Kinumutan niya rin ako at kinuha niya inayos niya ang kamay ko na nakalaylay sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung imagination ko na lang ba na hindi pa siya agad umalis.



Gustuhin ko mang dumilat ay hindi ko magawa dahil sa sobrang antok. Hindi ko na alam kung gaano katagal bago ko narinig na bumukas at sumara ang pinto na tanda na lumabas na siya ng kwarto.



Ring tone ng iPhone ko ang gumising sa akin.



Sumubsob ako sa unan dahil ayaw ko pang gumising. Antok na antok pa ako. Ang kaso ay tuloy-tuloy sa pagriring ang phone ko.



"Anak ng tipaklong, ang aga-aga naman!" paungol na sambit ko.



Kinapa ko ang bedside table kung saan ko laging inilalagay ang phone ko kapag natutulog ako. Nakapikit pa ang mga mata ko nang sagutin ang tawag.



"Hello?"



Wala akong nakuhang sagot mula sa caller. Gumulong ako sa kama at tumihaya habang nasa tainga ko pa rin nakadikit ang phone.



"Hello? Ang aga-aga, sino ba ito?!" Bihira ako makareceive ng tawag lalo na kung ganito kaaga. Walang nagtatangka dahil alam lahat ng tropa ko na palaging mainit ang ulo ko kapag bagong gising ako.



Kahit si Isaiah ay hindi ko sinasanto kapag tinatawagan ako sa umaga. Pinapaliguan ko siya ng mura.



Hindi pa rin sumasagot ang caller kaya nagsimula na akong mapikon. Kahit antok na antok pa ang mga mata ko ay sinikap kong dumilat para icheck kung sino ang letseng caller.



Ichi-check ko pa lang nang marinig ko na magsalita na ito sa kabilang linya. "S-sino ito?"



Kumibot ang sentido ko. Ibinalik lang sa akin ang tanong ko? Gagang ito.



Anyway, based sa boses ay babae siya. Iniisip ko kung si Nelly ba ito pero hindi naman kaboses. Kilala ko ang boses ni Nelly, boses bangag ang babaeng iyon.



"Ikaw ang sino? Tatawag-tawag ko di mo pala ako kilala! Adik ka ba?" Tuluyan na akong dumilat.



Saktong pagcheck ko sa phone ay pinatay na ng kung sino mang letseng caller ang tawag. O di ba bastos sa umagang kay ganda!



Pupungas-pungas ako ng tingnan ang screen ng phone ko. In fairness to my phone, hindi siya malagkit ngayon. Hindi siya nagmamantika at parag nawala rin ang mga gasgas. Anong nangyari?



Nanlaki ang mga mata ko nang mas matitigan ang phone. Nawala ang antok ko lalo nang makita ang nakalagay na pangalan sa call log—si Lou!



Bakit ako tinawagan ni Lou?!



Bakit nakasave ang number niya sa phone ko—Muli akong napatitig sa phone. Shit! Hindi ko ito phone! Phone 'to ng bebe ko!



Lalo akong naasar dahil bakit siya tumatawag kay Jordan? At bakit siya tatawag ng ganito kaaga? Ni hindi pa nga yata siya nagtu-toothbrush, tumatawag na siya?! Anong problema niya?! 



Nahinto ako ako sa pagsisintir nang mapatingin ako sa bintana sa tabi ng kama. May takip iyon na kurtina bagamat lumalagos pa rin ang liwanag na mula sa mataas na sikat ng araw. Napatingin tuloy ako sa oras sa hawak-hawak kong phone.



1:00pm!



Shit, hindi na umaga! Hindi na rin tanghali! Hapon na!



Napabalikwas ako ng bangon. Saka ko napasadahan ng tingin ang kabuuhan ng kwarto. Hindi ko pala ito kwarto. Kay Jordan ito. Naalala ko na nakitulog ako rito kagabi at ngayon, kagigising ko lang! Napatapik ako sa aking ulo.



South Boys #2: HeartbreakerWhere stories live. Discover now