Kamisama go to school

37 2 1
                                    

Nagmamadali akong naligo at nagbihis ng uniform ko dahil late na ako.
Hindi ko kasi narinig ang alarm ng cellphone ko kaya hindi ako kaagad nagising ng maaga.

Nakalimutan ko rin ikwento kay Kenjie na papasok na rin ako sa school, dahil pagdating ni Kenjie sa Shrine ay dumiretso agad ito sa pagluluto ng Dinner ko at natulog agad.

Hindi ko na rin tuloy nasabi kay Kenjie na sasabay na ako sa kanya pumasok sa school.

Patakbo akong lumabas ng bahay at kinuha ko ang cellphone ko.

"Lady Tala, nakalimutan niyo pong kumain ng almusal." Pagpapa-alala sa akin ni Rin.

"Lady Tala, kumain ka na muna bago ka umalis. Sayang ang hinandang almusal para sayo ni Kenjie-dono." Ang sabi naman ni Lin.

Nagmamadali kong sinusuot ang sapatos ko.

" Rin, Lin. Kayo na muna ang kumain para hindi masayang. Kayo na ang bahala muna sa Shrine ha. Mamayang hapon naman ay pupunta naman dito si Tito Mikage. Sige aalis na ako!" Atsaka ako nagmamadaling umalis ng Shrine.

" Lady Tala!" Rinig kong sigaw nila Rin at Lin.


Nang makarating ako sa school, halos lahat ng mga estudyante ay pinag titinginan ako dahil ako lang ang estudyante na ibang itsura at mag-isang nakasuot ng itim na stockings.

Dalawang rason kung bakit ako nag suot ng itim na stockings:

Una, dahil nahihiya akong makita nila ang mga binti ko at gusto kong itago ang mga pasa na hindi pa gumagaling dahil sa natamo kong pambubugbog ng Tita ko.

Pangalawa, hindi ako sanay na mag suot ng maiiksing palda.


Nang makapasok na ako sa loob ng school ay agad kong hinanap ang Guidance Office.

Ang sabi kasi sakin ng tito ko na sa Guidance office daw ako dumiretso at ipakita ko lang daw ang letter na ipinapa-abot niya sa babaeng makikita ko daw sa loob.

"Tala Ōkami Villa. Kumusta ka? Ako nga pala si Ms. Akane Osamu. " Nakangiting bati niya sa akin.

" Nice meeting you po, Akane sensei." 

"Halika na, pumunta na tayo sa bago mong classroom." Pag aaya ni Ms. Akane.

Nang nakalabas na kami ng Office niya ay nag umpisa itong mag salita.

" Habang nag - aaral ka dito sa japan, ang gagamitin mo munang pangalan ay Hoshi Ōkami Villa."

" Hoshi?" Tanong ko.

" Ang pangalan mo sa bansa ninyo ay 'Tala', hindi ba? Ang ibig sabihin sa English ay 'Star'. Ang Star naman sa Nihonggo ay 'Hoshi.'" Pag eexplain naman ni Akane Sensei.

" Ang gandang pakinggan. Pero... bakit po kailangang palitan ang pangalan ko?"

" Hindi lahat ng tao dito sa Japan ay kayang bigkasin ang pangalan mo."

" Pero paano sa birth certificate ko? Sa passport ko?"

" Huwag kang mag - aalala, naayos na lahat ni Mikage ang mga dapat ayusin. Oo nga pala, kumusta na pala ang Ojisan mo?

" Ayon po, laging umiinom ng Sake. Mahilig manuod ng drama sa hapon." Habang tumatagal ay nagiging komportable akong kausap si Akane Sensei. Lalo na alam kong mapagkakatiwalaan ko siya dahil sa kilala siya ni Tito Mikage.

Ngumiti ito. "Hindi parin pala siya nagbabago."

Rinig kong bulong niya.

Magtatanong sana ako sa kanya tungkol kay Tito Mikage nang bigla ulit siya nagsalita.

I became a living GodWhere stories live. Discover now