Chapter 1

220 2 1
                                    

"Yeaaaah! Yeaaaaah! Wooooh!" Sigaw ko ng matamaan ko ang mga Pepsi Cans sa field. Ang sarap lang sa pakiramdam kapag nagagawa mo kung ano talaga ang gusto mong gawin. Gusto ko maging malaya, na makaya kong panindigan lahat ng desisyon ko sa buhay. Tama man o mali.

Ang soccer field ang nagsisilbing freedom arena ko. Dito ko naibubuhos lahat ng sama ng loob, lahat ng frustrations at lahat ng kasiyahan ko. Masaya ako kapag nakaka score ng goal. At sobrang pinagbubutihan ko para mapasok sa finals ang team ng school namin.

Para daw akong bata, tatawa-tawang sabi ni Max, ka-team mate ko sa soccer. Hindi kami masyadong close pero matatawag mo na rin syang kaibigan ko. Sila lang naman kasi ng soccer team ang kaibigan ko sa school. Hindi rin kasi ako palakibo sa ibang students.

Medyo kalbo si Max, malitt na bata kahit magkasing edad lang kami, naka suot pa ng malaking eye glasses. Medyo weird nga tignan kapag naglalaro sya. Mapang asar din, at masyadong tsismoso para sa isang lalake. Haha, oo tsismoso nga.

Ayun, nagpatuloy kami sa paglalaro. Dapat daw nagpapahinga na kami sabi ni Coach pero parang masyado kaming naaliw sa paglalaro kaya ito na naman kami, nag tatakbuhan sa field habang inaagaw ang bola mula sa mga "kalaban".

After mga two hours siguro, nagpahinga na kami. Pero medyo na-iihi ako kaya pumunta muna ako sa boys' room at umihi.

Malapit na akong matapos sa ginagawa ko ng bigla nalang may sapatos na umapak sa tiles na nagde-divide sa mga urinals ng mga boys. Tapos naka palda pa sya! Kaya ayun, dali-dali kong tinapos ang pag-ihi ko. Yung babae naman, parang wala lang din nangyari. Pagkababa nya, tinanong ko sya.

"Hey!" Sabi ko na na-shock pa ng kaunti.

"Ah, kasi yung pintuan sa kabila, ni-lock." Simpleng sagot nya. Tapos tumakbo na palabas ng CR.

Nung naka recover na ako, tinakbo ko palabas ang boys' room tsaka hinabol ko sya. Naglalakad nalang sya ng makita ko. Aba! Para lang walang nangyari! Parang hindi niya lang pinasok ang boys' room. Baliw ba 'to? Kaya ayun hinabol ko, at naabutan ko sya sa lobby.

"Uy! Uy! May nakita ka ba?" Nahihiya kong tanong habang palapit sa kanya.

Tapos huminto sya sa paglakad at humarap sa akin. "At kung meron, ano naman?" Mahinahon nyang sabi.

Naglakad na naman sya paalis.

"Nanti-trip ka ba?!" Medyo nabu-bwesit kong sigaw sa likuran nya.

-------

Kinabukasan.

"So, totoo siguro yung mga tsismis." Narinig ko ang boses ni Max habang papasok sa locker room ng soccer team.

"Patingin nga ako." Sabi naman ni Kevin, isa ko pang ka team mate.

Pagkakita ko, naguumpukan halos lahat ng soccer team sa cellphone ni Max, may tinitingnan. Natawa naman ako. Alam ko, babae na naman yung tinitignan nila.

"Ano sa tingin mo?" Tanong naman ni Pao kay Red, na nasa tabi niya.

"Maganda nga sya." Sagot ni Red.

"Oo, sya nga yan. Yung babaeng nakita nila sa hotel." Sabat uli ni Pao.

Na curious naman ako, kaya sumabat na din ako sa usapan.

"Anong tinitignan nyo?" Masaya kong bati sa kanila.

"Check this out, sabi nila, bayarang babae daw sya." Sagot na mabilis ni Max.

"Gabi-gabi pumapasok at lumalabas sya ng hotel. Hindi nga sya gusto ng mga babae dito sa school eh." Dagdag pa ni Max.

Nang tignan ko yung picture sa phone nya, nagulat ako ng makita ang pamilyar na babae. Hindi ako pwede magkamali, sya yung pumasok ng boys' cr mula sa open na pader na nagde-divide sa girls at boys' cr.

Just A SecondWhere stories live. Discover now