Chapter 9

83 0 0
                                    

Tumahan na rin si Puope sa wakas, at nandito na kami ngayon sa park. Hawak-hawak ko parin yung kamay nya tapos yung ulo nya nakasandal sa balikat ko. Nakatalikod kami sa kalsada at nakaharap sa dagat.

"Den?" Tanong ni Puope habang nakasandal parin yung ulo nya sa balikat ko.

"Hmmm?" Sagot ko lang habang nilalaro ng isa kong kamay yung hibla ng buhok nya.

"Paano na bukas?" Sabi nya. Napahinto naman ako sa ginagawa ko.

"Puope, sa totoo lang hindi ko talaga alam. Pero sa ngayon, isa lang ang alam ko. Isa lang ang gusto ko. Ang makasama ka." Sagot ko sa kanya tapos iniharap ko sya sa akin at hinawaka ang mga pisngi nya.

"Puope, hindi na ako papayag na mawala ka ulit. Hindi ko na kakayanin yun." Sabi ko pa habang tinititigan sya sa mata.

Ngumiti naman si Puope tapos pumikit. Tumango sya. "Ako din, Den. Parang ayaw ko ng umalis." Sabi nya na ikinagulat ko.

"Aalis ka?" Gulat kong tanong. Tumango naman si Puope bilang pagsagot. Nabitawan ko ang mukha nya at nilingon ang dagat. "Iiwan mo na naman ako." Mapakla kong sabi.

"Den, hindi ko naman alam kasi na magkikita pa tayo. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari." Hinawakan nya yung kamay ko. Wala naman akong nagawas kundi lingunin sya ulit.

"Kung sasabihin ko bang wag ka ng umalis, magse-stay ka?" Titig ng titig na naman ako sa mga mata nya.

Ngumiti ng maluwang si Puope at tumango.

Natuwa naman ako sa sagot ni Puope kaya hindi ko na lang namamalayan na lumapit na pala ang mukha ko sa kanya, hanggang hinalikan ko na si Puope.

"Mahal na mahal kita, alam mo yun?" Sabi nya, pagkahiwalay ng mga labi namin.

"Mahal na mahal na mahal din kita, Puope." Ngingiti-ngiti kong sabi habang yung mga noo namin, magkadikit pa.

Nagkwento si Puope sa naging buhay nila sa Germany. Nalaman ko na ikinasal ang ate nya at mabait naman daw ang bayaw nya. Kaka-graduate lang din daw nya ng High School doon. Nagpart time sya bilang baby sitter. Malamig daw sa Germany, matagal nga daw bago sila nasanay. Panay daw ang pagkakasakit nila noong bago pa sila dun.

"Nag... nagka.. boyfriend ka.. ka ba dun?" Nauutal kong tanong. Tumawa naman si Puope.

"Bakit?? Anong nakakatawa sa tanong ko?" Itinaas ko ang isang kilay ko.

"Ang kyooooot mooooo!" Sabi nya sabay pisil sa pisngi ko.

"Aaaaa aaaraaay!" Awat ko naman sa kanya.

Tumatawa parin sya.

"Hindi. Hindi na ako nagkaboyfirend pagkatapos.. pagkatapos mo." Nahihiya naman nyang sagot.

"Uyyy. Nagba-blush ka ba? Nagba-blush ba ang Puope ko?" Ngumisi ako sa kanya na proud na proud.

"Hindi ahhhh!" Sabi nya sabay tawa.

Grrrriiiiiggggg

Pilit pinipigil ni Puope yung tawa nya.

"Grabe ang tyan mo, ah. Overtime parati." Tumawa na naman sya.

"Ehhh.." Nahihiya ko namang sagot.

"Tara." Tumayo sya sa harapan ko sabay abot ng kamay nya. Kinuha ko naman at naglakad na kami paalis ng park.

"Saan tayo?" Tanong ko.

"Hmmm. Parang gusto ko mag noodles. Game?" Nginitian ko lang sya tapos naglakad na kami.

Just A SecondWhere stories live. Discover now