Chapter 2

175 2 0
                                    

Tumakbo ako sa main building ng school at umakyat sa second floor. Palinga-linga ako habang hinahanap si Puope. Kailangan ko sya makita. Buti nalang at pagdating ko malapit sa Principal's Office, nakita ko si Puope.

Tiningnan ko si Puope, parang malungkot ang mga mata nya. Tinignan din nya ako.

"Kamusta ka?" Nag-aalala kong tanong.

"Nalaman ng mga teachers na nagtatrabaho ako sa hotel. Kaya na suspend ako." Malungkot nyang sabi.

Ilang segundo din kami nagkatitigan ni Puope, wala na akong ibang nagawa kundi kunin ang kamay nya. "The hell with school then." Sabi ko sabay hila sa kanya patakbo. Hindi ko alam kung saan ko sya dadalhin. Pero isa lang ang nasa isip ko ng mga sandaling iyon. Gusto ko makasama si Puope, gusto ko mawala ang lungkot nya, gusto ko sya maging masaya kasama ako.

Sumakay kami ng bus papunta sa pier na magdadala sa amin sa Sumai Island. Oo, wala na akong ibang maisip na magandang lugar kundi doon.

Habang nasa bus kami, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tiningnan ko si Puope pero nakatingin sya sa malayo. Mahal ko na yata si Puope.

Nung nasa ferry na kami, nakatulog na si Puope, yung ulo nya nakapatong pa sa balikat ko. Ewan ko pero hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko kapag kasama sya.

Nakarating na kami sa villa sa wakas. Umupa kami ng maliit na kwarto na over looking sa dagat. Sobrang ganda talaga ng lugar na 'to.

Niyaya ko si Puope na pumunta sa dagat. Naglaro kami na parang mga bata. Sobrang saya ko talaga sa mga panahon na iyon. Parang sobra ako naging malaya. Nakalimutan ko ang soccer, ang skwelahan, si Daddy, ang mundo. Walang ibang mahalaga sa oras na yun kundi si Puope at si Puope lang. Tinignan ko sya habang naglalakad sya sa tubig, namangha na naman ako sa ganda ni Puope kagaya ng pagka mangha ko nung una ko syang nakita sa boys' room.

Maganda ang mukha ni Puope, maganda ang ngipin nya, yung ilong nya tama lang din, yung mga mata nya sobrang ganda din. Pero sa lahat ng maganda sa panlabas na anyo nya, yung ngiti nya ang pinakapaborito ko. Napaka inosente ng mga ngiting iyon, napakatamis. Gusto ko lage makita yung ngiti nya. Gusto ko palagi na syang masaya. Pero higit sa lahat, alam kong maganda ang kalooban ni Puope.

Bumalik na kami sa villa na inuupahan namin. Isang kama lang ang meron ito at nakaupo kami ni Puope sa magkabilang dulo nito, walang kumikibo. Napaka-awkward ng vibe. Nagpalinga-linga ako sa kwarto, tumitingin kahit saan, hanggang sa sabay kaming nagkatinginan ni Puope sa isa't isa.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero bigla ko nalang hinawakan yung kamay ni Puope na nakapatung sa kama, tapos inihiga ko sya ng dahan-dahan sa kama.

Yumuko ako para halikan sya, at nakatingin lang sya sa akin. Palapit na ng palapit ang mga mukha namin ng bigla nalang syang tumawa ng malakas. Napatawa na din ako.

Umayos na kami ulit ng upo ni Puope sa dulo ng kama. Magkatabi na kami pero hindi masyadong magkadikit. Ilang minuto din ang dumaan ng walang nagsasalita sa aming dalawa.

"Pwede ba tayong magsama ng walang nangyayari sa atin?" Biglang pagbasag ni Puope sa katahimikan namin. Medyo nahiya naman ako sa ginawa ko kani-kanina lang.

Ngumiti nalang ako sa kanya at sinabing, "Oo."

Pumasyal pa kami ni Puope sa isla. Umupa kami ng motorsiklo, tapos tinuruan ko sya mag drive. Buti nalang fast learner si Puope, kaya sya na ang nag drive nung umikot kami sa lungsod.

Tapos pumunta kami doon sa maraming malalaking bato na malapit sa dagat, tapos doon naman kami sa mga cottages na naka extend sa dagat, walang tao kasi hindi pa naman summer. Kami lang ni Puope, nag-gigitara ako habang sumasayaw sya. Nakakatuwa sya, para syang bata. Pumunta naman kami sa dulo ng cottages na nakahanay pa-extend sa dagat. Hinahaplos ng hangin yung buhok ni Puope, tinitigan ko lang sya. Nakukuntento na ako sa ganito. Palagi akong nahuhuli ni Puope na nakatitig sa kanya. Pero hindi ko naman maalis-alis yung titig ko sa kanya.

Nung bumalik kami sa villa, hinanap ko yung natitira kong pera para makapaghapunan na kami. Kaso kunti nalang yung perang natitira, hindi na kasya para sa hapunan. Tinignan ko si Puope, ngumiti naman sya at nag suggest ng ideya. Ayun, isang noodle lang binili namin tapos pinagsaluhan namin.

Kinabukasan, pinatawag kami nung manager ng villa. Tinanong nya kami, "Mag si-stay pa ba kayo ng matagal?" Nagkatinginan naman kami ni Puope.

"May trabaho po ba kayo na pwede pasukan?" Tanong ko sa lalake.

"Kaya ko po mag serve." Sabat ni Puope.

"Wala, wala. Pumunta nalang kayo sa iba." Matigas na sagot nung lalake.

"Staying." Sabi ko sabay abot nung credit card ni Daddy sa lalake. Napatingin nalang ako habang sinu-swipe nya yung card.

Tumambay na naman kami ni Puope doon sa may malalaking bato malapit sa dagat.

"Babayaran kita. Matatagalan nga lang." Sabi nya sabay ngiti.

"Nah, ayos lang 'yon. Wag ka mag-alala." Nginitian ko naman sya. Hindi naman kasi yun ang iniisip ko eh, ang pinoproblema ko lang kasi, baka ma-trace kami ni Daddy dahil dun sa credit card. Nalulungkot akong isipin yun.

"Napaisip lang ako. Bakit ka pala tumalon sa boys' room noong araw na yun?" Tanong ko kay Puope.

"Kasi ang pintuan doon sa kabila, sarado." Pagsisimula nya. "Simula nung lumabas ang tsismis na yun, nasanay na akong pinaglalaruan nila. Ano pa magagawa ko? Sabihin na hindi ako bayaran pero ang ate ko?" Tumingin sya sa akin, nakakita ako ng lungkot sa mga mata nya pero pinipilit parin nyang ngumiti.

"Eh yung mga magulang mo?" Tanong ko ulit.

"Namatay na sila noong bata pa lang ako. Kami nalang ni Ate ang natitira." Lumungkot uli yung boses nya.

"Paano ka naging singer?" Tanong ko pa uli.

"Si ate ang nagsimulang kumanta doon." Sabay ngiti nya ng kaunti. "Nung hindi na magkasya ang pera namin, kailangan nang humanap ni ate ng ibang trabaho. Hindi ko gustong gawin nya yun, kaya tumulong ako sa pamamagitan ng pagkanta doon." Sumagot pa din sya kahit alam ko na masyadong malungkot ang mga pinagdadaanan nya.

Tinapos ko na ang pagtatanong ko at ibinaling ang mga mata ko sa lumulubog na araw.

"Maganda yung sunset, diba?" Ngingiti-ngiti kong sabi. Tumingin naman si Puope sa sunset. Pagkalingon ko sa kanya, nakita ko ang mukha nya na nakukulayan ng pale orage dahil sa sunset. Napakaganda nya. Mahal ko na yata si Puope. Hindi, hindi yata, mahal ko na talaga si Puope.

Wala nang ibang pumasok sa isip ko kundi ang mukha ni Puope, at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, nilapitan ko yung mukha ni Puope at hinalikan sya sa labi. Medyo nabigla si Puope pero hinalikan nya rin ako. Yun na yata ang pinakamasyang nangyari sa buhay ko.

Napakasaya ko na makasama si Puope. Mahal ko na si Puope. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan sa isang tao o sa kahit ano mang bagay. Hindi mapapantayan ng kahit ano man ang kasiyahan na binibigay ni Puope sa akin ngayon, kahit ang maka score ng goal sa finals, walang-wala sa nararamdaman ko ngayon.

Pabalik na kami ni Puope sa villa, magkahawak kamay, nagtatawanan. Masaya na sana lahat, pero ng tignan ko kung sino ang nakatayo sa labas ng villa.

"Dad!" Bigla akong napasigaw. Binitawan naman ni Puope yung kamay ko.

Masama ang tingin ni Daddy sa aming dalawa. Yung credit card, yun yung dahilan kaya na-trace nya kami. Nakakainis!

Bigla-bigla nalang akong hinila ni Daddy, hinila nya ako ng hinila papunta sa speed boat nya. Wala akong nagawa kundi sumunod. Bakit hindi ko kayang ipaglaban si Puope? Bakit hindi ko kayang panindigan ang desisyon ko? Masyado akong nanliliit sa sarili ko.

Nasa speed boat na ako ni Dad habang nakatingin sa amin si Puope mula sa itaas. Umaandar na ang speed boat ng nilingon ko si Puope, sobrang lungkot ng mukha nya at nag-aalala.

Wala akong ibang naisip kundi tumalon mula sa speed boat. Sobrang lalim pala ng dagat, hindi ako makahinga. Parang walang lakas ang mga paa ko. Malulunod na ako ng may humatak sa kamay ko. Si Daddy. Wala akong nagawa kundi sumakay uli sa speed boat.

Napapaiyak nalang ako habang papalayo kami kay Puope. Sana makita ko pa sya.

Just A SecondWhere stories live. Discover now