CHAPTER 13 : The New Life

Start from the beginning
                                    

Kaagad namang nagulat at nanlaki ang mata ni Astran. "Paanong hindi puwede saka aalis ka kaagad?" tanong niya sabay kuha sa kamay ni Zayne.

"Sir Zayne, aalis ka na ba talaga? Huwag kang umalis parang awa mo na. Bakit? Hindi ka na ba professor? Nang dahil lang ba talaga sa nangyari mawawala ka sa serbisyo mo sa pagtuturo?" Dagdag niyang tanong na sabi dito saka naman nag-angat noon ng tingin niya ang professor na tama nga siyang umiiyak din pero pinipigilan lamang nito. Markado ang pilit na pagpapakatatag ng loob nito

"No! Is not like that! Huwag mo sisihin ang sarili mo."

"So bakit kailangan mo umalis? Sabihin mo sa akin Sir Zayne. Hindi ka na ba professor? Hindi ka na ba magtuturo? Atsaka huwag mong sabihin na dapat hindi ko sisihin ang sarili ko kasi kasalanan ko din."

Sa likod ng mga luha ay pilit na ngingiti si Zayne. "Wala kang kasalanan kasi gusto naman kita at ginusto nating dalawa ang lahat."

"Ano na mangyayari sa inyo niyan, sir?" tanong ni Astran.

"I can still teach, don't worry!" tugon ng professor saka niya hahawakan sa magkabilaang balikat si Astran. At mag-aangat ang kaniyang kanang kamay para ilagay ito sa kanang pisngi din ng binata.

"Makakapagturo at magiging professor pa rin ako-"

Mabilis na may mamumuong gitla ng ngiti sa labi ni Astran pero agad din itong mapapawi.

"Professor parin ako, but not in our university-"

"Sir Zayne."

"Siguro kailangan lang mo muna natin na pahupain ang mga bagay bagay. Ayaw ko lang na madamay pa ang pagsisikap mo. Mag-aral kang mabuti. Huwag ka na bumalik sa pagiging badboy na iyan, troublemaker, o maging sakit sa ulo."

"Sir Zayne paano ka? Paano ako? Paano naman tayo?"

"There's a time for us. Kung puwede, sana mahintay mo ako. Kasi ako? I'm willing to wait until everything is okay for the two of us. Huwag ka na malungkot, Mr. Astran. Kasi kapag dumating na ang tamang panahon at oras para sa atin? Hinding-hindi na kita hahayaan, I will never let you go. You are mine and I will not allow you to be with anyone else. Sa ngayon kahit magkakalayo tayo ng landasin, sana ay sabay nating tuparin kung ano ang nais natin."

Kahit napakasakit para sa binata ang mga itinuran ni Zayne sa kaniya ay pilit niyang inintindi ang gusto nitong ipahiwatig at iparamdam na hindi pa sila puwede sa ngayon. Sa mata ng iba at sa mata ng lahat ay mali ang relasyon nila kahit pa sabihing itatago nila ito o itanggi. Hindi matatama ng isang mali ang isa pang pagkakamali.

Sa ngayon, naiintindihan niyang gusto nito maghintay ng tamang panahon at oras para sa kanila.

Nang tila hindi na niya napigilan noon na mapaiyak sabay yakap muli ng mahigpit dito. Siguradong ito na ang magiging huli niyang yakap sa ngayon dito, kaya naman susulitin na niya ang pagkakataon. Mukha kasing desidido na talaga itong professor kaya wala na siyang magagawa para doon. Ang nakakalungkot lang ay kailangan pa nila maghiwalay ng ganito.

Maraming what if na katanungan sa isip ng binata pero mas nanginginabaw nalang sa kaniya ang pagtitiwala at may panghahawakan na sinabi ni Zayne.

Kasabay sa pagbitaw mula sa pagkakayakap sa professor, muli ang binata ay sumunggab ng halik. Isang halik na nagtagal ng ilang segundo, isang halik na magiging huli na, isang halik na punong-puno ng nararamdaman ni Astran na pagmamahal, at isang halik na magiging baon nila para sa mahabang lakbayin ng kanilang tatahakin.

"Mami-miss kita ng sobra!" Pinunasan ng binata ang kaniyang luha.

"Mami-miss din kita my troublemaker student, ASTRAN KYLE JI. Huwag mo sana papahirapan ang susunod na magiging professor mo."

SECRETLY LIKE YOU ❦ ( BL STORY ) R-18+  | COMPLETEDWhere stories live. Discover now