Chapter 6

72 0 0
                                    

Tumakbo ako ng tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, pinabayaan ko nalang paa ko. Alam ko, nararamdaman ko, nandito na ulit si Puope. Bumalik sya, binalikan nya ako.

Hinihingal akong huminto sa tapat ng dating hotel na pinagtatrabahuan nina Puope. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid. Walang Puope.

Tamang-tama naman lumabas yung manager ng hotel kaya nilapitan ko sya kaagad.

"Excuse me po." Nilingon nya ako nung narinig nya boses ko.

"Teka, kilala kita ah." Sabi nya na kumunot pa ang noo tapos nilagay nya yung isang kamay nya sa baba at hinimas yung bigote nya.

"Tama! Tama! Ikaw yung palaging naghahanap kay Puope!" Bigla naman lumiwanag yung mukha nya.

"Ah, eh. Kasi po magtatanong sana ako kung nakita nyo po sya?" Mabilis ko namang sabi.

"Naku, iho, wala, hindi napunta dito. Matagal ko na din silang hindi nakikita. Hay." Sabi naman nya na parang walang interes.

"Ah, ganun po ba." Nalungkot naman ako sa narinig ko. Pero kung walang Puope na bumalik, sino kumuha nung medal?

"Sya sige, marami pa akong gagawin." Sabi nya sabay talikod sa akin at pumasok na sa hotel.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Nawala na lahat ng lakas ko, lahat ng excitement. Saan ko pa kaya sya pwedeng hanapin. Wala naman akong masyadong alam sa buhay nya. Pati nga apelyido nya di ko alam. Pati birthday nya, o saan sya pinanganak, o yung pangalan ng ate nya. Wala, wala pala talaga akong alam sa buhay ni Puope.

Pero bakit ganun? Kahit wala akong alam masyado sa buhay nya, bakit pakiramdam ko kilalang-kilala ko sya?

Naupo muna ako sa sidewalk, iniisip kung ano na gagawin ko. Bigla naman pumasok si Meu sa isip ko, kaya kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko sya.

"O, hon. Anong meron?" Sagot nya agad pagkalipas ng tatlong rings.

"Busy ka ba?" Sabi ko naman.

"Hmmm. Hindi naman. Katatapos ko lang din gumawa ng homework."

"Hihintayin kita sa coffee shop ha. 30 minutes." Sabi ko.

"O sige, sige. Magbibihis na ako." Masayang sagot naman ni Meu.

After 25 minutes nga, dumating na si Meu. Simula nung makilala ko si Meu, hindi pa sya nale-late sa mga usapan namin.

"Kanina ka pa?" Bati nya sakin nung makita nya ako. Tumayo naman ako para alalayan sya sa pag-upo, tapos hinalikan ko yung noo nya.

Bigla naman kumunot ang noo ni Meu nung magkaharap na kami sa upuan.

"Ayos ka lang?" Sabi nya sabay lagay pa ng kamay nya sa noo ko para pakiramdaman kung mainit ako.

"Oo naman. Wala akong sakit. Nabo-bored lang kasi ako sa bahay." Sagot ko naman sabay iwas ng tingin sa akin.

Dumating na yung orders namin, nag order na ako bago pa dumating si Meu since alam ko naman yung gusto nyang inumin parati dito.

"Hmmm, parang gusto ko ng iba ngayon." Sabi nya nung makita yung inorder ko.

Kumunot naman ang noo ko.

"Ano? Wala lang, para maiba lang. Ikaw, ayaw mo ba ng change?" Tatawa-tawang tanong ni Meu.

Change. Napag-isip naman ako sa sinabi nya.

"Meu." Mahina kong sabi. Iniinum na ni Meu yunginorder kong frapuccino sa kanya.

"Hmm?" Sabi nya ng hindi ako tinitignan.

"Mahalaga ka sa akin. Alam mo yun diba?" Tinitigan ko sya sa mata nung nag-angat na sya ng ulo para tignan ako.

Tumango naman sya at sinabing, "Den, mahal na mahal kita. Maligaya ako na magkasama tayo." Ngumiti naman sya pero hindi umabot sa mga mata nya.

"Salamat Meu." Sagot ko naman.

"Den, bakit hindi ka na naglalaro ng soccer?" Biglang tanong naman ni Meu.

"Hindi na para sa akin ang soccer." Pagsisinungaling ko naman sabay iniiwas ang tingin ko sa kanya at sinandal ko yung ulo ko sa upuan.

Tumango ulit si Meu.

"Alam mo, kung hindi ko lang sana alam ang lahat, paniniwalaan kita." Nabigla ako sa sinabi ni Meu.

"Si Puope, diba? Sya ang dahilan kaya ayaw mo na?" Dagdag pa nya habang iniinum yung frapuccino nya.

"Meu, hindi totoo yan." Sagot ko naman.

"Ayos lang, Den. May mga bagay talaga na hindi pwedeng palitan. Sana lang sigurado ka sa ginagawa natin ngayon." Dagdag pa nya.

"Meu, wag ka na mag-isip ng ganyan please. Masaya na ako ngayon, nandito ka na. Wala na yung nakaraan." Paninigurado ko kay Meu tapos hinawakan ko yung kamay nya na nakapatung sa lamesa.

Siguro nga hindi na babalik si Puope. Siguro nga dapat na ako mag move on. Si Meu, sya ang nandito, unfair naman kung si Puope parin iniisip ko.

Baka may nakapulot lang nung medal. Sabi ko sa sarili ko.

Kung anu-ano nalang pinag-usapan namin ni Meu, naaliw naman ako. Nagkwento sya ng mga nakakatawa, tawa kami ng tawa dun sa coffee shop.

Matapos sa coffee shop, naglakad na kami ni Meu papuntang bahay nya. Nadaanan pa namin yung park, medyo maraming tao ngayon. May mga bata na naglalaro, magpapamilya. Napangiti naman ako sa kasiyahan na nakita ko.

"Pano, pasok na ako?" Sabi ni Meu nung nasa tapat na kami ng bahay nila.

"Sige, alis na rin ako." Tapos tumalikod na ako.

"Den." Tawag ni Meu mula sa likuran ko.

"Mahal na mahal kita." Matamis ang ngiti na binigay sa akin ni Meu, kaya bumalik ako malapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Sana hindi ka magbago. PAgtiisan mo muna ang boyfriend mo ha." Pabiro ko namang bulong sa kanya.

Tapos kumalas na sya, at nagpaalam na ulit ako.

Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Papa na nakaupo sa garden. Hindi ko naman sya pinansin, didiretso na sana ako sa loob ng bigla syang nagsalita.

"Nandito pa ba sa Thailand si Puope?" Bigla nyang tanong.

"Hindi ko alam." Sagot ko naman na medyo nabigla.

"Ahh, akala ko kasi sya yung nakita ko. Sige na, kumain ka na sa loob." Sabi nya, at nagkibit balikat pa. Kaya pumasok nalang din ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko at nahiga. Parang inikot ko ang buong Thailand sa pagod, kaya hindi na nakayanan ng mata ko at pumikit na.

Just A SecondWhere stories live. Discover now