Chapter 6.5 (Puope's POV)

70 0 0
                                    

Nagising ako na may yumuyug-yog sa akin. Si Peng.

"Gising muna, gusto pumunta ni Steve sa park." Sabi nya habang pinupulot yung mga nagkalat na damit mula sa lagguage ko.

"Kailangan ba nandoon ako?" Sabi ko naman tapos tinakpan ko ng unan yung mukha ko. Tinatamad parin kasi ako.

"Hayy. Ano ka ba! Magmumok-mok ka lang ba dito sa kwarto? Mabuti pa pala hindi na tayo bumalik." Pagpapakonsensya naman ni Peng.

"Ugh! Oo na, maliligo muna ako. Aish." Padabog naman akong pumunta ng banyo.

Tapos ko maligo at magbihis, nakita ko na sina Peng at Steve sa may sala nakaupo sa couch.

"Let's go." Sabi ko, bilang pagpaparamdam sa presensya ko.

"Great!" Masaya namang tumayo si Steve sa couch.

Naglakad-lakad kami papunta sa park since medyo hindi naman kalayuan ito mula sa bahay at sabi ni Steve, makakabuti daw 'to kay Peng kasi parang exercise na rin. Hindi naman ako pumalag.

Maraming tao sa daan pero hindi naman masyadong busy. Yung hangin din, masarap sa pakiramdam. Naglakad pa kami hanggang makarating sa park. Maraming bata ang nagtatakbuhan, may mga nakaupo naman sa benches tapos meron din parang nagpi-picnic. Nangiti naman ako sa nakita ko.

"There." Sabi ni Steve sabay turo sa bakanteng mesa na may mga upuan pa.

Nung malapit na kami sa mesa, bigla naman nagpasya si Steve na bumili ng makakain sa malapit na coffee shop.

"Can you fetch me some chocolate cake please? I've been craving for that." Nagpacute naman ako sa bayaw ko.

"Real cute right there. Why don't you come?" Tatawa-tawa naman nyang sagot.

"I'll stay here." Sabi ko naman sabay upo.

"Alright then. You look after Peng." Sabi pa nya.

"Psh. Peng's not a kid anymore." Tinawanan ko naman si Peng.

"But she's carrying your niece or nephew." Proud na proud na sabi ni Steve.

"Right." Sabi ko nalang tapos umalis na si Steve.

"Hindi pa pala tayo nakakapunta dito noon, no?" Sabi ko kay Peng habang iniikot-ikot ang paningin sa paligid.

"Hmmm." Sabi naman ni Peng sabay tango sa akin.

Inikot ko pa ang paningin ko hanggang may nakita ako sa tapat ng kalye na isang pamilyar na tao. Sobrang pamilyar, hinding hindi ako pwedeng magkamali.

Den? Mahina kong sabi.

Tapos nakita ko yung babaeng kasama na, nagtatawanan sila, sobrang saya. Sinundan ko pa sila ng tingin hanggang huminto sila sa isang bahay na di naman kalayuan. Aalis na sana si Den pero bumalik sya at niyakap nya yung babae. Niyakap nya ng matagal.

Para namang sinaksak ang puso ko. Hindi ko na napansin tumulo na pala ang luha ko.

"Puope, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong naman ni Peng sa akin. Nakatitig pa din ako kay Den at sa babaeng kayakap nya. Kumalas na sila, pero hindi parin nawawala yung sakit na nararamdaman ko.

"Puope.." Tanong ulit ni Peng nung hindi ako sumagot. "Puope, ayos ka lang?" Nag-aalala na talaga sya.

"Ah, oo, oo ayos lang. May, may naalala lang ako." Pagsisinungaling ko naman kay Peng tapos pinunasan ko yung luha ko.

"Sigurado ka?" Deskumpyado nyang tanong, tapos nilingon din nya yung tinitignan ko kanina, pero wala na syang nakita kasi umalis na si Den tapos pumasok na yung babae.

"Pwede ba ako mauna sa bahay? Medyo sumama pakiramdam ko eh." Pagpapaalam ko kay Peng.

"Kaya mo? Sigurado ka?" Pag-aalala parin ni Peng.

"Oo, ayos lang. Mag enjoy nalang kayo ni Steve okay? Paki sabi nalang din na nauna na ako." Sabi ko tapos sabay tayo sa upuan, nararamdaman ko na naman kasi yung mga luha ko na babagsak.

Tumakbo na ako papunta sa bahay, umiiyak parin. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Alam ko wala akong karapatang magkaganito kasi in the first place, ako naman talaga yung nang-iwan kay Den, ako yung umalis ng walang paalam. Pero masakit parin eh. Kasi akala ko.. akala ko mahihintay nya ako.

Isinubsob ko na yung mukha ko sa unan pero hindi parin tumitigil yung mga luha ko.

Hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako.

Just A Secondحيث تعيش القصص. اكتشف الآن