisang lalaki sa puso ko." Buong tapang na sagot ni Remiko.

Napalingon ako sa kanya dahil hindi ko aakalain na ganun lang kadali nitong aminin ang totoong nararamdaman nito kay Tanaka.

Nilingon naman ako ni Kurumi tsaka ngumiti ito ng nakakapanloloko.

" So ikaw ba ang girlfriend ng kapatid ko?"

Umiling ako atsaka nagsalita.

" Ahh. Hindi. At wala pa akong... boyfriend."

Napalantak naman ito.

" Sayang naman, maganda ka at gusto ko ang tulad mo. Ang hina naman ni kureno. Oo nga pala, doon tayo. Ipapakilala ko kayo sa mga kaibigan ko. Tara!"

Atsaka iginiya niya kami sa grupo ng mga kababaihan na nag uusap usap na para bang may pinag-kakaguluhan.

" Hoshi, Remiko. Sila naman ang mga kaibigan ko. Eto si Saki, Chi, Sachi, Kei at Yuki." Pag papakilala ni Kurumi sa mga kaibigan nito.

" Wag kayong mahihiya sa amin. Dapat kailangan niyo ring mag enjoy." Ang sabi naman ni Saki habang naka akbay sa katabi nitong si Chi.

Mag sasalita sana ako nang marinig ko ang boses ni Kenjie na ngayon ay palapit sa akin.

" Tala."

Pagkalapit nito sa akin ay kinuha nito ang dala dala kong backpack na nakasabit sa balikat ko.

Hindi na namin kailangan na mag salita o mag usap na dalawa dahil parang nag ka kaintindihan na kaming dalawa sa isang tawag o tingin lang namin sa isa't isa.

Siguro sa sanay na kami sa isa't-isa at sa kilala na namin ang ugali ng isa't isa?

Alam mo yun, hindi na namin kailangan magsalita para magkaintindihan kami. Ang hirap eexplain. Pero ganun yun...

I became a living GodWhere stories live. Discover now