Place where I belong

50 2 1
                                    

Bigla akong nagising sa mahimbing na pagkakatulog ko sa kama.
Nakatulog na naman pala ako.
Bakit bigla biglang nagkakaroon ako ng mga panaginip na hindi ko maipaliwanag?

Tinignan ko ang aking daliri at suot ko parin ang gintong singsing.

So totoo pala ang lahat ng iyon?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

So totoo pala ang lahat ng iyon?

Ano bang nangyayari? Sagot sa katanungan ko ay itong singsing ni Mama?

Sa totoo lang, hindi ko rin lubusang nakikilala si Mama. Ni' wala man lang ikinuwento sa akin si Papa tungkol kay Mama.

Sino ba talaga si Mama?

—-

"Tala! Sunduin mo nga ang Nanay sa buss station! Mag babakasyon daw muna siya dito ng 3 araw. Kaya ikaw, umayos ayos ka! Pag ikaw nagsumbong kay Nanay, malalagot ka sakin. Kasi kung hindi, papalayasin kita dito. Nakakaintindi ka ba?!"

"Opo Auntie Clarise." Sagot ko.


--

Noong nabubuhay si Papa, wala siyang ikinuwento tungkol kay Mama.

 
Ang sabi lang niya ay ang Mama ko daw ay ang pinaka magandang babae na nakilala niya noong nag babakasyon siya sa abroad.

Naligaw daw si Papa at para daw isang Diyos si Mama na bumaba galing sa langit at tinulungan siya nito.

Napakamabuting tao daw si Mama at napakagandang babae ayon kay Papa.

"Auntie, Aalis na po ako." Paalam ko bago ako lumabas ng bahay.

Hindi naman umimik ang Auntie ko dahil wala naman itong pakialam sakin.

Nang makarating ako sa Buss Station ay agad kong napansin si Lola na may hawak na bag at bayong na may laman na mga prutas at gulay.

Nagmano ako nang makalapit ako sa kanya.

"Pagpalain ka ng Diyos, apo." Nakangiting sabi ni Lola.

"Ka-kumusta po ang byahe po... Lola?"

"Nakakahilo sa buss. Ayuko talaga bumiyahe ng napakalayo. Ikaw kumusta kana apo ko? Matagal na rin tayong hindi nagkita. Masaya ka ba sa bahay ng Auntie Clarise mo?"

Ngumiti lang ako ng pilit.

"Ahh. Lola, tara na po. Baka po hinihintay na po tayo ni Auntie." Pabulong ko.

I became a living GodWhere stories live. Discover now