Chapter 7

65 1 0
                                    

Nagising ako ng mga 7 A.M., naamoy ko na ang breakfast sa baba. Naligo muna ako bago pumunta sa kusina.

Nagulat naman ako ng hindi ko makita si Daddy, hindi kasi yun nagpapalipas ng almusal.

"Ah, manang si Daddy po?" Tanong ko sa nag-iisa naming kasambahay habang hinihila yung upuan ko.

"Ay umalis na po ser. Maaga po eh." Sagot naman nya habang binababa ang lalagyan ng fried rice.

Tumango lang ako sa kanya tapos nag umpisa na kumain.

 Sunday ngayon, wala akong magawa sa bahay. Wala din si Meu, nagsisimba kasi sila kapag Sunday. Ayaw ko naman mag stay lang sa bahay kaya umalis ako at pumunta sa dati kong school, yung school ko nung High School.

Nagpagala-gala lang ako hanggang makarating ako sa soccer field. Wala paring nagbago, yung mga bleachers color green pa din.

Napatingin ako sa dulo ng mga bleachers, may babaeng nakaupo dun. Blond na medyo wavy yung buhok nya. Di ko rin makita ang mukha nya kasi nakatingin sya sa baba tapos naka suot pa sya ng earphones. May dala din syang bola ng soccer tapos pinapaikot nya lang yun sa paa nya. Hindi pa din sya nag angat ng ulo, kaya di ko parin nakikita yung mukha nya.

Umupo naman ako sa kabilang dulo ng bleachers, sinuot ko yung aviators ko tapos sinandal ko yung ulo ko sa taas na bleacher. Masarap yung hangin na dumadampi sa mukha ko. Nagpatugtog ako sa phone tapos nilagay ko yung earphone ko tapos pinikit yung mga mata ko. Yun lang, nakalimutan ko na ang paligid ko.

Napamulat naman ako bigla nung may nagbato sa akin ng bola ng soccer, pinulot ko yun tapos tinignan yung nagbato. Literal na lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. Si Puope.

Nakatitig pa din ako sa kanya, blond na yung buhok nya tapos pumuti sya. Yung damit nya, ibang-iba na rin kesa dati, pero komportable parin tingnan sa kanya. Naka black skinny jeans lang sya tapos tee shirt at nagsuot ng black chucks. Simple lang yung suot nya pero mas lalo syang gumanda. Tumaba ba sya ng kunti? Parang. Hindi na sya tumangkad, ganun pa din.

"Tititigan mo lang ba ako?" Nakangiti nyang sabi.

"Puope?" Tanong ko namn para makasiguro, kinurot ko pa yung pisngi ko. Totoo nga sya.

Lumapit ako kay Puope, dala-dala parin yung bola.

"Ano, 1 on 1?" Sabi nya habang kinukuha yung bola sa kamay ko.

"Hinintay kita." Bigla ko namang sabi tapos niyakap ko sya ng mahigpit. Bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Hey, hey. Can't breathe." Natatawa nyang sabi. Aba, magaling na sya mag english.

"Pasensya ka na, medyo mabilis ang mga pangyayari noon eh." Sabi naman nya na umiwas ng tingin.

"Alam ko na, nabasa ko yung sulat mo." Sabi ko naman na pilit hinahabol yung tingin nya.

"Yung mga Pink Tecoma, nakita ko ng mamulaklak nung bumalik ako dito." Sabi nya habang nakatingin sa mga puno at nakangiti.

"Magaganda talaga sila, no?" Dagdag pa nya na hindi parin tumitingin sa akin.

"Sobrang ganda." Sinabi ko sa kanya habang nakatitig pa din.

Pagbalik nya ng tingin sa akin, nakatitig pa din ako sa kanya, bigla naman syang namula.

"Ano, game?" Sabi nya habang tumatakbo papunta sa field.

Napailing nalang ako at napangiti, tapos hinabol ko si Puope.

Just A SecondWhere stories live. Discover now