The Guardian

35 2 0
                                    

(Kenjie's Point of View)

(Kenjie's Point of View)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang boring.

Nababagot na ako sa panunuod sa mga nangyayari sa labas ng bintana ng classsroom namin.

Pinapanuod ko ang isang ibon na pabalik-balik sa isang puno at may bitbit itong patay na damo sa tuka nito. Siguro gumagawa ito ng bahay.

" Hoshi-san Sensei." Rinig kong sagot ng kaklase naming babae.

Hindi ko ito kilala sa pangalan dahil hindi ko naman sila kailangang kilalanin, I mean... Hindi ko alam ang mga pangalan ng mga kaklase naming babae.

Ngayon ko lang naalala na nasa klase parin pala ako.

Saglit na nagulat si Tala.

Mukhang balak talaga nilang pahiyain ng mga ito si Tala dahil hanggang ngayon ay ayaw parin nila sa kanya.


Mga babae nga naman. Sakit lang sa ulo..


Pinahiram ko sa kanya ang libro at agad kong ibinalik ang tingin ko sa bintana.

Pinagpatuloy ko ang panunuod ko sa isang ibon na pabalik-balik sa puno.

Wala ring akong pwedeng gawin para ipagtanggol si Tala sa sitwasyon na ito sa planong pamamahiya na ito.

" Stand up Hoshi-san and read the poem." Rinig kong utos ni Sensei.

At agad naman itong nagbasa.


Hmmmm...


Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Tala habang nagbabasa. Mukha ngang magaling itong magsalita ng English. Lahat ba ng nakatira sa Philippines ay magaling mag english?

Kahit papaano ay meron karing maipagmamalaki ...

Maraming bagay pa akong hindi alam kay Tala.

Ang alam ko lang ay anak siya ng isang Kamisama at ng isang mortal. Kagaya din ng mga magulang ko ay nakagawa din sila ng malaking kasalanan dahil sa pinagbabawal na pagmamahalan ng isang tao at Kami o Yokai.

Nakakatanga ba ang magmahal? Kung alam nilang mali, bakit hindi nila itinigil na mahulog sila sa isa't isa? Napakalaking hangal.

At saka napanuntong huminga ako.

Kung ako sa kanila, ititigil ko na agad. Bakit gagawin ko kung alam kong bawal.

Hinding hindi ako magiging tanga katulad nila..

Siguro masyado lang silang mahina. Mabilis silang tinamaan ng sakit kaya hindi na sila makapag-isip ng maayos. Mas inuna pa nila ang pagiging selfish kaysa unahin ang maglingkod.

Mas ini-idolo ko pa si Mikage dahil sa tagal niya nang nabubuhay, naging matatag ito at hindi nagpapahawa sa katangahan at pagiging mahina. Hindi niya iiwanan ang pagiging Kami para lang unahin ang pagiging selfish.

I became a living GodWhere stories live. Discover now