Bakit hindi man lang ako sinabihan ni Reeve na kasama siyang aalis? He texted last night, ang sabi niya ay ihahatid niya lang sa airport. Akala ko ba ay hindi na siya aalis nang walang paalam sa akin? Kahit na alam niyang galit ako...sana ipinaalam niya. Kahit na alam niyang hindi ko siya kakausapin, sana sinabi niya pa rin na aalis siya. Kasi baka umasa na naman akong babalik siya agad-agad.

What happens if he'll stay there again? Paano kung hindi na naman ako bibigyan ng paliwanag?

Ada! Gustong magpaliwanag kahapon pero pinakinggan mo ba? Kaya anong karapatan mong magtanong nang ganyan?

Kinagalitan ko ang sarili. A part of me blame myself for not listening to him...kasi may natitira pa naman akong awa sa sarili ko. What if the truth will just make everything worst? Bakit pa ba magpapaliwanag kung nandito na nga ang resulta? It doesn't change the fact that Reeve still had contact with her or that he had a relationship with her at ipinagbabawal iyon. Even if it's not his child, how could he pursue me? How could he lie to me about a certain detail? How could he hide things from me?

Inakala niya ba na hindi makakaapekto iyon sa aming dalawa?

Handa naman akong makinig eh pero 'yong oras na hinihingi niya para makinig ako, huli na. Kasi nasaktan na ako sa narinig. If it came from him...maybe it will be less painful. Maybe I will not care. I won't even start to feel something for him kasi madali ko lang mapipigilan. If he was able to tell me sooner, maybe it will be easier for me to accept that he had been on that situation. Kung pinaratangan nga siya, baka maintindihan ko pa. Baka mas lalo ko lang siyang tanggapin.

Mabigat ang loob ko nang makaharap na ang pinto sa kwarto ni Isidore. It feels nostalgic to be here upstairs. Dati-rati, pinagbabawalan ko ang sarili na umakyat dito. Binalaan ako nina Mama na kung hindi naman ako pinapatuloy ay hindi ako aakyat dito. At dahil lalaki si Isidore at kaibigan ko pa, pinagbabawalan pa rin ako dahil hindi magandang nasa kwarto ng lalaki ang isang babae, lalo pa at wala namang ibang relasyon.

Kumatok ako nang tatlong beses. I was hesitant to talk to Isidore again. Hindi na ako nakapagpaalam dahil masama ang loob ko. A part of me wants to believe that Reeve did not do any of those things and that Isidore was just lying to me. Kaibigan ko si Isidore. Iyon lang ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko. All he wants is that I'll be in good hands. On someone that he could trust. Kaya siguro ginawa niya iyon dahil wala siyang tuwala sa kaniyang kapatid.

"Come in," anito.

Binuksan ko ang mabigat na pinto. Nasamyo ko ang malambot sa ilong na amoy ni Isidore. His gentle scent lingers in the air at alam kong kaniya agad iyon. I've lived with that scent for so many years.

"Manang, handa na po ba——Ada?" Hindi makapaniwalang aniya nang malingunan na ako sa pinto.

I had a small smile on my face as I stared at him. May iilang pasa siya sa mukha at alam ko na agad kung kanino galing iyon. I was sure that he and Reeve fought. Sapat na ang ginawa niya kahapon para mag-away sila...at baka nga mas lalong hindi na magkaayos.

"Hi," bati ko at humakbang patungo sa kaniyang kama.

Nakaupo siya roon at mukhang hirap na gumalaw. Reeve must have caused many damage on him. I can't imagine Reeve becoming angry on his brother and inflicting pain on him. Hindi ko inakalang ang magkapatid na mahal na mahal ang isa't isa ay nag-aaway ngayon. They were each other's supporters back then. Nakakapanibago. Nakakapanghina.

"W-what are you doing here?" May takot sa kaniyang mga mata. I saw how he swallowed hard as I came closer.

"Did Reeve hurt you?" I silently asked as I took a seat at the edge of the bed.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن