Hinayaan ko lang itong kunin sa akin ang backpack ko. Nang makuha nito ay tahimik na binuksan nito ang bottled water at ibinigay sa akin bago ito umalis at lumapit sa mga kaibigan nito.

Napangiti naman ako.

Biglang nagsalita naman si Yuki kaya agad akong napalingon sa kanya.

" Bo-boyfriend mo ba yun?!"

" Ah! Hi-hindi. Hindi ko siya Boyfriend." Pagtatanggi ko.

Nanlaki naman ang mga mata ng mga kaibigan ni Kurumi atsaka agad ako nilapitan.

" Seryoso ka ba?!" Tanong ni Sachi.
" May girlfriend na ba yun?!" Patiling tanong naman ni Kei sa akin.

Napangiwi ako dahil hindi ko ene-expect na hanggang dito ba naman ay may magkakagusto kay Kenjie.

Well... Hindi naman maitatanggi na malakas ang sex appeal ni Kenjie... Isa pa ay may mukha naman talaga itong maipagmamayabang.

Hindi ko mapigilan ang sariling mainis sa mga kaibigan ng ate ni Kureno pero pinilit kong ngumiti.

" Ah. Wa-wala naman akong naririnig sa kanya na may girlfriend siya." Sagot ko.

Mas napatili ulit ang mga ito.

" Naku Kurumi! Buti pala isinama mo ang kapatid mo ! Andami tuloy nating mga lalaking makakasama. Plus, ang nakakatuwa pa, uuwi yata akong may Boyfriend." Atsaka humagikgik si Yuki.

" Speaking of Boyfriend, hindi kasama ang lalaking iyon." Ang sabi naman ni Kurumi ang ate ni Kureno, atsaka itinuro nito ang direksyon ni Tanaka.
" Ang lalaking iyon, out of limits na iyon ha? Kasi boyfriend nitong si Remiko ang lalaking iyon. Okay?" Pag pa paalala pa nito.

Napangiti naman si Remiko atsaka tumango.

" So ibig sabihin, pwede kaming pumili sa apat na iyon? Kung ganon, akin yung lalaking iyon." Ang sabi naman ni Saki atsaka itinuro si Ukai.

Ohh. Meron na agad na pumili kay Ukai.

" Basta sakin naman yung si Takumi ah!" Ang sabi naman ni Chi. " Walang makikihati!"

Hindi ako na inform na may match making palang mang yayari rito sa camping.

" Akin naman yung lalaking iyon!" Pag dedeklara naman ni Kei atsaka itinuro naman nito si Kenjie.

Huh?

Well... Wa-wala naman sigurong problema diba? Tutal... Single naman ito tsaka depende naman iyon kay Kenjie kung type din ba nito si Kei...

" Ano?! Siya din ang gusto ko!" Ang sabi naman ni Yuki rito.

" Hindi pwede yun! Dapat isa lang satin dalawa! Ayuko ng ka share!" Ang sabi naman ni Kei.

Mukhang mag aaway pa ang dalawa.

" Bakit di nalang isa sa inyo na piliin  ang kawawa kong kapatid?" Tanong ng ate ni Kurumi.

Sabay na nagsalita ang dalawang magkaibigan.

" AYUKO!"

Natatawang napabuntong-hinga naman ang ate ni Kurumi.

" Mag aaway pa kayong dalawa. Bakit di nalang kaya kayo magpagalingan sa pag kuha ng attention ni Mikage? Si Mikage parin naman ang mag dedesisyon kung sino sa inyong dalawa ang tipo o magugustuhan niya. Hindi ba?" Suhesyon ni Kurumi.

Napatango naman ang dalawa.

" Okay. The best girl win!" Nakangiting sabi ni Kei.
" Sympre ako mananalo." Confident naman na sabi ni Yuki.

I became a living GodWhere stories live. Discover now