Promise to return to the promised land

46 2 0
                                    

After 4 hours and 40 minutes, nakarating na rin ako sa lugar kung saan ko malalaman ang sagot sa katanungan tungkol sa pagkatao ng Mama ko at kung ano ba talaga ang silbi ko sa mundong ito.

Tinignan ko ang ibinigay na notebook sa akin ni Lola kung saan nakalagay ang address ng pupuntahan ko.

Ibinigay rin sa akin ni Lola ang mga perang matagal na itinago ng aking magulang para sa aking paglalakbay. Mukhang matagal nang nakaplano ang lahat na mangyayari sa pagtuntong ko sa edad na 16.

Bakit? Bakit ganito ka planado?

Alam ba ng mga magulang ko na ganito ang magiging kapalaran ko?

Lumapit ako sa isang matangkad na lalaki na naalala kong nakasama ko sa flight papuntang Japan, nilapitan ko siya dahil mukha naman siyang mabait at approachable.

"Excuse me, Hi. Can I ask you Sir? How can I get to Kyoto from here?"

"Getting from Tokyo to Kyoto? Getting from Tokyo to Kyoto with the Japan Rail Pass is easy. You should take the Shinkansen Hikari bullet train from either Tokyo Station or Shinagawa Station in central Tokyo, and arrive at Kyoto Station."

"Ohh. Tha-Thank you." Pag papasalamat ko.

Nahalata naman niyang hindi ko ma-aalala ang mga directions niya kaya nagmagandang loob itong isulat in English letters ang directions niya sa akin.

"Here. I'll be feel guilty if you get lost." Anito atsaka nagpaalam.

Napangiti ako dahil mukhang mababait ang mga tao dito sa Japan.

--------


" Nakarating din ako... "

Sobrang napagod ako sa paghahanap ng lugar na ito.

Gutom na gutom na din ako at gusto ko nang magpahinga. HIndi ko alam na sobrang nakakapagod palang bumiyahe ng ganitong kalayo.

Hindi ako kumain sa tokyo dahil hindi ko pa alam kung paano gamitin ang pera at currency ng yen.


Nagpapasalamat ako sa mga taong tumulong sa akin para makarating ako sa lugar na ito.

Eto na kaya iyon?

"ITO NA NGA! Nandito na ako!" Napatalon na ako sa  tuwa ng marealize ko na nandito na talaga ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"ITO NA NGA! Nandito na ako!" Napatalon na ako sa  tuwa ng marealize ko na nandito na talaga ako.


Nagmadali akong tumakbo para makapasok sa loob.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
I became a living GodWhere stories live. Discover now